CHAPTER:7

6.7K 472 63
                                    

Gio POV

"Teka... parang may kakaiba sayo ngayon ah" sambit agad ni Lorraine pagkakita sakin na bumababa ng hagdan.

"Ha?" Iwas na sabi ko sakanya.

Pinagmasdan pa nya ako ng maigi na lalong ikinailang ko.

"Blooming ka ata" sabi pa nya at maya maya'y Ngumiti na sya ng mapang asar sa akin.

"Are you wearing makeup now?" Hindi makapaniwalang tanong nya sakin na may mapang asar padin sa kanyang muka

"H-hindi ah, tara na nga baka malate pa tayo" sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay, bala sya dyan.

Patago nalang akong napangiti, ewan koba kung bakit ang ganda ng mood ko ngayon simula ng makasama ko magdamag si Ms. Lowells kahapon.

And now natuto nadin akong maglagay ng kaunting makeup gusto ko kasi kapag nakita nya ako maayos ako, pero hindi ako nagpapaganda sakanya ah gusto ko lang talaga maging maayos kapag kaharap sya kahit madalang lang naman syang magpunta ng school mas okay nadin yung handa diba.

"In love kano? Umamin ka sino yan!?" Tinampal pa ako ni Lorraine sa braso kaya napahawak ako dito

Napakasadista talaga netong babaeng to nung nakaraan sinampal ako sa muka ngayon naman tinampal ako sa braso ang bigat panaman ng kamay nya at ang lakas pa nya mamalo.

"Masakit ah! Ang sadista mo talaga" sabi ko habang nag hihilot padin ng braso.

"Ay sorry hehe so sino yung masuwerteng lalaki na natitipuhan mo?" Tanong nanaman nya habang may taas baba pa ng kilay, kasalukuyang nasa sasakyan na nya kami ngayon.

Natitipuhan? Baliw ata to eh atsaka anong lalaki pinagsasa-sabi nito? Tsk!

"Wala akong natitipuhan, mag drive kana lang malelate na tayo ano kaba" pag iiba ko ng usapan kaya napairap nalang sya.

Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at duon patagong ngumiti hays! Nababaliw na ata talaga ako.

Napag kasunduan nalang namin kanina ni Lorraine na sa daan nalang mag Breakfast kaya nag drive thru nalang kami.

"Anong gusto mo?" Tanong nya sakin ng kami na ang oorder.

"Burger and float nalang ako" sagot ko, sa totoo lang kasi wala pa din akong gana kumain at medyo masama padin ang pakiramdam ko, pero dahil kay Ms. Lowells ginanahan ako bigla.

Sinabi ko din sakanya kahapon na papasok na ako ng school pero di sya pumayag dahil hindi padaw ako okay, pero ayoko din naman mag habol ng lesson malapit na ang exam. Wala naman siguro sya ngayon sa school kaya hindi naman nya malalaman.

"Ako na mag babayad lagi nalang ikaw ang nanlilibre sating dalawa" at sabay abot na sa cashier para hindi na makatanggi pa si Lorraine.

Kumain kami habang bumabyahe patungong school, at since nag dadrive sya ako na ang nagsusubo ng pagkain sakanya at tuwang tuwa naman ito sa ginagawa ko.

Oh! wag kayong maglagay malisya dyan ah, parang kapatid na ang turing ko dito kay Lorraine!

Nakarating na kami ng Vanderbilts Academy at madami pading mga studyante ang mga nag lilisawan dahil maaga padin naman.

"See yah later Gio" paalam ni lorraine sa akin ng maihatid nya ako sa aking assign room. Ayoko na ngang magpahatid sa kanya dahil paniguradong pagtitinginan at pag bubulungan nanaman ako ng ibang studyante dahil kasama ko banaman ang Captain at pinaka sikat na volleyball player ng VA, para din syang si Iris sikat din sya at madaming studyante ang gusto ding mapansin sila ni Lorraine. Kaya sobrang sasama ng mga tinginan nila sakin kapag kasama ko na sino man sakanilang dalawa ni Iris

MS. PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now