Chapter 21

152 22 0
                                    

CHAPTER 21

FLASH BACK

Nang bumukas ang elevator sa halip na maglakad siya patungo sa kanyang table ay dumiretso siya sa harap ng pintuan ng kanyang boss na si Gray na kanyang nobyo din.

Inayos niya ang pagkahawak ng dala niyang paper bag at ang hawak niya dalawang cup ng kape dahil alam niyang pumasok naman ito sa opisina ay hindi man lang kumain. Nakita niyang abala ito sa isang bagay, alam niyang hindi ito tungkol sa kumpanya ngunit hindi na siya nagtanong pa sa binata dahil ayaw niyang maging iba ang magiging interpretasyon nito sa pagtanong niya ng mga bagay-bagay na walang kinalaman sa kompanya. Kahit pa sabihin na nobyo niya ito ngunit ang katotohanan na isa pa din siyang hamak na empleyado pagdating sa trabaho.

Akmang kakatok na sana siya sa pinto nang mapansin na nakabukas ang pintuan, sinilip niya ang loob ng opisina ng binata at nanlaki ang mata niya ng makita ang kausap ng binata sa loob.

May mga lalaki na naka black suit at naka bull cap ngunit mas ikinalaki ng mata niya ng makitang may nakasukbit na mga baril sa likod nito. 'What the hell is the meaning of this?'.

Binilang niya ang mga lalaki na nasa loob ng opisina na kausap ng binata. 'Labindalawa,' bilang ng kanyang isip, pinakiramdaman lang niya ang aura ng mga ito na alam niyang hindi ito basta-bastang tao dahil basi pa lang sa pag tago ng aura nitong malakas ang dating ng mga galawan din  nito.

Napansin niya ang lalaki na nasa upuan naka-upo paharap sa table ng binata bumaba ang kanyang tingin habang naka silip pa din sa maliit na awang ng pinto. Naging malikot ang kamay nito na parang hindi mapakali sa kinauupuan. Madalas din napapadako ang tingin ng binata sa may pinto kung saan sumisilip siya na eksperto naman ang kanyang mga galaw upang magtago at hindi siya makitang nakasilip. 'He know!' bulalas ng kanyang isipan. Naramdaman ata ng lalaki na mayroong tao sa labas ng pinto, wala na siyang choice kundi ang pumasok sa loob para hindi ito magtaka.

Binuksan niya ng malaki ang pintuan ng opisina nang binata, she composed her self. Walang bakas ng kaba sa kanyang mukha. Natural na natural ito na tipong walang alam sa nangyayari sa loob ng opisina.

"O my gosh. I'm sorry to interrupt," kunwari paghingi niya ng tawad sa biglaan niyang pagpasok. Nilingon siya ng binata, ang seryuso nitong mukha ay napalitan ng pagkagulat na hindi nakaligtas sa kanyang paningin.

Kunwa'y nagtaka siya ng makita kung sino ang mga taong kausap ng binata. Umatras siya at sinigurado niya na mababanga niya ang isang lalaking nakatayo.

Umatras-atras siya hanggang sa maramdaman na may nabangga siya dahil ang siko niya ang natama sa lalaking binangga niya natapon ang dala niyang kape. Natapon ang kape sa sahig at sinandya niya din itong tapakan dahilan upang madulas siya hinawakan niya ang damit ng lalaki sa likod upang humawak dito para hindi siya matuluyang madulas sa sahig.

Dahil sa pagkakahawak niya sa damit ng lalaki alam niyang naramdaman nito na nahawakan din niya ang baril nitong nakasipit sa likod. Patago siyang nakangisi habang nakayuko ang ulo at nakaupo sa sahig. Nanlaki ang mata niya nang inaangat niya ang tingin upang salubungin ang mata ng lalaki na kita din dito ang pagkabigla.

"Ano yung m-matigas kong n-nahawakan?" Kunwa'y nauutal niyang tanong hindi pa man nakahuma ang lalaki ay mabilis ang kanyang mga galaw na tumaya saka itinaas ang damit nito sa likod dahilan upang makita niya ang baril na nakasabit dito.

"Baril," bulong niya na alam niyang abot sa pandinig ng ibang kalalakihan na malapit sa kanyang kinatatayuan. Naramdaman niya ang presensya ng binatang si Grey na palapit sa kanya.

"Are you okay, Lemon?" Tanong ng binata nang makalapit sa kanya, hinawakan siya nito sa braso saka inalalayan palapit sa may upuan na nasa harapan ng kanyang mesa, pina-upo siya dito tinitigan niya ang mukha ng binata na kita dito ang pag-aalala sa kanya.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Where stories live. Discover now