Dice Game - PART XIV

Start from the beginning
                                        

JERRY: Hindi naman natin kailangan ng impormasyon tungkol sa lahat ng zodiac signs e.

MARICAR: Anong ibig mong sabihin?

JERRY: Isa lang ang zodiac sign na pag-aaralan natin at yun ay yang zodiac sign na sinabi ni Candice kanina.

CANDICE: Yung Ophiuchus?

JERRY: Oo yan nga, kasi basahin nyo yung clue. Ang sabi "thirteen zodiac signs, remove the odd one out". Ang ophiuchus ang panggulo sa labing tatlong zodiac signs. Kaya sya ang naiiba.

JESSICA: Paano naman makakatulong yung Ophiuchus sa'tin?

JERRY: Madali lang, ano mang impormasyon ang makukuha natin sa Ophiuchus ay tiyak na katugma rin ng impormasyon na tutukoy sa Game Maker. Malalaman natin kung sino ang tinutukoy ng clue kapag nasagap na natin lahat ng impormasyon.

MARICAR: Teka, wala naman tayong sapat na kaalaman tungkol sa Ophiuchus na yun e.

CANDICE: Tama, kaunti lang din ang alam kong impormasyon tungkol dun. Kaya mukhang mahihirapan tayo.

JERRY: Ayos lang yan, kaya nga magtutulungan tayo e.

JESSICA: Saglit!

Napalingon ang tatlo sa kanya.

JESSICA: Mukhang wala akong maitutulong sa inyo sa ngayon tsaka, masama yung pakiramdam ng tiyan ko. Sa tingin ko kailangan ko munang mag-CR, pasensya na guys. Babawi na lang ako pagbalik ko.

MARICAR: A.. O-okay, sige. Kailangan mo ba ng kasama? Baka maligaw ka naman.

JESSICA: A.. Hinde.. A-ayos lang ako, kaya ko na 'to mag-isa.. Hehe.. Kailangan ko rin sigurong sanayin yung sarili ko sa lugar na 'to..

MARICAR: Umm, ok! Basta sumigaw ka na lang ulit kapag naligaw ka.

Bigkas ni Maricar dahilan para mapangiti si Jerry at Candice. Ngumisi na lamang si Jessica upang hindi sila makahalata sa kanyang nililihim. Umalis si Jessica sa sala at ang naiwan na lamang ay ang tatlo.

JERRY: Ok, simulan na natin.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:20AM

Nakarating ang apat sa silid kung saan naroon ang daan paakyat sa taas.

RANDY: Oh, sinong mauuna?

Naunang umakyat si Nico. Akmang pasunod na si Alfie nang biglang bumaba ulit si Nico na ikinagulat nila.

ALFIE: Oh, bakit?!

NICO: Madilim sa taas, walang ilaw. Kailangan natin ng mga flashlight.

RANDY: Babalik pa tayo dun?! Kayo na lang. Nakakapagod kayang maglakad.

JUSTIN: Ako na lang, dito na lang kayo.

Agad na umalis si Justin kahit hindi pa sumasang-ayon ang tatlo.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:24AM

Maiging pinag-aaralan nina Jerry ang clue.

JERRY: Ok, ano bang meron sa Ophiuchus?

Tanong nya kay Candice.

CANDICE: Ang natatandaan ko lang, kasabay ng Ophiuchus ang Sagittarius.

MARICAR: Anong ibig mong sabihin na magkasabay?

CANDICE: Magkasabay silang dalawa. Pareho lang sila ng range ng date. Ang pinagkaiba ng dalawa, ang Sagittarius, para sa mga lalake habang ang Ophiuchus naman ay para sa mga babae.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now