CHAPTER 02

50 4 0
                                    

"Malapit na 5th monthsarry natin, may plano ka ba?"

Kiel asked me habang gumagawa ako ng plates saktong valentine's din pala 'yung monthsarry namin kaya napaisip ako.

"Hmm, date na lang siguro." I shrugged and continue my work. Wala naman akong plano basta kasama ko lang naman siya okay na 'yon.

"Come on baby, handa naman akong gastusan ka." He put his face on my shoulder that's why i can feel his breath.

"Nakikiliti ako! Lj!" Suway ko sakanya he just chuckled. "Wag ka na gumastos, let's just have a movie date na lang." I requested. Nandito nanaman kase ako sa condo niya.

"Why? I wanted to spend my money on you, so it wouldn't be wasted with some shit." He commented pero napailing na lang ako bago tumayo.

"Final na! Manood na lang tayo ng movie." I just said. Nakita ko naman ang pagnguso nito and i find it cute so dumagan ako sakanya.

"Hmm you smell nice." He sniff my hair kaya natatawa ko siyang hinampas.

"Do you want something? Magluluto ako." Tanong ko habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"I want you baby." Ayan nanaman siya! Naramdaman ko ang pag-akap niya sa likod ko! He's so clingy at wala naman akong reklamo doon.

"Tse! Doon ka na, uuwi na ako." I said.

"You said lumipat ka na sa bahay niyo?" He asked me. Napangiti naman ako sakan'ya ng pilit.

"Oo, gusto kase ni mama roon ako." I sighed.

Wala naman akong magagawa dahil nasa kanya ang allowance ko. Yung condo ko dati ay inilipat niya sa half sister ko kaya wala akong choice kung hindi umuwi pa sakanila.

"Stay here, i hate the way they're treating you." Sandali itong nawala sa mood, umupo siya sa sofa at ipinagpatuloy ang panonood sa telebisyon.

"Wala naman kase akong magagawa eh, si papa rin. May sariling pamilya na 'yon, alam mo namang bunga lang ako ng kamalian nila 'diba? Kung di pa nagprotest si papa nung hindi ako pinatira ni mama sa bahay, hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon." Paliwanag ko sakanya. My dad is a German na napadpad dito sa Pilipinas, while my mom is a business woman na nag-aalok ng mga product niya.

They met and then boom! Nabuo ako, hindi ko alam kung anong nangyari sakanila dahil may pamilya naman na sila nung time na yon. Ang masakit pang part ay 'yung mismong sinabi saakin ni mama na sana pinalaglag niya na lang ako.

"You're the strongest person i know." He hugged me. Well I'm still lucky to have my friends and my boyfriend.

"Ayoko pa sana umuwi kaso kailangan eh." Napanguso ako.

"Stay, baby," he whispered.

"Tangek hindi pwede! Diyan ka na nga, kumain ka ha! 'Yung pinto isarado mo, i love you!" I shouted while getting my things.

"I love you! Baby!" He shouted too. Tumatawa akong napailing bago lumabas. Naka uniform pa ako at nag-abang na lang ng jeep.

Hapon na ng makarating ako sa bahay at sumalubong saakin ang ingay doon, nagtatalo nanaman siguro si ate Jamika at ditse Evaline.

"Good afternoon po, tito," nagmano ako sa step father ko pero sinuklian lamang ako nito ng masamang tingin. Mapait din akong napangiti bago dumeretso sa second floor.

Nakita ko na nagbabatuhan yung mga ate ko ng mga gamit. Dumeretso na lang ako sa kwarto ko dahil ayokong madamay sa away nila.

Sinubukan kong tapusin ang project ko bago bumaba para maghanap ng makakain. Gabi na din kase.

"Ma, good evening po," i greeted my mom na katatapos lang maligo dahil sa tuwalya na nakapalupot sa ulo niya.

"Wala ng pagkain, magluto ka na lang ng itlog diyan." I sighed, lagi namang ganito kapag umuuwi ako eh.

Gaya ng sabi niya nagluto na lang ako ng itlog. Kaunti na lang din ang kanin na natira kaya hindi ako nabusog. Tambak pa ng pinagkainan yung lababo kaya sobrang late na ako natapos.

Naglinis muna ako ng katawan ko bago natulog. I'm always wishing that life isn't this cruel. I'm tired sometimes, pero may pangarap ako eh.

Maaga ako nagising dahil sa tunog ng alarm clock ko. Mabilis akong bumangon at pumunta sa banyo para maligo na. Nag palit ako sa uniform ng architecture bago nagpupunas ng buhok na lumabas.

"Ano ba Evaline! Kinuha mo nanaman yang damit ko!" Pagbaba ko ay nagtatalo nanaman sila. Hindi na ako kakain dito dahil wala din namang matitira saakin.

"Ma, alis na po ako," parang hangin lang ako na tumagos sakanila dahil hindi nila ako pinansin. Kailangan maaga pa akong makahanap ng sasakyan dahil siguradong siksikan ngayon.

At tama nga ako medyo natagalan bago ako nakahanap ng jeep dadaan pa ako sa bahay ni papa para humingi ng pera pang-baon.

Nagpahinto ako sa harap ng bahay nila. Isa iyong second storey modern house.

I doorbell hanggang sa yung asawa ni papa ang nagbukas saakin. Hindi din ako type ng isang ito eh. Pero wala din naman siyang magagawa.

"Your dad is inside," may accent yung pag-eenglish niya dahil Geman ito. Napili lang nila na tumira dito sa Pilipinas dahil nandito na ang business nila.

Nakangiti akong tumango bago pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko doon si papa na na busy sa pag-aayos ng damit.

"Hey, Shai," he kissed my cheeks. Buti pa si papa ay mabait saakin. Siya rin kase ang kamukha ko.

"Good morning, pa," i smiled. Alam niya na yung pakay ko kaya binigyan niya ako ng baon. Hanggang next week na din iyon.

I bid a goodbye bago dumeretso na sa university. Agad ko namang pinuntahan ang mga kaibigan ko.

"You're late babe," Yuna pouted when i got to them.

"Umuwi ako sa bahay," i informed them. Hindi ko sinasabi sakanila yung family problem ko dahil, alam kong ma-alalahanin ang mga ito, baka mamaya ay kapag nalaman nila ang sitwasyon ko ay ampunin pa nila ako!

Nagpaalam din muna ako sakanila dahil pupuntahan ko pa si Kiel. Hinanap ko siya sa engineering department at nandoon nga siya kasama yung kaibigan niya, si Jan, kasama nito yung girlfriend niya si Angeline. Kilala ko iyon dahil archi ang course niya.

"Hey baby," he sounded so excited. He hugged me and kissed me on my forehead.

"Did i disturb you?" I asked, may hawak kase siyang papel, nagrereview pa ata.

"No, no, you're never a distraction to me."

Walking On Memories (Betrayal Series #4)Where stories live. Discover now