Chapter 17

88 45 2
                                    

Chapter 17

"Good evening, Miss. Secretary," bati ng gwardya na nagbabantay sa tuwing gabi.

Tumango siya rito bilang pagbati at ngumiti.

"Good evening din po, manong guard."

"Ingat ka po sa pag-uwi, Miss. Secretary," wika ng gwardya. Tumango ulit s'ya dito bago nagpatuloy sa paglakad.

Habang naglalakad tinignan niya ang relong pambising, alas syete na ng gabi. Tumingin s'ya sa kaliwa at kanan upang tingnan kung may paparating na taxi.

Ilang minuto siyang nakatayo sa gilid ng kalsada habang nag-aabang ng taxi.

Bigla siyang napalingon ng matuon sa kanya ang light ng kotse na papunta sa kanyang kinatatayuan, hindi niya maaninag kung anong kotse ang paparating.

Tumigil ito sa kanyang harap ilang segundo din s'yang nag-adjust ng paningin, nagsalubong ang kilay niya ng makilala ang kotseng tumigil sa kanyang harapan.

"Get in, Lemon." Umiling s'ya dito biglang pagtanggi at lumingon sa kanan habang nagbabakasali na may makitang taxi na paparating.

"Gabi na, get in." Umiling pa din s'ya.

"Alam kong gabi na, Boss," pilosopo niyang sagot dito.

"Wag--," sasagot pa sana ang binata ng bigla siyang sumigaw sa taxi na papadating at dali-dali siyang pumasok sa loob ng taxi ng hindi man lang nagpaalam sa kanyang boss o kahit lumingon man lang sa sinasakyan nitong kotse.

"Saan po tayo, Ma'am," tanong sa kanya ng driver ng taxi, umayos siya ng upo at binalingan ang kotse ng kanyang boss na nadaan nalang ng taxi na kanyang sinasakyan.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sa harap ng daan patungong Venreal Village, Manong," sagot niya dito.

Tingnan niya ang driver ng kotse nang hindi ito sumagot sa kanyang sinabi.

Bigla siyang nawerduhan ng masulyapan ang driver na palaging nakatingin sa salamin ng kotse kung saan makikita siya nito kung ano ang ginagawa.

Pinakiramdaman niya ang galaw ng driver at hindi pinahalata na napapansin niya ang kakaibang galaw nito.

Tumingin siya sa direksyon na tinatahak ng sasakyan at napansin niyang madilim na at walang ilaw ang kalsada, napansin niya din na hindi ito ang tamang daan papunta sa kanyang boarding house.

Akmang magsasalita na siya ng biglang namatay ang makina ng sasakyan at alam na niya ang susunod na mangyayari kaya umakto siyang parang natatakot.

"M-manong, a-ano po ang problema? Bakit tumigil ang s-sasakyan?" utal-utal kunwaring tanong niya.

Kahit madilim naaninag padin niya ang mukha ng driver na ngumisi bago nagsalita.

"Nako, Ma'am. Mukhang nasiraan tayo ng sasakyan," wika nito bago bumaba ng sasakyan upang tingnan ang makina.

Dali-dali din siyang lumabas ng sasakyan. Napayakap siya sa sarili ng sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin.

Pasimple siyang tumingin ulit sa driver na may kung ano-anong ginagawa sa makina ng sasakyan.

"M-manong, maglalakad na lang po ako. Gabi na kasi eh," kunwaring natatakot na wika niya sa driver.

Tumingin sa kanya ang driver at tumigil sa hinahalungkat nito sa makina, maya-maya ay lumapit sa kanya habang nakangisi ito.

"Ma'am, mamaya ka na umuwi. Pwede namang mag happy-happy muna tayong dalawa habang naghihintay ng sasakyan na dumaan at humingi ng tulong diba," wika nito habang pinapasadahan ng malagkit na titig ang buo niyang katawan.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt