Chapter 13

134 72 8
                                    

Chapter 13

Mahina siyang tumawa ng marinig ang bulyaw ng kaniyang bagong sekretarya na si Lemon pagkalabas ng pintuan, alam niyang naiinis ito sa kanya dahil di niya ito binalingan ng tingin mula pa kanina.

'Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong matitigan ang maganda mong mukha ng maliwanag ang paligid' bulong niya sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kanyang opisina.

Ilang sandali ang lumipas ng may marinig siyang katok sa pinto.

"Come in," wika habang pumipirma ng papeles. "How are you boss?" nag-angat siya ng mukha ng marinig ang boses ng kanyang dating sekretaryo slash kaibigan at tumambad sa kanyang paningin ang nakangisi at may panunukso na mukha. Alam niyang kagaya niya ay mayaman din ito ngunit di niya alam kung ano nga ba ang tunay na dahilan bakit nag-ala secretary ito sa kanyang kompanya.

"What are you doing here Jack?" salubong na kilay niyang tanong sa bagong dating na binata. "Woahhh!" bulalas ng binata habang nakataas ang dalawang kamay tanda ng pagsusuko.

"Tinanong kita tapos sasagutin mo din ng tanong, bagay nga kayo ni Miss.Huxley parehong bad mood ngayon," di makapaniwalang wika ni Jack sa kanya.

"Bad mood?" lito niyang tanong kay Jack, tumango naman ito habang unti-unting ngumisi.

"Sinong bad mood ang tinutukoy mo ikaw o si Miss.S*xretary?" mapanuksong tanong nito sa kanya.

"My secretary," sagot niya habang tinitignan ng matalim ang kaharap na binata.

"Ohh i see, Yes bad mood siya dahil sayo bakit kasi di mo binigyan ng chance na matitigan ka kahit sandali alam ko namang gusto mo rin," nakangisi nitong wika sa kanya ngumisi din siya pabalik sa binata.

"Marami pang oras para d'yan Mr.Hidalgo at sinasabi ko sayo wag na wag kang makipag-usap sa kanya ng hindi importante dahil puputulan talaga kita," inis niyang pagbabanta sa binata na tinawanan lang siya.

"Possessive much Mr.Venreal, wag kang mag-alala wala akong planong landiin si Miss.Huxley ayaw kong mapunta lang sa wala ang paghihirap ko, taon pa yata ang gugulin ko para mahanap ang babaeng mahal ko," malungkot na saad ni Jack di niya alam na ang matagal na niyang kaibigan at kasapi sa Mafia ay may babae na pa lang nagpatibok sa puso nito.

"What do you mean?" may idea man siya kung ano ang tinutukoy ni Jack ngunit ayaw niyang manguna sa binata gusto niyang marinig kung bakit hinahanap niya ito.

"I already found her, but dahil mayaman ako nawala siya sa akin ayaw ng kanyang pamilya sa katulad natin na mayayaman dahil umaasa lang daw tayo sa pera natin kaya ako nandito at nagtratrabaho sa kompanya mo," nakayukong wika nito habang nakahawak ang kamay sa sariling buhok.

"Jack prove to them that they we're wrong, nandito lang ako handang tumulong sa iyo sa paghahanap sa kanya," wika niya sa binata na umangat ang tingin sa kanya.

"Thank's bud, don't worry magsasabi lang ako saiyo kapag kailangan ko na talaga kung kailangan kung halughugin ang buong pilipinas at buong mundo ay gagawin ko mahanap ko lang si Sierra, i love her bud more than anything," napangiti siya sa tinuran ng kaibigan, alam niyang seryoso na ito sa maswerteng babae na si Sierra kahit sa kanya man ito mangyari ay di niya alam kung ano ang kanyang gagawin kapag nawala pa si Lemon sa kanyang paningin.

*tok, tok, tok*

Sabay na napabaling ang kanilang tingin ng marinig ang mahinang katok sa pintuan.

"Come in," wika niya dito at tumambad sa kanya ang palapit na sekretarya na nakayuko habang binabasa ang papeles. 'Di ba ito tumitingin sa nilalakaran, pano kung madulas s'ya?' iling iling niyang tanong sa sarili habang namasid sa dalaga.

