61

31.8K 680 873
                                    

"You should go there live." suhestyon ni Tris.

"You think so?"

"Yeah. That's 50k and a lot of money. Mas maganda kung pupunta ka talaga sa Albay para mas makita mo yung scenery."

"Hmm. How about Neytiri? If I'll go to Albay, hindi ko naman siya pwedeng isama kasi for sure busy ako nun."

"Si Kai?"

"He's going back to Spain for a business meeting. Baka matagalan din siya doon." malungkot kong saad.

"Then me! I volunteer as a tribute! Ako mag aalaga kay Neytiri." nagtaas pa ng kamay ang loka.

"How about your review?"

"I'll think of that as a break. Kering keri ni Ninang Tris na alagaan ang beautiful niyang inaanak. Nasan nga ba siya?" luminga linga siya sa paligid para hanapin si Neytiri.

"With Kai. Sinusulit ang bonding nila."

"Oh, okay. Pero deal na ah? Ako mag aalaga kay Neytiri while you're in Bicol?" she excitedly remarked.

"Sige na nga. Malaki naman ang bayad, might as well go there for live view."

"Yes!" sigaw niya.

Ilang minuto rin at pinatay na namin ang tawag. So, this is it. I'm going to Bicol to paint Mayon, live.

"Ingat ka Kai!" saad ko habang kumakaway sa airport.

"I'll miss you. And I'll miss my princess too." he was carrying Neytiri as he kissed her. "Dada will be back, okay? Papakabait ka kay mommy. I love you so much." nanliligid ang luha sa kanyang mata.

"Ako na ang bahala sa kanya. Don't worry." I assured him.

"I'm gonna miss you so bad." lumapit siya sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Da-da." Neytiri was crying while Kai was walking away. "Da-da ko."

"Hush, baby. He'll be back soon." inalo-alo ko siya habang pauwi kami sa bahay.

Ilang oras na kaming nakauwi pero patuloy pa rin siya sa pag iyak. Buti na lang at nakatulog kaya't kahit papaano ay tumigil din. Mahaba ang biyahe niya kaya't baka bukas pa namin siya ma contact ni Neytiri. Sana lang ay hindi muna niya hanapin ang kanyang dada.

"Neytiri here." ani ko habang nililibang ang anak. Nag text sa akin si Kai na nakalapag na ang kanilang eroplano. He said he'll call later.

And after a few hours, he called.

"Baby, it's dada oh." saad ko at pinalapit ang anak sa camera.

"Da-da." maligayang sambit niya. Halos kunin na ang cellphone para makausap si Kai. Tumawa na lang ako.

At syempre pagkatapos ng tawag ay umiyak na naman siya. Kung ano anong ritwal na ang ginawa ko para patahanin siya. In the end, si Kai lang pala ang makakapag patahan.

And the cycle repeats habang wala si Kai. Neytiri for sure misses her dad so much. And I miss him too.

"Girl!" sigaw ni Tris sa kabilang linya. "I have chika!"

"Makasigaw ka naman. Aray ha." tawa ko. "Ano yan?"

"Kelly's going to Bicol too. Sabay na kayo. This is your time to bond."

"Talaga?" nanlaki ang aking mata. "Papayag kaya siya na sabay kami?"

"Oo naman. Nakausap ko na. Pupunta rin siya diyan sa inyo dahil mas malapit ka sa bus terminal." maligaya niyang sambit. "That's a 12 hour drive. You can chit chat for sure. Pasyal na rin kayo pagkatapos ng mga agendiya niyo diyan."

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Where stories live. Discover now