Kabanata 30

24.3K 465 3
                                    

Kabanata 30

 

Spring's POV

 

            Pumasok na ako agad sa kwartong sinasabi nya. Bwisit na lalaki yun pumayag na nga ako na dito tumira kahit ayaw ko dahil sabi nila mommy pamilya ko raw sila kahit na labag sa loob ko.

            In fairness sa kwarto maganda at malinis sya. May malaking kama, TV, personal ref anything na hahanapin mo sa isang hotel makikita mo rito. It's like nag check in ako sa isang hotel. But the hell I care. Kahit pumayag ako na dito tumira nasasaktan pa rin ako kapag iniisip ko na pinaalis nila ako sa bahay para tumira rito. Ganoon ba nila pinagkakatiwalaan ang lalaki na yun?

                                 

            Medyo napagod ako kagabi at maagang nakatulog dahil sa dami nang mga nangyari kaya rin hindi ko na naasikaso ang mga gamit ko para ilagay sa cabinet. Maaga akong nagising at medyo disoriented pa ang utak ko dahil muktikan na akong sumigaw dahil pagmulat ko ng mata ko ibang kwarto ang nakita ko buti na lang at naalala ko na nandito na nga pala ako sa bahay ng lalaki na yun.

            Nagsuot lang ako ng simpleng maong short at loose na t-shirt at saka sinuklay ang buhok ko na abot na hanggang batok. Salamat sa dios at humahaba na ulit ang buhok ko hindi ko na maramdaman na dumaan ako sa sobrang hirap na chemotherapy session at ilang mga gamutan.

            "Good morning baby, I mean Spring." Nasalubong ko si Gray sa hallway. Inirapan ko sya at tinalikuran. I heard him chuckles pero hindi na ako nagaksaya pang lingunin sya at tuloy tuloy na naglakad pababa ng hagdanan. Naabutan ko ang dalawang bata na tutok na tutok sa panonood ng TV at mukhang hindi nila ako napapansin pa.

            "Children, Mommy's here." Hindi na ako nagabala pang lumingon dahil boses pa lang alam ko nang si gray yun. Sabay naman na lumingon ang dalawa at parang wala lang na bumalik ulit sa panonood. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nila. Ganto ba ang nararamdaman din nila noong sinasabi ko na hindi ko naman sila anak?

            "Ganyan lang sila kapag favorite nila ang pinapanood. Graciella Yrannia. Lorenzo Avian." Mautoridad na tawag nya sa dalawa. Lorenzo sounds familiar parang yung pangalan ni Renzo yung friend namin. Speaking of him matagal tagal ko na syang di nakikita ah.

            Tinatamad na pinatay ni Avian ang TV at naglakad papunta sa daddy nila. Nilagpasan lang ako ng dalawa at parang walang nakita. Gray gave me an apologetic smile. I smiled back para I assure sya na okay lang ako kahit deep inside masakit.

            "From now on dito na si Mommy titira with us hindi ba kayo masaya?" hindi ko alam kung bakit pero noong sinabi ni Gray na dito na ako titira parang may parte sa akin na masaya.

            "Why? She doesn't want us right? I don't want her to be my mom she doesn't want us." Nilagpasan lang kami ni Avian at naglakad papunta sa isang pintuan na sa tingin ko papuntang kitchen. Pakiramdam ko na drain lahat ng dugo ko sa katawan at namutla dahil sa sinabi ng bata. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko parang nag backfired lahat ng ginawa ko sa kanila sa akin.

            "Avian. Come back here. I'm sorry can you wait here kakausapin ko lang ang bata." Nagmamadaling iniwan ako ni Gray kasama ang batang babae na nakatingin sa akin.

When it rains, it pours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon