18

44.4K 965 504
                                    


Nagising ako dahil sa lakas na pagkakakatok sa pintuan.

"Roshan!" sigaw ng nasa labas.

"Isa pang tawag ko, malilintikan ka sa akin." dagdag niya.

I slowly got up and looked at myself in the mirror. Maga ang aking mata at halata ang labis kong pag-iyak kagabi.

"Isa pa, Roshan! Sisirain ko ang pintuan mo." my mom beamed with anger.

"Susunod na." iyamot kong sigaw.

I washed my face and put some foundation to hide its soreness.

Agad akong nagtungo sa baba upang puntahan ang nanay kong kanina pa naghihintay.

"There she is! What a beautiful lady. Bagay na bagay nga kay Mr. Cueves." pambungad ng isang babae.

"She's our stylist for tomorrow's event. Say hi, Roshan." nakangiting sambit ng aking ina.

She acted like we were okay. She acted as if nothing happened yesterday.

"Good morning po." bati ko.

"Halika maupo ka iha. I will check you out para alam ko ang style mo tommorow." sambit niya.

Umupo naman ako sa kanyang tabi at hinayaan siya sa kung ano mang ginagawa niya.

"Make sure that my daughter will stand out tomorrow. Siya ang fiance, hindi pwedeng hindi kapansin pansin."

"Sure Madame. Sa ganda ba naman ng anak niyo, kahit simple lang ay ayos na."

"I don't want simple, I want it grand." saad ni mommy na nagpairap sa aking mata.

"Don't worry Madame. I'll make sure everything is perfect."

After almost 20 minutes ay natapos na ang kanyang ginagawa. Nagtungo na ako sa kusina para kumain ng breakfast.

Hindi ko napansin na kasunod ko pala ang aking ina.

"Let's talk later, Roshan. Hindi ko nagustuhan ang pag-akto mo kahapon." saad niya.

"You never like anything that I do, sanay na po ako." pabulong kong ani.

Naramdaman ko ang pag-hila niya sa aking buhok.

"Try to disrespect us like that ever again, makikita mo ang hinahanap mo. Don't try me Roshan, wala ka pang ibubuga sa buhay. Hindi mo pa kayang wala kami ng tatay mo." madiin niyang pagkakasabi.

She composed herself and went back to the stylist earlier.

"I'm excited for the event tomorrow, for sure they will all envy my daughter." saad niya habang tumatawa pa.

Two sided bitch.

Mabilisan kong tinapos ang pagkain ko para makaakyat na sa kwarto. I locked myself again.

Fuck all of you! Hinding hindi ako magpapatali.

Sorry Kai, pero hindi pa talaga ako handa sa kahit ano.

My parents will surely hate me for this, but I don't care. Bahala na.

I wrapped my gift for Kai with a letter in it. Sana maintindihan niya.

I am still young, marami pa akong gustong abutin sa buhay. If we're meant to be, then our hearts will make way para magkasama kaming muli.

Sa maghapon ay ilang beses akong tinawagan at tinext ni Kai. But, I didn't respond.

Isang beses lang siguro para sabihing busy ako, then hindi na ako nag reply.

Hindi ko alam kung bakit iritado rin ako sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama. Siguro dahil isa rin siya sa dahilan kung bakit ako pinipilit ng magulang ko. And I hate that.

Taming Wild Roses [Chasing Liberty Series #1]Where stories live. Discover now