CHAPTER: 54

3.1K 103 27
                                    

GIO POV

"Are we not going home yet?" Lauren asked ng mapansin nya sigurong hindi sa bahay ang direksyon namin. Napangiti naman ako.

"Not yet, may pupuntahan pa tayo na nasa bucket list ko" excited na sambit ko sakanya dahil alam kong this is her first time doing this!

"Why I'm feeling nervous dahil dyan sa mga ngiti mo ngayon? Parang may binabalak ka na masama sa akin dahil ba sa natalo kita sa skating kanina?" Pagpapaalala pa nya sakin habang may mapang asar na tingin.

Tsk! Oo na! Hindi naman ata talaga ako ubra sakanya sa kahit anong bagay.

Bakit pako magtataka when she always did her best in everything diba nga ang motto nya sa buhay No room for mistakes.

And she's so competitive kaya ayan! Kahit ako na ang kalaban nya hindi nya pinalampas tsk! Hindi manlang nyako pinagbigyan! KAINIS!

KAYA ANG SAGOT KO SA TANONG NYA SAKIN? OO! GINAGANTIHAN KO SYA!!!

"Of course not! Marunong kaya akong tumanggap ng pagkatalo" labas sa ilong na sambit ko! Tsk!

"Okay if you say so" natatawa pa nyang sambit sa akin

"So where are we going next? Make sure na hindi tayo magtatagal, remember we have a deal" she said napakunot naman ako sa sinabi nya.

"Kailangan talaga ngayon na? Pwede naman natin gawin bukas yan atsaka ano bang ipapagawa mo sakin baka naman pahirapan moko" nakasimangot na sambit ko sakanya.

She hold my hands nanakahawak sa kambyo. "Hindi na kailangan ipagpabukas pa. I can't wait anymore and don't worry you will like it!" Ako lang bato to, bakit parang nang aakit sya? Or ang lakas lang talaga ang dating nya sakin!

Umiwas ako ng tingin sakanya at ibinalik ang tingin sa daan at baka madisgrasya pa kami. Parang ako ata ang kinakabahan sa kung anong gagawin nya mamaya.

Pinagsiklop ko ang mga kamay namin. I'm so in love with this woman and I don't think if I can experience this kind of happiness with anyone. She's my life and I'm so lucky na dumating sya sa buhay ko but.... Hindi ko alam kung hanggang kailan ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Pwede bang ganto nalang palagi? Pwedeng bang hindi na ito matapos? Para sa ganun Hindi ko nadin sya masaktan pang muli kagaya ng sakit na napadanas ko sakanya noong iniwan ko sya.

Kaya every seconds, minutes, hours, days, months or years na makakasama ko sya.... it's a blessing for me dahil hindi natin alam kung may pagkakataon pang maulit ito.

At sa bawat panahon na kasama ko sya wala ng akong ibang gagawin kundi iparamdam ang pagmamahal ko para sakanya.

Hindi koman maipapangako sakanya na maibibigay ko ang panghabangbuhay, sisiguraduhin ko naman na pasasayahin ko sya kasi sa sandaling panahon lamang.

"Love?" Naagaw nya ang pansin ko when she called me.

"Yes?" At ngumiti sakanya.

"Bakit bigla kang natahimik? May problema ba? Para kasing ang lalim ng iniisip mo" she said habang pinagmamasdan pa ako ng maigi.

Kaya kunwaring napatawa nalang ako sa sinabi nya "what? No, I'm just thinking lang  kung ano ang kakainin natin ngayon"

"Pagkain nanaman ang nasa isip mo eh ang dami mo ngang nakain kanina sa restaurant" at inaasar nanaman nya ako!

MS. PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now