67

21K 510 189
                                    

"Roshan, tayo na." yaya ni Tris na hindi ko pinansin. Nakatitig lang ako sa hukay na pinag libingan sa anak.

Hawak hawak ko ang paborito niyang kulay rosas na damit. It still smells like her.

"Roshan...." hindi ako kumibo. Dahan dahan akong naglakad paalis sa lugar, dahan dahan kong iniwan dito ang aking anak.

"Hatid ka namin, please." habol nila sa akin.

Tumingin ako sa kanila, my eyes would probably look dead by now. Walang emosyon at walang buhay. "Ako na. Kaya ko." ani ko at mabagal na naglakad paalis sa sementeryo. Hindi na ako lumngingon pa sa kanila.

"Sa Angelous Hospital po." saad ko sa driver.

Nandito na naman ako, nakatanaw sa mataas na gusaling ito, kung saan kinuha ang pinakamamahal ko.

"Good afternoon, Ma'am." bati ng gwardya.

Hindi ko siya pinansin at dirediretsong naglakad sa silid kung nasaan si Kai ngayon.

Unti unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pagod na pagod na ako umiyak. Kelan ba titigil ang paghihirap na ito?

"Gumising ka na oh. Hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawala sa akin." hinaplos ko ang mukha niya.

"Naihatid ko na si Neytiri." my voice broke."Wala na si Iri mo. Wala na ang baby natin."

"Hindi mo man lang siya nakita." I kissed his lips. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Hanggang ngayon ay pikit pa rin ang kanyang mata. "Huwag mo naman akong iwan Kai."

"I want to see your blue eyes. I want to see your smiles again. Please, Kai?"

Kinuha ko ang kanyang kamay at paulit ulit itong hinalikan. "Hindi ko alam kung paano magsisimula. Kaya please, gumising ka na."

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong aksidente nila, simula noong kunin ng kalawakan sa akin si Neytiri.

Palagi na lang ganito ang ginagawa ko kada araw. Palagi lamang akong nakabantay kay Kai at naghihintay na magising siya.

Naghintay ako bago ipalibing si Neytiri, dahil gusto kong makita siya ni Kai, kahit sa huling pagkakataon, kaso wala, hindi pa rin siya gumigising.

Mag isa ako, mag isa kong hinatid sa huling hantungan ang anak ko.

At ngayon, mag isa pa rin ako. "Sabi mo, magpapakasal pa tayo, nag promise ka. Binigay mo pa ito sakin." sabay hawak sa singsing.

Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung pati siya ay mawawala sa akin.

I cupped his face again and kissed his hand. "I love you so much, Kai. Ikaw naman ang hihintayin ko ngayon. Kahit gaano katagal, maghihintay ako."

Humiga ako sa couch katabi ng kama niya. Ipinikit ko ang aking mata.

I need to be strong. Kai needs me, hindi ako pwedeng mabasag ngayon. Hindi ako pwedeng sumuko.

Pero tangina, quotang quota na ako sa sakit. Kada pipikit ng mata ay lagi kong nakikita ang mukha ng anak. Kada pihit ng katawan ay naririnig ko ang masasaya niyang tawa. Kahit saan ako lumingon ay hinahanap ko siya.

Hindi na rin ako maka uwi sa bahay. Hindi ko kaya.

That place is full of memories of Neytiri. Every inch of that house symbolizes our happy and simple life as a family.

Bakit kung kelan nagiging maayos ang lahat, tsaka magkakaganito?

"Sabi niyo wala masyadong damages? Bakit ang tagal niyang magising?" sigaw ko sa doctor.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Where stories live. Discover now