CHAPTER: 25

3.8K 139 22
                                    

LAUREN POV

"Iha, pwede ba tayo mag usap saglit bago kayo umalis?" bulong sa akin ni aling amelia.

"Sure aling amelia wala pong problema" tinigil ko muna yung pag aayos ko nang gamit at sumunod kay aling amelia sa labas ng bahay.

ngayon na kasi ang araw ng balik namin sa manila.

"Ano po ang pag uusapan natin Aling Amelia?" takang tanong ko dahil parang seryoso ang sasabihin nya dahil kailangan pa namin lumabas ng bahay.

"Iha natatandaan na kita" she said na ikina kunot ng noo ko.

"Po?" naguguluhang sambit ko, pano ako natatandaan ni Aling Amelia eh ngayon ko lang naman sya nakilala.

"Hindi ako pwede magkamali ikaw yung lagi kong nakikita noon" napatigil ako sa sunod na sinabi ni aling Amelia.

Parang alam ko na kung ano ang tinutukoy nya.

"ikaw yung laging sumusunod kay Gio noong dito pa sya nakatira, diba?" hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Aling Amelia.

Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa at kung pano ko ipapaliwanag sa kanya lahat.

"Y-yes Aling amelia, you're right. pero malinis po ang intensyon ko kay gio, sorry Aling Amelia but I can't tell you everything" I said.

"Hindi mo na kailangan sabihin sakin lauren dahil alam ko ang lahat, alam ko ang totoong pagkatao ni Gio simula nung dumating sya sa lugar nato at alam ko din kung bakit mo sya binabantayan noon" seryosong sambit sa akin ni Aling Amelia na ikinalunok ko.

"Inutusan kaba ng mga totoong pamilya ni Gio na gawin yun?" tanong pa nya.

Napakagat nalang ako sa labi ko dahil wala na akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo.

"Inutos man po nila sakin or hindi, gagawin ko padin na bantayan si gio dahil mahal kopo sya noon paman" sincere na sabi ko kay aling amelia.

"Pero bakit hindi nila kinuha agad si gio? sobrang hirap ng buhay nya dito lalo na nung mawala yung mga kinikilala nyang mga magulang, bakit hindi sya binalikan agad? tapos hanggang ngayon wala padin syang kaalam alam sa totoong pag katao nya!" halatang may halong galit sa boses ni Aling Amelia. I can't blame her dahil alam kong importante din sa kanya si Gio. Pero kahit ako din naman ay nahihirapan sa sitwasyon, nagi-guilty na ako sa pag sisinungaling at hindi pag sabi sakanya ng totoo.

"I know aling amelia, but this is not the right time to tell her the truth. Masyado syang mahihirapan ni hindi papo sya nakakarecover sa pag kawala ng mga magulang nya at ayaw lang po muna naming dagdagan yun" Paliwanag ko.

"Pero kailan pa? kailan pa ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat? habang mas pinapatagal nyo pa na hindi sabihin sa kanya ang totoo mas lalaki ang galit nya sa inyo. lalo na sayo lauren kaya kung mahal mo talaga sya iha, sasabihin mo sakanya ang totoo dahil maaaring mawala sya sayo dahil sa ginagawa mo" Para akong nanghina sa sinabi ni Aling Amelia dahil alam ko sa sarili ko na pwedeng mangyari ang sinasabi nya at kahit noon paman ayan na talaga ang ikinakatakot ko yung mawala sya sakin.

I promised to her na magiging honest kami sa isa't isa kaya eto ako ngayon at nilalamon ng konsenya ko.

"I don't know what to do aling amelia. I love her so much she's my everything. Inintay ko sya ng ilang taon at ayokong masayang lang ang lahat ng iyun" Hindi kona napigilan ang sarili ko na mapaiyak nalang dahil litong lito na ako.

MS. PERFECTIONISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon