Kabanata 16

27.9K 603 13
                                    

Kabanata 16 

Gray’s POV

 

        Ang kulit rin netong babae na ‘to buti na lang mahal ko sya kung hindi hinagis ko na sya palabas syempre joke lang yun.

          Hindi naman dahil sa ginawa nya kaya ako naiinis, naiinis ako kasi magkakaroon pa sila ng ugnayan ni Renzo na yun. Selfish ako pagdating sa mahal ko kahit hindi nya sabihing mahal nya ako inaangkin ko na sya.

Kahit naman sabihin nya na naka move on na sya kay Renzo alam ko naman na sinasabi nya lang yun kasi ayaw nyang makita ko syang nasasaktan o nahihirapan. Ang sakit at ang hirap mag mahal ng taong kahit kelan hindi ka kayang mahalin pero para kay spring lahat tatanggapin at gagawin ko.

          Mabilis akong napalapit sa kanya ng makarinig ako ng kumalabog. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko syang nakaupo sa lapag at hawak hawak ang ulo nya.

          “S-spring baby are you okay?” Damn! Nakita ko na ngang hindi nagtanong pa ako.

          “G-G-Gray ang u-ulo ko ang sakit! Ahhh!” Hindi na ako nag isip binuhat ko na sya agad at tumakbo na palabas pero huminto ako sa harap ng secretary ko para sabihan na madaling isunod sa akin si Lorenzo sa sasakyan agad naman syang sumunod.

          “Hey baby kaya mo pa?  Hold on malapit na tayo Carla please hawakan mo ng maigi si Lorenzo Avian.” Sa bilis kong magpatakbo halos wala pang 10 minutes nasa ospital na kami. Sa bawat sigaw ni Spring parang triple ang sakit sa puso ko kinakabahan ako pakiramdam ko lalabas na ang puso ko at pakiramdam ko rin ako ang nasasaktan sa bawat sigaw nya.

         

          “Aaaahh!! Ang sakit ng ulo ko Gray!” ang higpit ng grip nya sa kamay ko habang itinatakbo sya sa stretcher.

          “Spring nandito na kuya mo you’ll be okay promise.” Kahit pa ilang beses ko na syang nakitang nagkaganto hindi ko pa rin kayang makita syang nahihirapan pakiramdam ko ako ang nasasaktan.

          “G-gray… ang anak ko…”

          “Hush Spring he’s here dala ni Carla.”

          “What happened to her? Spring…” Nakita kami ni Slate at agad na nilapitan si Spring.

Hindi na ako pinayagan sa loob pero okay na rin at nanduon ang kapatid nya mas kampante ako kasi may kasama sya na kamaganak nya. Kaya nilapitan ko na lang si Carla para kuhain si Lorenzo Avian na kanina pa iyak ng iyak. Kada sigaw ng mommy nya sumisigaw rin sya at umiiyak para bang takot na takot rin sya para sa mommy nya.


          “Come here Avian stop crying baby.” Nang makuha ko sya saka lang sya tumigil sa pag iyak at sumisinghot singhot na lang.

          “Magiging okay rin po ba si Ms. Walters Sir?” Nagaalalang tanong ni Carla sa akin.

When it rains, it pours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon