Chapter 12

123 67 10
                                    

Chapter 12

Hindi na siya kumain pa, naligo na lang siya at nag-ayos ng sarili dahil ayaw niyang may masabing masama ang kanyang magiging boss kung ayaw niyang matanggal sa trabaho kailangan niya ito pakisamahan ng maayos.

Lumabas siya sa kanyang tinutuluyang apartment at lakad takbo naman itong pumunta sa bantayan ng mga sasakyan upang di maabot ng trapik.

Ilang minuto siyang nag-antay hanggang siya ay nakasakay sa taxi cab papunta sa Venreal Company. Tiningnan niya ang pambisig na relo, nagulat naman siyang ilang minuto na lang at mag alala siyete na ng umaga kaya ang ginawa niya ay nakipagsiksikan siya sa mga empleyadong kagaya niya ay nagmamadali din.

Nakita niyang magsasara na sana ang elevator lakad takbo ang ginawa niya at mabilis na hinarang ang kamay sa akmang magsasara na pintuan, nakipagsiksikan siya sa mga taong sakay ng elevator kaya samot-saring reaksiyon ang natanggap niya mula sa mga ito.

"Mga tao nga naman, kahit di na kasya ipinag siksikan pa ang sarili," rinig niyang bulong ng katabi.

"Sino ba ang babaeng 'yan at ngayon ko lang nakita?" maarte na wika ng babae na nasa likod niya pasimple naman siyang napairap sa mga reaksiyon nito. 'Malamang dahil bago pa lang ako dito,' gusto sana niyang isagot sa babae ngunit mas pinili niya na lang na itikom ang bibig para di na lumaki ang gulo lalo na sa katulad ng mga babaeng ito.

Isa-isang umuunti ang sakay ng elevator habang tumataas ito hanggang sa siya na lang at ang isang pamilyar na lalaki ang naiwan sa elevator, di niya alam kung saan ito pupunta, kung sa 50the floor o sa 49th floor.

Magtatanong na sana siya dito kung saan floor siya pupunta ng mauna itong magsalita sa kanya.

"It's nice to see you again Miss. Grey new secretary." Nanlaki ang matang bumaling siya sa katabi, inalisa niya ang mukha ng binatang katabi kaya pala pamilyar sa kanya ito dahil ito ang taong kumukuha ng kanyang resume na i-susubmit nito sa boss niya.

"Mr.Hidalgo, ikaw pala sorry di kita masyado namukhaan kanina nagmamadali kasi ako, salamat pala sa tulong mo sa akin," nahihiya niyang paghingi ng pasensya sa binata.

"Nah, it's okay Miss.Huxley naiintidihan kita, very much and wag kang magpasalamat sa akin sa kanya ka magpasalamat." Di naman niya maintindihan ang sinabi ng binata ng nahimasmasan siya ay nakasara na ang elevator kaya habang tumataas ang elevator papunta sa palapag kung nasaan ang opisina ng kanyang magiging boss ay hindi pa din mawala-wala sa kanyang isipan ang makahulugang sinabi ng binata. 'Paano ko mapasasalamatan ang taong di ko naman kilala kung sino?, Nice!' sarkastiko na wika ng kanyang isipan.

Nabalik siya sa realidad ng marinig ang tunong ng bumukas na pinto ng elevator, dahan-dahan siyang naglakad palabas ng elevator. Napuno ng kaba ang kanyang puso at namumuo ang pawis sa kanyang noo kahit puno naman ng aircon ang building na ito.

"It's good, you're come in time," napatalon siya sa gulat ng bumukas ang pintuan ng nang opisina ng kanyang magiging boss at nagsalita pa ito.

Yumuko siya dito. "Good Morning s-sir," nahihiya niyang bati dito.

"Good morning too, check my schedule if may meeting pa ako mamaya, iyang table na yan ay ang magiging lamesa mo." Sabay turo ng nasa bahaging kanan na lamesang may mga papeles na nakatambak. "Iniwan na d'yan ni Jack ang mga schedule ko ngayon araw," wika nito bago siya tinalikuran, nang umangat ang kanyang paningin ay likod na lang ng kanyang boss ang kaniyang nakita. 'Bakit ka naman kasi yumukod pa?, yan tuloy di mo nakita kung ano nga ba ang mukha ng taong pagtratrabahuhan mo,".

Tiningnan niya ang lamesa na nasa bahaging kanan medyo malaki ang mesa kaya di na siya mahihirapan kung sakaling dumagdag pa ang mga papeles na kinailangan niyang papirmahan sa kaniyang bagong boss.

Venreal Series 1: The Mafia Billionaire Assassin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon