Chapter 14

130 66 18
                                    

Chapter 14

Ilang minuto siyang napatulala sa tinuran ng kanyang bagong boss. Hindi siya mapakali ng makita ang hitsura nito lalo na ang mata na nakalulunod. Ang binatang gumulo sa kanyang isipan mahigit isang buwan na ang lumipas ay nakita niya na ng malapitan at malinaw na malinaw na napagmasdan ang mukha nito. Si Sage at ang bago niyang boss ay iisa ano ang gagawin niya ngayon lalo pa at ayaw niya ng destruction.

Napa-igtag siya ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bag na dala kaya dali-dali n'ya itong kinuha at sinagot ang tawag kahit unknown number ang nakalagay.

"Get in the car now!" halos mabitawan niya ang cellphone na hawak ng marinig ang malamig at inis na boses ng boss niya.
'Sh*t!, ba't ba tumunganga pa ako dito sa hallway,' inis niya na sisi sa sarili.

"Y-yes s-sir," natataranta at nauutal niya na sagot. Patakbo siyang pumunta sa harap ng bukana ng building at pumasok sa sasakyan kung saan nakaupo ang personal driver nito sa unahan at ang binatang si Sage naman ay nasa likuran. Walang imik na umuusad ang sasakyan habang katabi niya ang binatang abala sa pagtatype ng kung ano-ano sa sarili nitong cellphone.

Nilingon niya ito at pinagmasdan walang pagbabago ang hitsura, ganun padin seryuso at sumisigaw ng makapangyarihan ang binata.

'Naalala pa ba niya ako?' tila may kumurot sa puso niya sa isiping hindi siya matandaan ng binata sino nga ba siya isang hamak na nakahalikan, hindi tulad sa ibang babae na sobra pa sa halik ang mamagitan sa kanila. Yes, kahit di man sabihin sa kanya ng boss niyang si Sage ay alam niya parin na playboy at f*ckboy ito bukod sa usap-usapan sa kumpanya ay sa panlabas na din na anyo nito.

"It's rude, staring at your Boss face," madiin nitong saway sa kanya kaya napuyuko na lang siya sa hiya.

"I'm sorry sir," mahina niyang wika at ibinaling ang tingin sa nadadaan na bill board at mga naglalakihang building.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan habang umuusad ito. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili dahil sa kabang nararamdaman niya habang ang katabing binata ay tahimik lang ngunit alam niyang nagmamatyag ito sa kanya.

Nakahinga siya ng malalim ng huminto ang sasakyan sa harap ng mataas na restaurant.Sumakay sila ng elevator papuntang VIP area, malayo pa lang nakikita niya na ang isang babae na malawak ang ngisi na nakatingin sa kanila habang papalapit sila sa kinauupuang table nito, kulang na lang na salubungin ng yakap at halik ang kanyang boss kaya pasimple siyang umismid dito. At di nga siya nagkakamali dahil di nakapag pigil ang dalaga at sinalubong sila nito.

'Sh*t na malagkit ba't ba ganito ang nararamdaman ko?'.

"It's nice to meet you again Mr.Grey," malanding bungad ni Ms.Cheng na nakasuot ng damit na parang kinulang sa tela. Tumango naman si Sage at tinanggap ang pakikipag kamay ng kaharap na dalaga. "Likewise Ms.Cheng," malamig at pormal na sagot ni Sage. 'Bakit ibang-iba ang tono ng kanyang boses kapag iba ang kausap?' naguguluhan niyang tanong sa sarili. Ang boses ng binata kapag siya ang kausap ay malamig ngunit nahahalata ang lambot at lambing ng boses, samantalang ngayon sa kaharap na sexy na babae ay malamig at matigas iyong tipong wala itong pake yung may masasakit man siyang salitang ibato sa kaharap na dalaga. 'Bakla ba ang boss ko? Sh*t nababaliw na yata ako' ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa kung ano-anong bagay ang pumapasok sa kanyang imahinasyon. "Oh, lets sit," aya ng dalaga na si Ms.Cheng hinila nito ang kanyang boss sa braso kaya nahila din siya sabay sa binata dahil biglang hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Tinangka niyang alisin ang pagkahawak sa kamay ng binata ngunit mas hinigpitan lang nito kaya wala siyang nagawa kundi magpahila sabay ng binata hanggang sa makarating sila sa lamesa, ipinaghila siya ng upuan ng binata bago ito umupo sa sarili din na upuan dahilan upang mapansin siya ng dalaga, salubong ang kilay na tumitig sa kanya ang dalaga.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Where stories live. Discover now