Kabanata 18

26.6K 493 13
                                    

Kabanata 18

 

3rd Person’s POV

 

            Tahimik lang ang lahat habang naghihintay sa pag-gising ni Spring. Nasa loob sila ng kwarto kung saan dating naka confine ang dalaga.

            Hindi maiwasan ni Paris na maiyak habang tinitingnan ang natutulog na anak. Pakiramdam nya pinipiga ang puso nya kada titingnan ang namumutlang mukha ni Spring. She perfectly hide her pale skin through make up. Duon lang rin nila nakita na hindi na talaga maganda ang lagay ng anak.

            “I need to talk to both of you Mom, Dad.” Napabuntong hininga ang ama nila.

            “Do we really need to talk outside?” Nagaalangan na tanong ni Paris. As much as possible she doesn’t want to leave her daughter’s side. Malungkot na tumango si Slate sa ina.

            Sinulyapan muna ni Paris ang anak bago malungkot na sumunod sa kanyang magama. Si Gray naman ay karga karga ang tulog na si Lorenzo Avian habang hawak sa isang kamay ang kamay ng natutulog na si Spring.

           

            Nagpaalam si Thunder at Amber kay Gray para sumunod sa labas kung nasaan ang pamilya. Naiintindihan naman ni Gray kung bakit kailangan ng mga eto magusap.

            “Mom, Dad… she needs immediate surgery as soon as possible. Pinahanda ko na lahat ng papers nya na kakailanganin at saka nakausap ko na rin kanina yung doctor na titingin sa kanya ibang bansa. Based sa mga examination nya she has a malignant brain tumor stage 4…”

            Nagsimula nang humagulgol si Paris. Alam nya na ang stage 4 wala nang pagasa. Niyakap rin ni Thunder si Amber na napakapit bigla sa kanya. Para naman kay Rain masyadong mabigat sa dibdib ang mga narinig nya.

            “H-how much c-chances does she have?” nagkakanda utal utal si Rain sa pagtatanong hindi nya alam kung kaya nya bang malaman ang totoo o hindi.

            Malungkot namang yumuko si Slate. “50- 50 Dad. Pero habang tumatagal mas lalong bumababa.” Masakit para kay Slate ang nangyayari sa kapatid lalo pa’t kakambal nya eto. Kahit na nga minsan hindi sila magkasundo ni minsan hindi sumagi sa isipan nya na mawawala eto.

            “But how can she take the surgery if she’s pregnant? How about the child Slate?” Yun ang kanina pa gustong itanong ni Thunder kay Slate.

            “They are both in danger. May problema sa puso ang bata even the child’s life is 50-50. Should we tell her about this? But it will cause her stress for sure na hindi na pwede dahil bawal sa kanyang mastress.”

            Nanghihinang napaupo ang lahat dahil sa narinig nila. This is too much for them parang hindi nila kayang itake lahat. Nakayuko si Slate at hinihilot ang pagitan ng mga mata nya waring sa ganung paraan hindi tutuloy ang pag iyak nya.

            Masakit para sa lahat ang mga bagay bagay. Netong nakaraan lang kamuntikan nang mamatay ang bunso sa pamilya ngayon naman nasa alanganin ang isa pa nilang anak kasama pa ang apo nila kaya hindi malaman ng magasawa ang gagawin nila. Tahimik lang si Paris na umiiyak habang nakayakap sa asawa at ang mga anak naman ay nakayakap rin sa kanila.

When it rains, it pours (Completed)Where stories live. Discover now