kabanata 14

29K 546 8
                                    

Kabanata 14

 

Spring’s POV

 

                Ang gaang gaang ng ulo ko ng magising ako madilim na rin sa labas pagtingin ko. Nung una naguluhan pa ako kung bat nandito ako sa kwarto ko sa bahay namin ng maalala kong pumunta nga pala kami ni Gray kanina rito. Nahimatay pala ako kanina sa pagod siguro kaya ganun.

                “Ma’am, kaya nyo po ba?” Tinanguhan ko ang nurse na umaalalay sa akin patayo.

                “Kaya ko na. Thanks.” Tumayo na ako at saka naglakad palabas.

                Ang ingay sa bahay namin may mga sigawan ng mga bata at tawanan nila Daddy. Ang sarap sa pakiramdam na marinig sila tumatawa at masaya. Ayaw ko munang isipin ang sakit ko kahit na ngayong gabi lang gusto kong magsaya kasama nila.

                “Gising ka na pala come on spring join us.”  Slate. They are smiling from ear to ear kumpleto ang pamilya ko at masayang nagk-kwentuhan sa living room pati na rin si Gray kasama nilang nakikisaya. Naupo ako sa gitna ni Mommy at Daddy.

                “Nagdinner na kami honey pero si Gray may pinadala na pagkain mo wait lang ipapahanda ko.” I look at my mom iba na ang mata nya kumpara kahapon ng makita ko sya ngayon yung mata nya masayang masaya na same rin ng kay Daddy.

                “Ako na lang My.” Ayaw pa sana ni Mommy kaso pinilit ko syang maupo na kaya ko naman eh.

                “Samahan ko lang po Tita, Tito si Spring, matigas po kasi ang ulo nyan hindi kumakain ng gulay kung hindi babantayan.” Pinaningkitan ko ng mata si Gray ang loko ngumisi lang.

                Napuno ng kantyawan ang bahay namin maski mga kapatid at sila Mommy nakisali na rin pati mga bata kaya naman pakiramdam ko kasing pula ko na ang strawberry. Hindi na ako sumagot pa at derechong naglakad papunta sa kitchen habang si Gray naman nakasunod sa akin.

                Nang makarating kami sa Kitchen hinarap ko sya at pinagkukurot ng pinong pino sa tagiliran na mukhang hindi nya naman ininda dahil tawa lang sya ng tawa habang todo iwas.

                “Loko ka talaga! Kung ano ano ang pinagsasabi mo. Kumain ka na ba?” tinalikuran ko na sya at hinarapa ang ref namin. Namiss ko ang maghalungkat sa ref namin kasi puno ‘to palagi ng dessert yun kasi ang trip ni mommy na gawin palagi.

                “Hey baby, hindi ka pwede nyan alam mo namang bawal diba?” Nakasimangot na humarap ako kay Gray. Sya naman nakangiti pa rin adik lang eh.

                “Ang creepy mo Gray daig mo pa ang nanalo sa lotto. Konti lang naman ang kukunin ko namiss ko lang ‘tong gawa ni Mommy at saka tigil tigilan mo kakangiti baka hiwain ko mukha mo katulad ng kay joker para palagi ka nang nakangiti.”

                Imbes na tumahimik mas lalo pa syang tumawag ng malakas at saka pinanggigilan ang pisngi ko kaya naman pinagpapalo ko sya sa braso.

When it rains, it pours (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon