74

21.5K 614 350
                                    

(A/N: It's been a while, thank you so much for waiting. I am very sorry kung ngayon lang yung update, I am trying to write kahit paunti unti lang. I hope you'll be patient in waiting. I'll try my best to update more soon. Thank you once again and I love you all! Stay safe!)

"Tumigil ka Tris, you know I've stopped partying." kinuha ko ang ilang gamit at nagtungo na sa pintuan. Si Tris naman ay aligagang sumunod sa akin habang nakikiusap.

"She's already tamed, Tris. Tayo na lang ang mag party." tawa ni Kelly at sumunod sa amin habang inaakbayan ang kaibigan.

"Ikaw na lang ang single sa atin oh, ilang taon pa ba?" I frozed for a minute because of what she just said.

"Sorry." yuko ni Tris.

"It's fine, una na ako. I have work." dali dali akong lumabas sa maliit kong apartment. Hindi ito kalakihan kumpara sa tinirahan ko noon, pero ako lang namang mag-isa kaya pwede na.

My car keys clicked, napahinto ako saglit ng makapasok sa kotse. I sighed.

Tris and Kelly are both in a healthy relationship now. Ako na lang ang mag isa.

It's been two years.

And almost four years have passed since Kai left for his treatment.

I am still waiting.

Waiting for no one.

"Kailan ka ba babalik Kai? Kinalimutan mo na ba ako?" nagsimula na namang tumulo ang traydor kong luha.

He stopped sending notes and flowers a few months ago. He's been consistent for three years and now it stopped suddenly.

Hindi ko alam kung anong nangyari. I never received a phone call from him. I tried to contact his family pero lahat sila ay nasa ibang bansa.

Si Elios na lang ang huli kong pag asa pero hindi naman niya sinasagot ang mga tanong ko. Nag away pa nga sila ni Tris dahil dito, this led them to almost breaking up. Simula noon ay tumigil na ako sa pagtatanong, ayoko namang makasira ng relasyon.

Umalis na rin ako sa condo ni Kai. I felt stupid, bakit ganito? Sa tinagal ng panahon, bakit ngayon siya huminto? Bakit wala man lang pasabi?

Masaya na ba siya ngayon? May bago na ba?

Wala na ako? Kinalimutan na?

I sighed heavily. Kinuha ko ang cellphone ang tinawagan si Tris. I know they're still inside my apartment.

"Yes babes? May nakalimutan ka ba?" tanong niya, narinig ko pa sa background ang pagtunog ng mga bagay bagay.

"What are you doing?" kunot noo kong tanong pabalik.

"We're baking. Uwi ka ng maaga para matikman mo, baka maubos na ito ng matakaw na si Kelly." tawa niya.

"Hoy!" sigaw naman ni Kelly.

"Is that for your boyfriends? At bakit sa bahay ko pa kayo gumagawa? Para ipamukha sa aking single ako?"

"Yes, babes. Ikaw na lang ang single sa atin. College Roshan would be terrified to know na napag iiwanan na siya ngayon." she teased.

"Let's party later. You're right, I've been single for years, and now without any assurance." tumulo muli ang aking luha habang inalala si Kai.

Where are you now baby?

Sabi mo babalikan mo ako? What happened?

"Yes!" narinig ko ang sigawan nilang dalawa. "Tama Roshan, don't be stuck in the past. Kung hindi ka niya babalikan, edi go. Maraming fishes in the sea, right?"

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Where stories live. Discover now