Gulat nyang reaksyon.
RANDY: Huh? Pumayag ka kaya nun, tinanong ka namin kung ok lang sa inyo, sabi mo oo.
JOANNA: Uy! Wala akong sinabing ganun. Ang sabi ko titignan ko, hindi ako pumayag agad.
RANDY: Pumayag ka kaya, di ba Julian?
JULIAN: Ewan ko.
Patuloy sa pamimilit si Randy habang patuloy din sa pagtanggi si Joanna.
MARICAR: Ano ba yan, wala pa palang lugar e. Wag na kaya natin tong ituloy.
Iritableng bigkas ni Maricar.
KATHLEEN: Hindi pwede, sayang naman, nakapagdala na tayo ng mga gamit e.
MARICAR: E san nga tayo mag-o-overnight?
Sa kanyang tanong ay nagsimula ng magturuan ang mga ito.
FRANKLIN: Sa inyo Julian? Pwede ba sa inyo?
JULIAN: Sa amin? Haha, good luck! Tapos ang dami natin dalang gamit? Ewan ko lang kung di kayo mapagod.
Sarkastikong bigkas ni Julian sa kanila, dahil siya ang may pinakamalayong bahay sa kanila mula sa kanilang university.
JUSTIN: Sa inyo Hiko?
HIKO: Bawal samin ngayon, may bisita sa bahay e.
KILLIAN: Saan tayo ngayon?
Habang pinoproblema nila kung saan sila mag-o-overnight ay magkakasunod namang dumating sina Nico, Alfie, Jerry at Karlene.
KARLENE: Ano? Tara na?
LUISA: E wala pa ngang pag-o-overnightan e.
JERRY: Huh? Akala ko ba sa inyo Joanna?
Napatingin ang lahat sa direksyon ni Joanna habang nakatingin naman sya ng masama kay Randy, dahil sigurado syang ito ang nagkalat ng impormasyon.
JOANNA: Negro ka talaga, Randy. Wag nga kayong maniwala dyan, nagdala nga rin ako ng gamit kasi bawal sa amin e. Nakakainis ka talaga!
Hinampas nya ng malakas sa braso si Randy dahil sa sobrang inis.
ALFIE: E saan na tayo ngayon?
JERRY: Ano ba yan? Ang lakas magyaya ng overnight, wala pa naman palang lugar. Magsi-uwi na lang tayo.
JOANNA: Ayokong umuwi, gusto kong mag-overnight.
JERRY: Edi mag-overnight ka mag-isa.
Banat ni Jerry sa kanya.
NICO: Saglit, sa inyo Marco. Pwede bang mag-overnight?
Tanong ni Nico kay Marco na kanina pang nananahimik sa tabi. Napalingon ang lahat sa kanyang direksyon at nakita ang gulat nyang reaksyon.
MARCO: Sa.. Amin?
NICO: Oo, kahit ngayon lang. Please!!
Sumunod na ring nagmakaawa ang ilan habang wala pa ring maibigay na sagot si Marco.
MARCO: Sa amin talaga?
JUSTIN: Oo, kahit ngayon lang.
MARCO: A.. e.. H-hindi ako sigurado e, magpapaalam na muna ako.
Bigkas nya, napangiti sila dahil sa wakas ay may pag-asa na rin magkaroon ng kulay ang drawing nila. Kinuha ni Marco ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang kapatid para magpaalam habang naghihintay at umaasa ang lahat na matutuloy na rin ang overnight nila. Maya-maya pa ay lumapit muli si Marco sa kanila upang ibigay ang balita.
MARCO: Guys... Ok na, pumayag na yung ate ko.
Dahil sa balitang ito ay naghiyawan at nagsitilian ang mga ito dahil sa sobrang saya. Naglalakad na sila papalabas ng gate ng mayroong napansin si Nico. Sakto naman niyang nakatabi si Luisa sa paglalakad kaya't tinanong niya ito.
NICO: Luisa, nasan nga pala si Candice?
LUISA: Ah si Candice, umuwi na sya kanina pa.
NICO: Bakit, akala ko sasama sya sa overnight?
LUISA: Ewan ko dun! Pinipilit kong sumama, ayaw naman. Sabi niya sya na lang daw tmyung gagawa ng isang bloke ng mixture namin.
Paliwanag ni Luisa. Napaisip naman ng malalim si Nico dahil napapansin na rin nya ang pagbabago ng ugali ni Candice.
ΦΦΦ END OF PART XV ΦΦΦ
••• Sorry ngayon lang nakapagUD.. Hahah.. Medyo busy din kasi sa work e •••
BINABASA MO ANG
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART XV
Magsimula sa umpisa
