Dice Game - PART XV

Start from the beginning
                                        

JESSICA: Grabe naman yun, ang bilis naman.

NORMAN: Wala tayong magagawa, yun yung deadline na binigay ni ma'am e.

Sagot ni Norman, naisip nila na tama si Norman. Istrikto ang professor nila lalo na sa deadline ng pasahan ng project. Wala silang nagawa kundi ang mapapayag na lamang. Nag-grupo grupo sila sa lima.

¤GROUP 1¤
• JERRY CATUBAO
• RANDY ORTILLANO
• KATHLEEN NAIPA
• JOANNA PASCUAL
• KARLENE ALLIDA

¤GROUP 2¤
• JESSICA VILLANUEVA
• MARICAR DE CASTRO
• NICO MENDOZA
• KYLA VISTAL
• ALFIE ARCENO

¤GROUP 3¤
• JULIAN CALIPUSAN
• HIKO BAUTISTA
• CANDICE COMPARATIVO
• LUISA DARMIS
• MARCO QUILAO

¤GROUP 4¤
• NANCY ESTARDO
• LEA APURILLO
• JANELLE PRESTO
• JANICE NEIZ
• CRISALENE CATANGUI

¤GROUP 5¤
• JUSTIN CASTILLO
• MYRA DURANA
• DIANE ANDRES
• FRANKLIN CORPUZ
• KILLIAN RAMOS

¤GROUP 6¤
• IAN BORRES
• ZACK BALONDO
• JOLO AMBROCIO
• XAINT GABRIEL
• DANIEL TIENGO

¤GROUP 7¤
• NORMAN AGUACITO
• ROLAND MIRANDA
• MARK MAGHINANG
• JASPER CASAIS

Matapos nilang ibigay ang listahan kay Roland ay kanya kanya na sila ng pulasan. Ang tropa nina Ian ay agad na lumabas ng campus at naghanap ng computer shop habang ang tropa naman nila Nancy ay nagpunta sa Library at doon nagkunot na kilay. Samantala, walang mapagdesisyonan ang tropa nina Joanna kung ano ang maaari nilang paglibangan, nanatili ang tropa nila na nakatambay sa bench area. Dahil walang magawa ay naisipan na lamang nilang pagplanuhan ang mga gagawin nila para sa project nila. Kinse minutos lang ang lumipas ay napagkaisahan ng Group 1,2,3 and 5 na sa overnight na lamang nila gagawin ang project nila sa Masonry ng magkakasama. Matapos ang pag-uusap na iyon ay muli na namang natahimik ang lahat.

Samantala, katabi ni Joanna si Nico at kanina pa niya napapansing tulala at tahimik ito.

JOANNA: Huy, ayos ka lang?

Bulong nito sa tabi niya, dahilan upang bahagyang mabigla si Nico.

NICO: Um.. A.. Ayos lang..

JOANNA: Iniisip mo ba yung lolo mo?

NICO: A.. Hindi, wala to.. Nag-iisip lang ako ng pwede nating gawin.. Hehe..

Sagot niya, at nakita na naman ni Nico si Alfie na parang nadismaya sa sinagot niya kay Joanna.

JUNE 28, 2013.
FRIDAY 05:38PM

Tapos na ang buong klase nila sa araw na ito. Panahon naman para tuparin na nila ang napagplanuhan nila kahapon na "Overnight" para sa gagawin nilang project. Nakatambay pa sa bench area ang iba dahil kanila pang hinhintay ang iba.

MARICAR: Asan na ba yung iba? Di pa ba tayo aalis?

LUISA: Nasa canteen pa si Nico at Alfie, may binili lang.

MARICAR: Sila Jerry, nasaan?

JUSTIN: Nandyan lang yun, pagala-gala.

MARICAR: Ano ba yan, anong oras tayo aalis?

JESSICA: Hayaan mo. Maya-maya, darating na yung mga yun.

KYLA: Teka, san nga pala tayo mag-o-overnight?

Nagkatinginan ang lahat dahil sa tanong nya.

RANDY: Kina... Joanna!

JOANNA: Huh? Anong samin? Di naman ako pumayag a.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now