CHAPTER 05

52 3 0
                                    

"Are you hungry? You don't want anything?" Kiel asked me nagtitimpla ito ng kape niya habang ako ay naka dukdok sa lamesa.

"W-wala," wala pa din ako sa mood ngayon. Ang sakit kase magsalita ng pamilya ko. Yes that's just a small fight pero hindi pa rin ako sanay sakanila eh. Kahit anong try ko sa huli masakit pa rin.

"Baby, tell me your problems. I'm always here." Naramdaman ko ang paghimas nito sa buhok ko. Napakagat ako sa labi, sana lang at hindi niya ako iwan. Dahil kung ganon hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Ayoko na Kiel... Pagod na ako kay mama. Hindi ko naman maka-usap si papa dahil ayaw rin saakin nung asawa no'n." Hindi ko na naiwasang sabihin lahat ng hinanakit ko. Sabi niya naman makikinig siya eh.

"Forget about them. Just remember that i will never get tired about you. Baby you're amazing okay? You never failed to make me feel loved." Itinaas ni Kiel ang baba ko at tinapik ng daliri niya ang tungki ng ilong ko. "Sleep and forget about everything. Focus on yourself at may pasok ka pa bukas." Tumayo siya at sinenyasan akong sumunod sakanya kaya ginawa ko naman iyon.

"Matulog ka na, may reviewers pa ako." Tinanguan ko na lang siya. Pagkahiga ko ay lumapit ito saakin at hinalikan ang noo ko bago siya lumabas sa kwarto.

Maybe he's right, i shouldn't think about my problems. And yeah he's definitely right because without thinking about them mabilis akong nakatulog. Nagising lang ako i feel something na tinatapik ang pisngi ko.

"Baby, you have classes," Kiel's soft voice whispered at me. Pagdilat ko ng mata ko ay bumungad saakin ang mukha niya.

"Mamaya inaantok pa ako..." Napahikab ako at humarap sa kabilang bahagi ng kama, nakatalikod sakanya.

"Shai, baby malalate ka na." Hindi niya talaga ako tinantanan! Tsaka ko lang din napag-alaman! Kung hindi pa ako babangon dito dalawang beses na akong absent!

Mabilis akong tumayo pupungay pungay pa ang mata.

"Go take a bath, I'm cooking our breakfast." Lumabas na si Kiel. Napanguso ako bago pumunta sa banyo niya. Dala ko naman yung uniform ko at ibang damit kaya walang problema. Mabilis akong naligo at pagkatapos ay naabutan ko si Kiel sa sala na nagrereview may suot pa itong specks at naka bihis na din.

"Wait for me ha?" I said bago dumeretso sa kusina at mabilis na kumain. Kiel doesn't want to waste his time sanay na din naman ako sakanya kaya dapat mabibilis ang galaw ko.

Mabilis akong natapos at kinuha na ang bag ko siya ay hinihintay na ako sa tapat ng pintuan. Pinaglalaruan pa nito ang susi sa kamay niya.

Tumabi ako sakanya pagkatapos kong maghanda. He open the door at sabay kaming pumunta sa parking lot. Siguro kapag kasama mo talaga yung taong alam mong ligtas ka sa tabi ay makakalimutan mo talaga lahat ng problema.

"Go ahead, punta ka na sa mga kaibigan mo. Tyler is waiting me, mamaya na lang." Kiel kissed me on my nose bago kami naghiwalay ng direksyon.

"The fuck Shai? Saan ka galing? Hindi ka pumasok yesterday?" Si Yuna agad ang bumungad saakin.

Napasimangot na lang ako at umupo sa tapat ni Haze na nagrereview naman. Si Jirah ay lumalamon si Yuna naman ay naghihintay pa rin sa sagot ko si Prince ay wala dito.

"May problema lang, pero okay na din naman ngayon." I lied.

"Are you good?" Jirah raised her brow at me so i just nodded. Okay naman talaga ako ngayon dahil kasama ko sila.

"Sure you are?" Haze asked me. Tumango na lang ulit ako.

Pagkatapos non ay pumasok na din kami dahil may klase pa. Lunch time ay kanila Yuna sumabay. Kiel is busy with his own friends din naman.

"Tangina Haze mandaraya ka ata eh." Reklamo ni Jirah ng matalo siya at siya ang oorder ng pagkain namin.

"What? You loose," Haze said while chuckling. Napailing na lang ako sa dalawang ito. Palagi silang ganyan.

"Ako na nga," naiiling na saad ni Prince dahil hindi matatapos iyong pagtatalo ng dalawa. Pataasan talaga sila ng pride.

Nasa Mcdo kami ngayon dahil wala naman kaming ibang kakainan. Mabilis din dumating ang order namin at natapos kaming kumain agad.

Hapon na at nag-aabang ako ng sasakyan na jeep. Hindi ko na tinext si Kiel dahil alam kong may lakad pa iyon kasama ang mga kaibigan niya.

"Bitch, dito lang pala kita makikita!" Nagulat ako ng hilahin ni ditse ang braso ko. Paano siya napunta dito?! Shocks buti at walang tao dito sa waiting shed na pinaghihintayan ko.

"D-ditse? Anong ginagawa mo dito?" Binawi ko ang braso ko sakanya.

"Tanga? Bakit ka lumayas? Ano dahil lang pinagsabihan ka namin ng totoo? Ikaw pa may ganang magtampo kay mama? Kanino ka titira doon sa nauto m—" ditse didn't finished her sentence when someone interrupted.

"What is happening here?" Nagulat ako ng akbayan ako ni Kiel habang naka tingin kay ditse.

"Malandi ka! Sinasabi ko na nga ba may lalaki ka!" Ditse shouted.

"Excuse me? Who are you to say that to my girlfriend?" Nanlaki ang mata ni ate dahil sa sinabi ni Kiel. Yes they didn't know that i have a boyfriend.

At para hindi na humaba ang gulo pinigilan ko na sila.

"K-kiel, kapatid ko siya. Eva, umalis ka na lang. Uuwi din naman ako." Paliwanag ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot si ditse dahil hinila ko na si Kiel paalis doon. Huminto lang kami sa isang bench at hinarap siya. I smiled at him like nothing happened.

"Ano, wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo?" I asked him.

"Angelica you can always tell me your problems." He assured me.

"Oo nga, sabi mo. Pero wala namang problema." I sighed bago umupo sa bench.

He's just staring at me. May gusto siyang sabihin pero hindi na niya iyong sinabi. Bagkus ay hinila niya lang ako patayo at inakap.

"Tara na," hinila niya ako papunta sa carpark kung nasan nandoon ang kotse niya.

"Always remember that I'm always here to guide you. I love you, baby."

Walking On Memories (Betrayal Series #4)Where stories live. Discover now