Chapter 11

122 72 12
                                    

Chapter 11

Dedicated this chapter to my unknown girl, bby jam i hope mabasa mo to^^.

Pinili ni Lemon na maglakad papuntang coffee shop upang bisitahin ulit at kamustahin ang Arevalo Family at para na rin makakatipid siya sa pamasahe, at hanggang ngayon ay di pa rin napro-proseso sa kanyang utak na may pag-asa siyang matatanggap sa kompanyang kanyang inaplayan, malaking kompanya ito kaya alam niyang di madaling makapasok dito ang isang simpleng tao kapag walang magandang experience or taong tutulong para makapasok ka.

Sabi ng lalaking kausap niya tatawagan na lang siya bukas kung tanggap na ba ito sa trabaho bilang sekretarya ni Mr.Choi ang isa sa business partner ng Venreal Company.

Ilang minuto ang lumipas nang makarating siya sa coffee shop ng mga Arevalo at mukhang natatandaan siya ng isa sa mga empleyada dito dahil sinalubong din siya ng isang malaking ngiti at pinaupo sa bakanteng upuan, binigyan din siya nito ng kape at isang piraso ng cake.

"Hinahanap niyo po ba si Maam Brianna?" nakangiting tanong ng babae sa kanya, tumango naman siya rito bilang sagot.

"Sandali lang pupuntahan ko po muna at sasabihin na nandito ka na." Tumango naman siya ulit sa babae, habang nagsisimsim ng kape.

"Sige," tipid niyang sagot, malamig ngayon ang panahon kaya sigurado siyang papatok ang kapeng kanilang tinda, masarap ang lasa ng kape nila tamang tamis at di nakakasawa.

Konting ayos at renovate lang ng shop na ito ay ayos na, pero sa tingin naman niya di naman talaga ito mahirap dahil sa klase pa lang ng kilos ni Ginang Brianna ay may poise na, magaling din itong magdala ng damit kahit alam niyang hindi ito branded. 'Sabagay pareho namang damit branded man o hindi mas maganda nga 'yon ay may maiisuot ka kesa sa wala,'.

"Mabuti naman iha at nandito ka na," salubong na wika sa kanya ng ginang tumayo naman siya rito upang halikan ito sa pisnge.

"Sorry at na tagalan ako ate Brianna," paghingi niya dito ng paumanhin, umupo naman si ginang Brianna sa harap ng kanyang lamesa kasama nito si Breyx ang batang nakita niya sa kalsada at ang isang lalaki na sa tingin niya ay kaedad lang ni Ginang Brianna at kamukha nito si Breyx sa tingin niya ito ang asawa ni Ginang Brianna, tiningnan niya si Breyx na tahimik lang na nakaupo sa upuan katabi ng ina at ama nito, nakabihis na ito ng maayos at pansin niya dito na maslalo itong naging gwapo at sigurado siyang maraming magkakandarapa dito kapag maging binata na ito.

"It's okay Lemon, by the way ito pala ang asawa ko si Brian Arevalo, honey si Lemon pala ang taong gustong tumulong para mapalago natin ang coffee shop at ang nakakita kay Breyx sa kalsada," nakangiting wika nito, ngumiti naman ng malapad ang asawa ni ginang Brianna.

"Hi Lemon, maraming salamat sa kabutihan mo, di ko alam kung paano masusuklian ang lahat lalo na't ikaw ang nakakita kay Breyx," maluha-luhang wika nito sa kanya ng ginoo.

Ngumiti siya sa ginoo. " Naku po Kuya Brian wala pong anuman, kahit sino naman ata kapag nakita ang batang naligaw ay tutulungan makabalik sa totoong pamilya o bahay," malumanay niyang wika.

"Maswerte ang lalaking magmamay-ari ng iyong puso Lemon," wika ni Ginang Brianna, kaya muntik naman siyang mabilaukan mabuti nalang at nalunok na niya ang kapeng iniinom napakamot naman siya sa ulo dahil sa narinig mula sa ginang.

"Ate Brianna naman, manliligaw nga wala ako jowa pa?" bulalas niya dito napatawa naman ang mag-asawa sa tinuran nito dahil namumula na ang dalaga sa hiyang nararamdaman.

"Bakit may sinabi ba akong may jowa ka?" nakangising tanong ng ginang namula naman lalo si Lemon sa hiya.

"Ehh wala po pero yung pedeng mag mamay-ari nitong puso ko ay yung taong mahal ko po soon," nahihiyang wika niya.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Where stories live. Discover now