Prologue

33.1K 460 96
                                    

Ma!!!!!!!

Pa!!!!!!!

"PLEASE WAKE UP!!!!"

"PLEASE!!!!

"NOOOOOO!!!!!!

"DON'T LEAVE ME!! PLEASE WAKE UP!!!"

*Tooooooooooooooottt

"NOOOOOOOOOOO!!!!!!

(Gio Panting)

Napaupo ako sa couch at naghahabol ng hininga, naramdaman kopa ang pag tulo ng pawis sa aking muka.

Napaiyak nalang ako at napayakap sa aking sarili, hanggang kailan ba ako makukulong sa nakaraan?

Laging bumabalik sa aking panaginip yung pinaka-mapait na naranasan ko sa aking buhay, Isang taon na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat ng yun dahil yung sakit na nararamdaman ko ay hindi padin naghihilom, lalo na't pilit parin akong hina-hunting ng nakaraan kahit sa aking pagtulog.

Nang kumalma na ang sarili ko ay pinilit kong tumayo na ng couch upang mag ayos na ng sarili.

Anyway, I'm Priscilla Àurea Giovanna Sanchez. 19 years old. Lumaki ako sa isang pamilya na simple lang at hindi mayaman pero mayaman naman sa pagmamahal, kahit ganun naman ang buhay namin ay masaya naman kaming pamilya noon.

Pero ngayon ay mag isa nalang ako sa buhay simula ng mawala ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente ay namuhay na akong mag isa.

Mahirap mawalan ng magulang dahil kailangan mong buhayin ang sarili mo kaya para maka-survive nag aaral ako sa umaga at nag tatrabaho naman ako sa gabi para lang may panggastos ako sa pang araw araw.

Pero ang pinag tataka ko lang ay never akong naging palaboy simula nung mawala ang mga magulang ko, isang linggo ang nakalipas simula ng trahedya ay may pumunta na isang lalaki sa pinag-uupahan namin na bahay sa lanao, at nag pakilalang isang lawyer at may iniwan daw para sa akin ang aking mga magulang at ito na nga iyun ang bahay na tinitirhan ko ngayon sa isang pinaka sikat na village na puro nakatira ay mayayaman.

Kaya halos himatayin ako sa gulat ng malaman ang tungkol sa bahay na ito, dahil tulad nga ng sabi ko hindi mayaman ang pamilya ko at kung sa tatay ko talaga ng galing to bakit hindi kami dito tumira nung nabubuhay pa sila at nagtyatyaga kami sa isang iskwater area.

At ngayon hindi din ako makapaniwala na papasok ako sa isang sikat at mamahaling skwelahan dahil may tumulong sa akin nuong mawala ang mga magulang ko, at sabi pa nya kaibigan daw nya ang mga magulang ko at malaki daw ang utang na loob nya sa mga ito kaya gusto nya akong tulungan kaya tinanggap ko nadin dahil ayoko namang huminto sa pag aaral dahil isang taon nalang ay makakagraduate nadin ako.

Wala akong kaalam alam kung sino yung mga taong nagmamagandang loob para tulungan ako, pero sana balang araw ay makilala ko sila para makapag pasalamat manlang at kapag nakahanap na ako ng magandang trabaho ay maibalik sa kanila yung kabutihang nagawa nila para sa akin.

Nag civilian muna ako dahil wala pa akong uniform hindi pa kasi ako nakakabili dahil hindi pako nakaka sweldo sa pinapasukan kong trabaho.

Kahit naman skolar ako ay hindi naman ibig sabihin nun ay wala na akong gagastusin, kailangan ko pading magbayad ng uniforms and books kaya hindi talaga pwedeng hindi ako kikilos sa buhay.

Napabuga nalang ako ng hangin ng matapos akong magbihis, muka naba kong studyante ng Vanderbilts Academy? Baka hindi ako papasukin ng guards at mapagkamalan pang naligaw lang.

MS. PERFECTIONISTWhere stories live. Discover now