Chapter 8

134 86 15
                                    

Chapter 8

"So, did you know me?" panimula kong tanong habang sumisimsim ng apple juice.Hula niya rito magka-edad lang ito at ang kaniyang ate Lavander.

He laugh."Lady C, di pa ako nagpapakilala saiyo ng pormal, I'm Greg Bonifacio and to answer your question....Yes kilala ko kayong lima, menor de edad  palang ako noon ng iligtas ako ng iyong ama sa kanilang kalaban, pinag-aral niya ako at the same time tinuturuan ng iba't ibang estilo sa pakikipaglaban," he paused.

"Nang mag eighteen ako, si ate Lavander mo ay fifteen years old , i ask your father kung ano ang kapalit ng mga tulong na ginawa niya sa akin,your father only ask na protektahan ko kayo lalo ka na Lady C," malumanay na ani nito , napayuko naman siya sa tinuran ng kaharap.

"Alam mo lahat-lahat tungkol sa pamilya namin?" tanong niya rito, tumango naman ito.

"Nang magdesisyon kayong lumipat ng tirahan nawalan ako sa inyo ng balita, kaya noong mag eighteen ka, pina bantayan ko ang numero ng iyong ina, kung sakaling may gagamit nito ibig sabihin nakita mo na ito at ginamit, ng mag-alarm ang detector tinawagan ko agad ang numerong ito, i know ba ikaw lang ang gagamit ng numerong iyan dahil ikaw si Lady C," paliwanag ni Greg, tumango naman siya naiitindihan niya na, kaya ito ginawa ng kaniyang ama para may taong silang mahingan ng tulong sa oras ng kagipitan.

"What's your plan Lady C, i know may pinaplano ka, kaya mo ginamit ang numero ng iyong ina na si Amalia," nakangiti nitong saad, tumango naman siya ulit.

"Gusto kong paimbestigahan muna ang pagkamatay ni Daddy, i think it's not natural accident Grey," malamig niyang wika, umayos naman si Greg ng upo ng marinig ang kaniyang malamig na boses.

"Ano ang maitutulong ko Lady C?" tanong ni Greg, tiningnan niya lang ito ng malamig.

"Give me the copy of the footage and the video sa cctv kung saan naganap ang aksidente," kumunot naman ang noo ni Grey sa narinig.

"That's the problem Lady C, walang cctv doon at wala din daw nakakita ng insidente." Nakuyom niya ang kaniyang kamao, ngayon buo na ang hinala niya, lahat ng nangyari mula sa pagkabangga ng sasakyan na minamaneho ng kaniyang ama ay planado lahat.

"Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Daddy, Greg para maayos na ang gusot sa Huxley Organization," matigas niyang saad.

"D*mn!, Lady C may pinagmanahan ka talaga," natatawang saad nito, ngumisi lang siya sa kaharap.

"I'm Lady C, and Lady C known as a person who killed slowly yet painfully, kaya ipararamdam ko iyon sa kanila." She smirked, ngumisi naman si Greg.

"Count me in, Lady C," tumango naman siya kay Greg.

"Btw Greg can you keep this secret, just call me Lemon," ani niya rito, ayaw niyang may ibang makarinig na tinatawag siyang Lady C dahil ayaw niya pang malaman ng kalaban na nagsisimula na siyang gumalaw, gusto niyang unahan ito.

"No problem Lady C, i mean Lemon, i don't have a plan na ipagkalat ito," he gave her a assured smile, nakaginhawa naman siya at napayuko ngunit napatingin naman siya sa kaharap ng wala sa oras dahil sa narinig na mahinang pagtawa.

Is he insane? natanong niya sa sarili, may nakakatawa ba?.

She looked at him confused. "Why are you laughing, Greg?" tanong niya rito na bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Because of you, do you think i will put you in harm Lemon? I do this not only because i owe big your father but also because you are Lady C at dumadaloy ang dugong Huxley at Del fierro sa mga ugat niyo kaya sa abot ng makakaya ko proprotektahan ko kayo," malumanay nitong pahayag, lumambot naman ang tingin niya sa kaharap.

Handa talaga silang ibuwis ang kanilang sariling buhay para lang maprotektahan sila.

Napatayo naman bigla siya ng maalala na mayroon pa siyang lakad.

"Where are you going Lemon?" tanong ni Greg sa kaniya.

"May lakad pa kasi ako Greg kailangan ko pang maghanap ng mapasukang trabaho," nahihiyang ani niya rito.

Kumunot naman ang noo ng kaniyang kaharap.

"Why? marami namang pera at ari-arian ang iniwan ng mga magulang niyo diba?" wika nito na parang di nito naiitindihan kung bakit kailangan niya pang magtrabaho.

"Kailangan kong magtrabaho Greg, ayaw kong maging depende sa pera na iniwan saamin kung kaya ko namang magtrabaho ano pa ang silbi ng aking pinag-aralan kong aasa pa rin ako sa pera nila Mommy at Daddy," wika niya napatango-tango naman ito sa itinuran niya.

"Do you need help marami akong kilalang pwede ka maipasok," pag presenta ni Greg sa kaniya umiling lang siya at inayos ang bag na dala.

"Nah, i'm fine ako na ang bahalang maghanap ng trabaho," wika niya at tumango na lang ang kaharap na batid nitong wala itong magagawa para pigilan at tulungan si Lemon.

"Bye Greg." Paalam ni Lemon at dali-daling lumabas ng restaurant ng di man lang nagalaw ang kanilang inorder na pagkain.

"Saan kaya ako maghahanap ng trabaho?" nalilitong bulong niya sa sarili.

Pinagmasdan ni lemon ang paligid na papagitnaan siya ng naglalakihang building at alam niyang malabong makahanap siya ng trabaho ng ora mismo, dahil unang una di niya alam kong anong trabaho ang hinahanap niya, pangalawa di niya pa kabisado ang pasikot sikot na daan dito at kung saan ang may naghahanap ng trabahador.

"Patient lemon, yan kasi kung tinanggap mo ang tulong ni Greg edi sana may trabaho ka na ngayon," inis niyang bulong sa sarili.

"Wala na akong magagawa kaya dapat maging matiyaga nalang ako para makahanap ako ng trabaho ngayon araw mismo," determinadong bulong niya sa sarili.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Where stories live. Discover now