Kabanata 27

22.8K 495 16
                                    

Kabanata 27

 

Gray's POV

 

After 1 year...

 

            "Baby, kung nasaan ka man ngayon sana maging masaya ka. We miss you. Sana mas mahaba pang panahon ang meron tayo at para nakasama mo pa si Graciella at Avian. Bye for now baby may aasikasuhin pa akong importanteng bagay."

            Hinaplos ko pa sandali ang lapida nya bago umalis. It's been one year pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

            "Avian, stop annoying your sister." Kinukulit ni Avian sa likod ng sasakyan si Graciella. Pilit na kinukurot ang psingi.

            "She's so cute kasi Dad. Look at her cheek ang taba." I chuckles. Kung makapagsabi na mataba ang pisngi ni Grae akala mo hindi mataba ang pisngi nya. We call her Grae. Well galing yung Grae na tawag kay Avian hindi nya kasi mabigkas ng buo ang Graciella nabubulol sya at kalaunan naiinis kaya Grae na lang naging tawag namin which is mas okay sa akin dahil kapangalan ko pa.

            "Baby, stop that alam mo namang hindi pwedeng umiyak ng umiyak si Grae." Nag pout si Avian at nalungkot.

            Naoperahan na si Graciella noong 4 months old sya naging maayos naman pero hindi pa rin nya pwedeng gawin ang ginagawa ng mga normal na bata. Bawal pa rin syang mapagod, malungkot, at matuwa ng sobra sobra nahihirapan syang makahinga.

            "I'm sorry Grae. Don't worry Kuya loves you and Kuya will take care of you." Napangiti ako sa sinabi ni Avian kay Graciella hinalikan nya pa to sa pisngi kaso ang batang makulit pinunasan agad ang pisngi nya.

            "Laway. Kadiri." Masungit na sabi naman ni Graciella.

            Natawa kami ng sabay ni Avian sa reaction ni Graciella. Silang dalawang magkapatid ang nagiging lakas ko sa buhay ngayon. Sila ang nagpapasaya sa magulong buhay ko ngayon. Inayos ko ang seatbelt ng dalawa bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan.

            "What do you want to eat?" Sinulyapan ko silang dalawa sa salamin.

            "Barbeque! / Chicken!" Avian/ Graciella.

            Naiiling ako habang hindi naaalis ang ngiti sa mukha ko dahil sa magkaibang reaction nilang dalawa. Si Avian forever barbeque baby back ribs ang favorite habang si Graciella naman fried chicken ang favorite pero palagi naman nag g-give way si Avian sa kapatid nya.

            "It's okay Dad chicken na lang kung ano ang gusto ni Princess." He's only 3 pero kuyang kuya na ang dating nya.

            "It's okay Avian son, we will eat barbeque and Chicken nothing more?"

           

            Graciella is turning one next, next week at magaling na syang magsalita at maglakad. Malaking bata rin sya at kamukhang kamukha ni Spring. Bigla naman akong nalungkot ng maalala ko si Spring.

When it rains, it pours (Completed)Where stories live. Discover now