CHAPTER:21

5.3K 181 60
                                    

LAUREN POV

"I really miss this place" masayang sambit ni gio habang nakasilip sa labas ng bintana ng sasakyan.

And after 33 hrs na byahe finally malapit na daw kami.

"It's so beautiful here gio, it's so peaceful" sambit ko, I never experience this kind of place. Sa manila kasi wala kang mahahanap na tahimik na lugar.

At mukang sariwang sariwa ang hangin dito at madaming puno unlike manila, polluted na nga at puro gusali nalang ang makikita mo.

At least now masasabi kong makakapag relax talaga ako dahil sa environment dito.

"Oh gosh! I can see the house from here. Look lauren!" Excited na sambit ni gio kaya naman tiningnan ko kung saan sya nakaturo.

"Is that the house where you lived before?" Nag tatakang tanong ko.

Because I know her house before at hindi ito yun.

"Nah, bahay to ng kaibigan ng mga magulang ko at alam nilang pupunta tayo ngayon kaya sabi nila dito nadaw muna tayo tumuloy" Nakangiting sambit nya sakin.

Halos 4:00pm nadin kaming nakarating dito, kaya ramdam kona din ang pagod but worth it naman dahil kasama ko si gio, at ang ganda ng lugar nila.

This place is very different sa tinitirhan nila gio noong kasama pa nya yung mga magulang nya.

"Gio iha!!!" Sa lubong ng isang ginang pagkababa ni gio sa sasakyan at niyakap ito.

"Aling Amelia!!!" Si gio na tuwang tuwa na makita ang ginang at halatang miss na miss ang isa't isa kaya napapangiti nalang ako sa kanila.

"Antona-a i masosowa a ka iha? Ang laki na ng pinagbago mo lalo kang gumanda ah" fuck! I forgot maranoa nga pala ang linggwahe dito at wala manlang akong kaalam alam na kahit anong salita nila.

"Okay naman po ako, kayo po kamusta?" Balik tanong ni gio.

"Muka ngang okay na okay kana, ito tuloy padin ang buhay dito sa probinsya. Atsaka nga pala may boyfriend kana ba? Kasama mo ba sya ngayon?" Sunod sunod na tanong ng ginang.

Kaya hindi ko mapigilang hindi mapatikhim dahil parang may sumabit sa lalamunan ko dahil sa tanong kay Gio.

Napatingin naman sakin si gio.

"Ahmm nga pala papakilala kopo sa inyo yung mga kasama ko, si Lorraine and iris po mga kaibigan ko" pakilala ni gio sa dalawa.

"Good afternoon po" bati ng dalawa kaya Ngumiti ang ginang sa kanila.

"Ang gaganda naman ng mga batang to" at tumingin sa akin.

"At sino naman tong pinakamagandang dilag na ito?" Nakangiting sambit ni aling Amelia habang pinagmamasdan ako kaya nakaramdam naman ako ng hiya.

Hinawakan ni gio ang kamay ko atsaka Ngumiti sa matanda.

"Si lauren po, Girlfriend ko" Napanganga si aling Amelia dahil sa sinabi ni gio at hindi na nakapag salita kaya napatawa si gio sa kanya.

"Teka, ano kamo? Girlfriend?" Hindi padin makapaniwalang tanong nya habang pinagmamasdan kami ni gio.

"Opo"

"As in nobya? Nobya mo yung magandang dilag nato?" Paninigurado pa ulit ni aling Amelia

"Bakit parang hindi ka makapaniwala aling Amelia? Hindi ba kami bagay?" Nakasimangot na natanong ni gio na ikina tawa ko.

MS. PERFECTIONISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon