Chapter 19

106 47 2
                                    

Chapter 19

"Dalawang kilo po ng manok at karneng baboy," malumanay na wika niya sa tindera sabay punas ng pawis sa kanyang noo.

Isang oras na siyang naglilibot sa loob ng palengke upang mamili ng kanyang kakainin sa loob ng isang semana. Unang beses niyang pumasok sa palengke simula ng bata siya, kaya nahirapan siya kung saan hagilapin ang tindahan ng produkto na kanyang bibilhin dahil sa laki ng palengke at rami ng tao.

"D*mn! Pagkatapos nito uuwi ng ako," mahinang bulong niya sa sarili habang minamasdan ang tindera na kumikilo ng karne na kanyang bibilhin.

"Mukhang hindi ka sanay sa palengke, ineng," rinig niyang wika nito kaya napakamot siya ng ulo at ngumiti ng pilit.

"Ah, eh opo. HEHEHE," wika niya habang pilit na ngumiti sa tindera.

"Ito na ang binili mo, ineng," sabay abot nito ng cellophane sa kanya at binigyan naman niya ito ng dalawang libo.

Gulat na napatingin sa kanya ang matandang tindera. "Naku! Ineng sobra ito sandali lang at bigyan kita ng sukli," medyo nataranta nitong wika.

"Wag na po. Keep the change," nakangiting wika niya bago tumalikod dito at dali-daling nakipagsiksikan sa mga tao.

"Weeew," nakahinga siya ng maluwag ng makalabas sa palengke habang nangangalay ang kanyang dalawang kamay sa bigat ng kanyang dala.

Malalaki ang hakbang niyang naglakad dahil sa bigat ng kanyang dala at sa init nang sikat ng araw.

"Pero!" mahina siyang napatalon ng makarinig ng malakas na busina ng sasakyan sa kanyang likuran kaya mabilis niya itong nilingon upang alamin kung sino ito.

"Lemon! Long time no see!" masayang bati ni Greg sa kanya kaya huminto siya sa paglalakad at masayang hinarap ito.

"Hey! Greg," balik niyang bati dito.

"Get in, Lemon. I will drop you in your house," tumango siya dito dahil pagod na din siyang maglakad sa gitna ng sinag ng araw.

"So, Kamusta ang pag-iimbestiga, Greg?" tanong niya dito ng makasakay sa loob ng kotse.

"Greetings, Lady C!" bati nito sabay yuko. "Nagsisimula pa lang po kami, Lady C," malumanay na sagot nito bago pinaandar ang saksakyan.

Matagal-tagal na din siyang nagbabantay ng sunod na plano ng kalaban pero mukhang tahimik ngayon at walang ginagawa na hakbang, kaya naman lagi siyang alerto at hindi nagpapakampante dahil alam niyang anong oras ito ay mag-aatake sa kanila lalo na kung hindi sila nakahanda.

"I see. Lagi lang kayong maging alerto hindi natin alam kung ano ang sunod na plano ng kalaban baka atakihin kayo habang nag-iimbestiga kayo," mahinahon niyang wika.

"Yes, Lady C."

Ngingitian niya si Greg ng ihinto ang sasakyan sa harap ng kanyabg boarding house at ng makababa siya ng kotse.

"Salamat, Greg," wika niya sabay yukod dito.

"Walang anuman, Lemon." Tinanaw niya ang kotseng papalayo bago siya nagpasya na pumasok sa loob ng bahay.

Kumunot ang noo niya ng may nasinghot siyang kakaibang amoy at familiar na amoy.

"May nakapasok dito," bulong niya sa sarili. Kaya naging alerto siya at nagmatyag sa paligid kung may presensya ba siya ng tao na naramdaman.

Ang pamilyar na amoy na nanuot sa kanyang ilong ay nag patindig ng balahibo ng kanyang leeg. Ang amoy na lagi niya naamoy sa kanyang boss na si Grey. Alam naman niyang imposible na may iba pang tao na maaring gumagamit ng perfume nito na tangging ang binata lang ang mayroon ng perfume na iyon. May pagduda siya kung sino ang pumasok sa kanyang bahay pero maraming katanungan sa kanyang isip kung paano naman ito makapasok ng basta-basta dahil naka lock ito at may nilagay din siyang bitag sa may pintuan.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt