Kabanata 31

23.1K 428 2
                                    

Kabanata 31

Spring's POV

Dinala kami ni gray sa garden at napataas ako ng kilay sa nakita ko. To think na maghapon ako sa bahay hindi ko man lang napansin na ganto na pala ang nangyayari sa labas. Pumapalakpak pa ang dalawang bata ng makita ang kabuuan ng garden. May mga floating lantern pa na iba-iba ang kulay at may table not only for two kung hindi para sa aming dalawa. Maraming rose petals na nagkalat sa buong paligid at may tumutugtog pa ng cello at piano in sweet and serenading tune.

Okay I'll give it to him maganda ang pagkakaayos ng lugar at kahit sino maaatrak sa magandang pag kakaayos neto kahit ako. Hinawakan ni avian ang kamay ko at dinala sa may upuan. Napatawa ako ng pilit nyang pinaghahatak ako ng upuan para makaupo kaso hindi nya mahatak dahl mabigat kaya lumabi na lang sya at tinawag ang daddy nya.

"Dad it's too heavy. Can you buy new chair yung hindi mabigat." Nakapout na sabi ni Avian.

"Kapag lumaki ka na hindi na yan mabigat." Si Gray na ang nag usog ng upuan para makaupo ako at saka inayos nya naman ang dalawang bata sa pag upo.

"Thanks for this." sabi ko lang sa kanya.

"Welcome. Avian and Grae heto ang favorite nyo. And here's for you, I'm sorry I don't have time to cook kaya pag pasensyahan mo na at pinaluto ko lang yan." Gray.

Actually masarap nga ang mga pagkain. Avian reminds me of Cloud he loves Barbeque ribs din. Asikasong asikaso ni Gray ang mga bata mula pagkain hanggang sa pagpunas ng mga dumi sa mukha. Para syang nanay sa katawan ng tatay. Hihi.

"How old is he? And how old is Grae? Ano rin ang real name nila?" Nakalimutan kong tanungin ang pangalan ng dalawa ang alam ko lang Avian at Grae or Graciella yun ang naririnig ko na tawag sa kanila.

"Ang panganay si Lorenzo Avian he's 3 and Graciella Yrannia she's turning one 2 weeks from now."

Noong sinabi nya na Lorenzo Avian hindi ko alam pero biglang may nag flash na image ni Renzo at noong baby pa si avian. Napahawak ako sa ulo ko, hindi ko alam kung bakit si Renzo ang nakita ko.

"Okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni Gray. Umiling ako sa kanya at ngumiti. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung images na nagflash sa isip ko but I tried to ignore it saka ko na iisipin ang mga yun.

"I'm okay. Ano palang plano mo for her birthday?" Kung wala pa syang damit kung pwede ako na lang ang magd-design at mag tatahi that's one of my talent ang mag design at mag tahi na mana ko kay mommy pero mas hilig ko lang talaga ang business.

"May planner na akong nagaasikaso pero kung gusto mo you can her meet her tomorrow. Fairy ang theme ng party I'm sorry alam mo naman na lalaki ako at wala akong masyadong alam sa mga gantong bagay."

Fairy? Pwede na. Sabagay buti na rin at fairy ang theme kesa naman cars, batman, superman o kung ano pa man na pang lalaki mabuti na yun.

"I'd like to meet your planner may mga gusto akong i-add at saka pwede bang ako na lang ang gagawa ng gown nya. May maitutulong pa ba ako?"

Gusto kong maging casual lang sa kanya at saka okay na rin ang gantong paguusap kesa sa magkailangan kaming dalawa.

"Mommy can I come with you tomorrow?" malambing na sabi ni Avian.

"Me too!" nagtaas pa ng kamay si Grae.

When it rains, it pours (Completed)Where stories live. Discover now