Tumikhim siya at inilagay ang dalawang braso sa lamesa habang pinag daop ang dalawang kamay niya.

"Dapat tumingin ka sa dina daanan mo ayaw ko ng malamya na sekretarya," matigas niyang wika na dahilan upang tumingin sa kanya si Lemon. Gulat pagkamangha, Fear was written in her face sinalubong niya ang titig ni Lemon na tila tuod na nakatayo sa harapan niya. Umakto siyang hindi niya kilala ang dalaga siguro hindi pa ito ang panahon para sa pangyayari na gusto niyang maganap.

"Are you going to stand here until tommorow? Speak." Nakita niyang natauhan ito at lumunok ng ilang beses para pakalmahin ang sarili, nagulat siya ng biglang lumamig ang asul na mga matang nakatingin sa kanya.

"You have a meeting in 10:00am in V.V restaurant," seryuso nitong wika sa kanya tiningnan niya ang relong nasa bisig mayroon na lang siyang 30 minutes para makarating sa restaurant, tumango siya sa dalaga at kinuha ang coat na nakasambay sa swivel chair niya na kinauupuan.

Binalingan n'ya ng tingin si Jack na kampanting nakamasid sa kanila ng dalaga.

"Umalis ka na Jack, bumalik ka na sa Boss mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho," nakataas kilay niyang pananakot dito, ngumisi lang si Jack at umiling iling.

"Fine, Goodluck sa date!" pasigaw nitong wika babatuhin niya sana ito ng ballpen ng mabilis nitong binuksan ang pinto at tumakbong lumabas sa opisina.

'I will kill that f*cker!' inis niyang bulong na umabot pala sa pandinig ng katabing dalaga.

"You w-what?" gulat na bulalas ni Lemon sa kanya ngumisi lang s'ya sa dalaga at naunang naglakad papunta sa pinto.

"Forget it, Let's go" wika niya at liningon ang dalaga, maya-maya ay tumango si Lemon at naglakad palapit sa kanya.

Binuksan niya ang pinto para maunang makalabas si Lemon nahihiya siyang binalingan ng tingin si Lemon.

"Salamat." Napahinto siya ng marinig ang pagpasalamat ni Lemon sa kanya, biglang namula ang kanyang tainga sa narinig bumilis ang tibok sa kanyang puso, para siyang babaeng kinikilig dahil lang sa nagpasalamat ang crush niya.

'Damn, Lemon you're making me crazy over you," pipi niyang usal sa sarili habang pilit na tinatakpan ang hiya at kilig na naramdaman.

Tumango lang siya sa dalaga at nagpatuloy na sa paglakad, lahat ng nakasalubong nilang empleada at empleado ay tumitigil sa ginagawa at binabati sila, di niya ang mga ito pinapansin.

Magkasabay silang sumakay sa private elevator ibig sabihin siya lang dito ang pwedeng sumakay kasama ang sekretarya, pinakaayaw niya ang maraming kasama sa isang elevator dahil alam niyang matatagalan siyang makarating sa opisina at gusto niyang itatak sa isip ng mga employee na dapat nilang irespeto ang nakakataas ganun din ang nakakataas dapat pakitunguhan nila ng maayos ang employee.

Nang makarating sila sa baba tumalim ang kanyang mata ng makitang karamihan sa lalaking empleado niya ay nakatingin sa dalaga.

'F*ck! Makakapatay talaga ako ng employee nang wala sa oras," inis niyang bulong.

Binilisan niya na lang ang lakad pero bago iyon ay nagsalita muna siya sa dalaga na mukhang walang pakialam sa paligid.

"Faster, next time wag kang sumuot ng mga sexy na dress kung ayaw mong ikulong kita sa opisina at hubaran ng damit," matigas niyang wika sa dalaga na biglang napatulala sa kanyang sinabi.

Tinalikuran n'ya ito bago pa mawalan siya ng pasensiya at mahalikan ang dalaga.

'D*mn!, her heart, body, and soul are only mine exclusively mine!'

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Where stories live. Discover now