Dice Game - PART XIV

Start from the beginning
                                        

Bigkas nya at saka nag-walk out. Binunggo nya sa braso si Jerry at tinitigan naman ng masama si Julian.

Lumipas ang mahabang minuto na nagkatinginan sila dahil sa mga nangyari.

JESSICA: Ano na bang nangyayari sa'tin?

Natatakot na bigkas ni Jessica. Napabuntong hininga na lamang ang lahat sa tanong nya.

JERRY: Wag kayong mag-alala. Makakalabas din tayo dito. Basta stick to the plan na muna tayo.

Dahil sa mga sinabi ni Jerry ay medyo pumanatag at nagkaroon sila ng pag-asa na makakalabas sila lugar na iyon.

JERRY: Alfie, puntahan nyo na si Randy at umakyat na kayo sa taas. Hanapin nyo yung mga ballpen. Hiko, Joanna, dalhin nyo si Julian sa kusina at gamutin nyo. Ang mga maiiwan dito, sasagutan natin yung clue na binigay ng Game Maker.

Bigkas ni Jerry. Walang umalma sa mga sinabi ni Jerry. Umalis si Nico, Alfie at Justin upang hanapin si Randy para makaakyat na sila sa taas. Samantala, inalalayan naman ni Hiko at Joanna si Julian na papunta sa kusina. Ang mga naiwan sa sala ay sina Jerry, Maricar, Candice at Jessica. Sila ang sasagot sa clue na binigay ng Game Maker.

Nahanap nina Alfie si Randy na nakasandal lamang sa pader.

ALFIE: Uy! Andyan ka lang pala.

RANDY: Bakit? Bakit kayo nandito?

Tanong nya sa malamig na tono.

NICO: Kanina ka pa namin hinahanap, di ba aakyat tayo sa taas at hahanapin natin yung mga ballpen.

RANDY: Kayo na lang.

ALFIE: Baliw ka ba?! Paano namin malalaman yung resulta? E ikaw lang naman yung nakakaalam sa itsura ng ballpen nyo ni Kathleen di ba.

JUSTIN: Oo nga, kailangan mong sumama. Kung gusto mo talagang matukoy kung sino ang Game Maker, kailangan nating magtulungan.

Pangungumbinsi nila.

RANDY: Hindi na naman natin kailangang hanapin yun e, dahil sigurado na ako sa hinala ko. Hindi na natin kailangan ng pruweba kung kasama ba talaga natin yung gagong Game Maker na yan.

NICO: Umm.. Tungkol dun, sa tingin ko tama yung sinabi nila Jerry kung bakit si Kyla yung sumunod na namatay. Dahil hindi sya sumunod sa rules.

ALFIE: Ako din, kaya kung pwede lang bigyan mo muna ng second chance si Julian. Malay mo hindi naman pala talaga sya yung Game Maker. Tsaka di rin naman tayo pamilyar sa rules ng laro.

RANDY: Tss! Ewan ko sa inyo, ang hihina nyo talaga.

Iritableng bigkas nito.

RANDY: Tara na nga!

Nagsimula silang maglakad. Kanila munang hahanapin ang kwarto lung saan sila nakababa mula sa taas at si Justin ang nakaaalala ng silid na iyon.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:19AM

Magkakasamang pinag-iisipan nina Candice, Maricar, Jessica at Jerry ang clue na ibinigay sa kanila ng Game Maker.

"Thirteen Zodiac Signs, Remove The Odd One Out"

JESSICA: Sino kayang tinutukoy ng clue na yan?

JERRY: Malalaman natin kapag nasagot na natin.

MARICAR: Paano? San tayo magsisimula? Ni wala nga tayong kaalam alam sa mga impormasyon tungkol sa zodiac sign na yan e.

CANDICE: Edi, pagsasama-samahin natin lahat ng nalalaman natin. Lahat ng tungkol sa zodiac signs.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now