Chapter 23: Don't Touch Me

Start from the beginning
                                    

"Ano po ba'ng maitutulong ko?" Lumapit na ako sa kanila.

Tumabi sa'kin si Train. "Raven! Tulungan mo 'kong hiwain 'tong veggies!"

Lumayo ako sa kaniya. Palagi rin akong umiiwas sa tuwing magtatama ang mga kamay namin.

"Kumusta na sugat mo?" Ang lapit ng mukha ni Train kaya nagulat ako.

"Okay na. Salamat," I answered in a serious tone.

"Parang ang sungit mo yata ngayon?"

"W-Wala 'to." I looked away.

A sudden scream from my father broke our awkward silence. "Ubos na pala 'yong mantika! Raven, bumili ka nga sa grocery."

"Ako na lang!" Train volunteered.

"Mabuti pa, samahan mo na lang si Raven," utos ng tatay ko.

"Dad! Kaya ko na pong mag-isa!" reklamo ko.

"Sige na, bilisan niyong dalawa."

***

I was sighing all the way to the grocery. Parehas kaming naglalakad ngayon ni Train sa kalsada. Habang nasa daan, napansin kong tila kulay kahel ang paligid dahil sa papalubog na araw.

"Raven, malapit na pala ang sunset. Gusto mo bang panoorin natin?" yaya ni Train nang nakangiti.

"Uh, kahit wag na," iwas kong sagot.

"Raven, may problema ba?" He stopped walking.

Saktong-sakto, katapat namin ngayon ang araw na dahan-dahang lumulubog kasama ng mabigat naming damdamin.

"Raven, pansin ko lang na parang umiiwas ka yata sa'kin."

"H-Hindi ah." Nakatingin ako sa gilid.

Lumapit siya sa'kin at sinubukang hawakan ang pisngi ko. "'Wag mo 'kong hawakan!" I yelled.

"R-Raven?"

I pinned my eyes on the floor in front of me. Ayaw kong tumingala dahil baka maiyak na lang ako kapag nakita ang nag-aalalang mukha ni Train.

"I'll listen. Tell me," he whispered softly. "Bakit ka umiiyak?"

Kasabay ng pagbagsak ng araw ay ang pagbagsak ng aking mga luha. "Train, hindi ko na kasi kaya, eh." Huminga ako nang malalim at napakagat ng labi. "I... I..."

Tumingin ako sa kaniya na may namumugtong na mga mata. "I think I like you, Train."

***

I immediately covered my mouth. What the hell did I just say?

"Ah, eh, ano..." I stuttered. "Grabe, ano ba'ng pumasok sa isip ko? Bakit ko biglang nasabi 'yon? Hahaha!"

Napayuko si Train at lumungkot ang mga mata niya. "I-I don't think you should."

I felt my heart crash. "Ha?"

He looked at me straight in my eyes. "I don't think you should."

"W-Why not?" kunot-noo kong tanong. I walked towards him and grabbed his shirt with both hands. "Answer me!"

Hindi siya makatingin sa mga mata ko. "I'm afraid I'll just hurt you, Raven."

"What? So all those flirting, all those shit, they meant nothing to you?" marahas na singhal ko. I started to cry harder.

"I told you before, those only served as my sustenance... In order to survive, monsters have to—"

"Tama na!" I cried. "Tama na, please." Pinakawalan ko siya at sinampal nang malakas. "You were just using my body, as a source of strength, that's it?"

Sa sobrang galit ay sinampal ko ang kabila niya pang pisngi. "So kahit sino ay basta mo na lang hahalikan para hindi ka magutom, gano'n? Our good morning hugs, our good night kisses, all those were just your meals for the day?"

"Sorry, Raven. Hindi ko alam na, na..."

"Na iba na pala ang dating sa'kin?" I scoffed. "Well, I'm not a monster like you!" I pushed him hard. "I never want to see you again!"

Tumakbo ako nang mabilis pabalik sa bahay.

***

I banged the door close and headed straight to my room.

"Raven? Bakit mag-isa ka lang bumalik? Nasa'n na si Train?" My dad was shocked to see me. "Nasa'n 'yong mantika?"

"Wala po akong kilalang Train!" I locked my door and cried my heart out.

'Monsters grow wings when they're in love.' Kung totoo ang sinabing iyon ni Drey at tinanggihan ako ni Train kanina, ano ang ibig sabihin no'n?

I continued crying until night. Hindi na rin ako kumain ng hapunan. I remember what I told him earlier. 'I never want to see you again!'

Nasaktan ako sa sarili kong mga salita. Totoo nga ba? Ayaw ko na nga ba talaga siyang makita?

My Sweet Little MonsterWhere stories live. Discover now