CHAPTER 14

6.4K 295 91
                                    

GIO POV

It's Saturday today and thank God feeling ko makakapag pahinga na ako ng maayos ngayon bago sumabak sa laban sa monday.

Pero kasi nabobored lang ako kapag nagpapahinga lang at walang ginagawa mas sanay kasi talaga ako nung laging kumikilos ganun kasi ang buhay ko sa probinsya noon eh.

Kaya imbis na humilata ay naglinis nalang ako ng pamamahay at nagdilig nadin ng halaman sa garden

Pero napahinto nalang ako sa aking ginagawa ng madinig kong tumunog ang doorbell.

Nakakapag taka lang, sino naman kaya yun?

Nagtungo na agad ako sa main door para tingnan kung sino.

"Good afternoon po Ma'am delivery po" sambit agad sa akin ng isang lalaki pagkabukas ko ng pinto.

"Ay kuya baka po hindi sakin yan" I said to him at tiningnan ulit ni kuya yung box na hawak nya.

"Kayo poba si Pri-priscilla A-Aurea Gi---- hayss! Ma'am ang hirap basahin ng pangalan ikaw nalang po magbasa" natawa ako kay kuya at inabot sa akin yung box.

Binasa ko naman ang pangalan at sa akin nga ito nakapangalan, kanino naman galing to?

"Pangalan konga ang nakasulat dito kuya, kanino po ito galing?" Tanong kopa.

"Hindi kopo alam Ma'am eh, baka po may pangalan sa loob nyan" sabi ng delivery man.

"Ahh okay Thank you kuya" I said at umalis na ang lalaki.

Agad ko namang binuksan ang box, at nagtaka naman ako na susi ang laman nito.

Para saan to?

Tinitigan ko ng mabuti ang susi, parang susi ng isang kwarto eh.

May nakita din akong isang note sa loob kaya binasa kona ito agad.

Advance Happy Birthday Giovanna alam kong hindi pa ngayon ang kaarawan mo but I just want to give this key to you, keep it dahil ayan ang magbubukas ng katotohanan sa pagkatao mo and I just want you to know that I love you so much and I'm sorry. I hope you can forgive me.

Natulala ako sa nabasa ko, anong katotohanan sa pagkatao ko? I don't understand at sino nagpadala sakin nito?

Kamag anak ba namin sya or naging malapit ba sya sa mga magulang ko? Bakit may alam sya tungkol sa pagkatao ko na hindi ko alam?.

Bigla nalang akong napahawak sa ulo ko ng sumakit nanaman ito, Fuck! Lalo atang sumasakit ang ulo ko dahil sa pag iisip.

Napahiga nalang ako sa sofa at ipinikit ang aking mga mata nakakapagod din pala yung sobrang pag lilinis.

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng may mag doorbell nanaman at duon ko lang din namalayan na nakatulog pala.

Teka ang dilim na pala anong oras naba?

Kinuha ko yung cellphone na nakapatong sa table at tiningnan ang oras at 8:00pm na ng gabi, fuck ang tagal ko palang nakatulog.

Nadinig ko nanaman ang doorbell pero this time ay sunod sunod na ito kaya tumayo na ako.

Siguro si zac to, sya lang naman inip na inip sa pagbubukas ko ng pinto eh.

Kukusot kusot pa ako sa mata ko habang patungo sa pinto at wala pa sa wisyo dahil kakagising ko lang.

Pero sa isang iglap lang ay parang nabuhay ang dugo at lahat ng cells sa katawan ko ng bumungad sa akin ang isang magandang muka.

"M-ms. Lowells" tanging nasambit kolang, pero sya ay naka poker face padin.

MS. PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now