Kabanata 34

21.7K 395 7
                                    

Kabanata 34

 

Spring's POV

 

             Four months has passed. Parang ang bilis ng panahon parang kelan lang noong dinala ako ni Gray sa sementeryo naalala ko pa halos isang linggo akong araw araw na umiiyak at sinisisi ang sarili sa nangyari sa anak ko pero sa tulong ni Gray natanggap ko rin na pinahiram lang sya sa amin at agad ring kinuha. Masakit para sa akin pero may dalawa pa akong anak na naghihintay ng kalinga ko kaya sa kanila ko na lang ibubuhos ang pagmamahal ko.

            Gray's been very patient to me ever since kaya naman naisipan kong bisitahin sya sa trabaho nya at ipagdala ng bagong natutunan kong iluto. Nagaaral ako ng paluluto para sa kanya kahit ilang paso pa ang inabot ko okay lang para sa kanya. At saka nag bake rin ako ng cake na may nakasulat na 'I'm in love with you Gray.'

            Nakalimot man siguro ang isip ko pero ang puso ko naman sya ang isinisigaw. Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ko sya magugustuhan pero kahit bali-baligtarin ko ang mundo, kahit nawalan pa ako ng memory kasama sya, sya at sya pa rin ang sinisigaw ng puso ko. Ang drama haha.

            Ako na ata ang pinaka maswerteng babae dahil hinintay at pinagtyagaan ako ni Gray. We're still not sleeping in the same bed at saludo ako sa kanya dahil hindi nya ipinipilit ang bagay sa akin. Sa kwarto nya pala may malaking portrait na sabi ni Gray kuha raw yun noong kasal namin sa Germany. Hindi ko naalala ang araw na yun pero makikita sa picture namin na parehas kaming masaya kahit na halata mong may sakit ako ruon. Parehas na malaki ang ngiti namin habang nakayakap ang isang kamay nya sa bewang ko at ang isa naman nakahawak sa kamay ko.

            "Avian, bantayan mo ang kapatid mo ha aalis lang ako pupuntahan ko si daddy. Grae behave okay? Wag mong papahirapan si Kuya at sila Nanny. Kapag behave kayo may pasalubong ako mamaya."

           

            "Pasalubong? I'll behave." Nakangiting sabi ni Grae.

            "I'll behave too. Take care mommy. I love you." Avian.

            "Love you mommy." Grae.

            Lumuhod ako sa kanila at hinalikan sila parehas sa pisngi. Ang taba ng pisngi nila parehas dahil sa lakas nila kumain at uminom ng gatas sobrang lusog ng dalawa. I pinched their cheeks at saka hinalikan ulit. Kulitan ang libangan naming tatlo pero plano ko kapag malaki laki na sila at pwede na akong magtrabaho babalik ako sa pagt-trabaho.

            "I love you more Grae and Avian."

            Iniwan ko na silang dalawa sa kwarto na naglalaro. Magpapaakyat na lang ako ng katulong para bantayan sila at makasama. Naabutan ko si manang sa baba na busy sa pagtuturo sa mga katulong ng mga gagawin nila.

           

            "Manang iiwan ko muna sa inyo ang mga bata kayo muna ang bahala dadalhan ko lang si Gray ng pagkain. Babalik rin po ako agad." Kinuha ko na ang dadalhin ko para kay Gray.

When it rains, it pours (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat