CHAPTER: 65

3.9K 99 20
                                    

LAUREN POV

Hindi ako mapakali sa kinauupuan habang nag hihintayin na may lumabas na doctor sa loob ng room ni gio.

My hand is shaking dahil sa kaba, when I saw gio earlier while having seizure duon ko lang naramdaman yung sobrang takot. Never ko syang nakitang nagka ganun and her lips ay nagkulay blue na dahil hindi na sya makahinga.

Kaya ngayon ay wala akong tigil sa kakadasal na sana ay maging okay na sya.

Bumukas ang pinto ng room kung nasaan si gio at iniluwa si Doc Jacob kaya agad akong napatayo pati nadin sila tita priscillla.

"Doc anong balita sa anak ko?" Tita asked habang kami ay nakaabang lang sa sasabihin nya.

Tiningnan kami ni doc at napailing nalang na ikinalakas ng kabog ng dibdib ko "for now she's stable, pero naging stage 3 na ang  brain tumor nya at mabilis na itong kumalat wala nadin tayong masyadong oras kailangan na natin mag undergo ng treatment" parang nang hina ang tuhod ko sa sinabi nya at hindi makapagsalita.

Napaupo nalang ako sa isang bench at tulala. Stage 3? No! This is not real!

"Anong treatment ang pwede nating gawin sakanya para lang maging okay ang anak ko?" Tita Priscilla asked.

"Radiation therapy along with chemotherapy, this may help her to slow or to stop the growth of her Brain tumor" the doctor said.

"Do everything doc please, para lang gumaling ang anak ko"

"We will ma'am, you can see her in her room now. Maiwan kopo muna kayo" pumasok si tita priscillla at grandma sa loob.

Pero ako, parang hindi ko pa ata kayang makita sya sa ganitong sitwasyon.

Fuck! This is all my fault! Bakit hindi ko napansin sakanya yung mga symptoms?! Pabaya ba akong girlfriend? Pinangako ko sa sarili at sakanya na aalagaan ko sya but look what happened to her!

"Lauren!" I heard a familiar voice kaya napaangat ang tingin ko.

Nakita ko si Rubini na patakbong papunta kung nasaan ako kaya sinalubong kona sya at agad niyakap.

"I'm so sorry lauren" hindi ako sumagot at patuloy lang na nakayakap sakanya.

"I'm scared rubini, I don't know what I'm going to do now! This is all my fault rubini! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya" hindi kona napigilang mapahagulhol nalang.

Wala akong ka ide-ideya na pinapahirapan napala sya ng sakit nya! Anong klaseng girlfriend ako!!

"Don't say that lauren, walang may gusto sa mga nangyayari ngayon, all you need to do right now is to be brave and be strong for her, lalo syang mahihirapan kapag nakita ka nyang nagkakaganyan, ikaw ang lakas ni gio ngayon kaya tatagan mo ang loob mo!" She's right, pero sa ngayon kailangan ko munang ilabas lahat ng nararamdaman ko, gusto ko munang ilabas lahat ng luha ko para kapag humarap na ako sakanya...ay kaya kona.

"Just give me a minute Rubini, never kong inexpect na hahantong kami sa gantong kalaking problema. I promise I Will never cry again after this. Magpapakatatag na ako para sakanya" ayokong makita nya ang kahinaan ko ngayong nanghihina sya dahil hindi namin mapagtatagumpayan to kung pareho kaming mawawalan ng pag asa.

Sa pangalawang pagkakataon ay niyakap nya ulit ako "I know how your feeling right now and I know it's hard... but we will help her" I'm glad Rubini is here, she always cheer me up kahit anong sitwasyon ng buhay ko. I'm so thankful for her.

MS. PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now