Kabanata 24

381 13 6
                                    

Kabanata 24

Usap

Nahirapan akong makipag-"bati" kay Yuan. Kung dala ba 'to ng "galit" ko sa kan'ya o dahil nahirapan akong magbaba ng pader, hindi ko na pinroblema pa.

I don't know if I should push for a friendship to work, but I know that I shouldn't force it. I'll just try to maintain my peace like how I usually do.

"Uuwi ka na, Tam? Wala ka nang sched sa STATION?" bungad sa 'kin ni Eli nang makasalubong ko siya sa pinto. Kapapasok pa lang niya dahil night shift ang schedule niya ngayon.

"Oo. Ang haba na ng buhok mo," was my comment. Dati ay hanggang balikat lang ang buhok niya, ngayon ay lagpas na.

She made a face. "Sabay tayo magpagupit? Humahaba na rin iyo."

I touched my hair and nodded. "Sige, i-schedule nalang natin."

Nang ibinanat niya ang braso para yumakap ay lumapit ako para gano'n din ang gawin. Magkasingtangkad naman kami ni Eli, five-foot-five, kaya walang ngalay katitingala o katutungo sa 'ming dalawa.

When we bid goodbye to each other, I went to a restaurant to meet with my sister, Rayleigh. Ililibre daw niya ako ng tanghalian na pang-meryenda na rin dahil ala una na ng hapon ako nakalabas. Katatapos lang daw ng meeting niya kaya sakto lang ang dating ko.

We caught up with each other and conversed for a while. Nakwento niya sa 'kin na marami daw siyang projects na associated sa mga big-time clients. Karamihan ay branding at advertisements. Medyo busy raw siya dahil siya ang project head.

Nang magtanong siya sa 'kin kung may bago ba tungkol sa trabaho ko, hindi ko mapigilang banggitin ang tungkol sa documentary offer.

I tried to study her face—was she disappointed or was she fine with it?

At the other part of my heart—somewhere that I forgot it existed—felt heavy and... disturbed. Hindi ko alam kung bakit, pero may bumagabag agad na tanong sa isipan ko.

Still their welfare over yours, Tana?

She flashed a small smile. "Ate, hindi mo na kailangan problemahin 'yung opinion ko tungkol do'n. It's your job and ikaw 'yung mag-ha-handle n'yan. Pero, promise. Okay na okay lang sa 'kin 'yun! Tanggap ko na ang nangyari kay Mama, okay? Please, 'wag ka na mag-alala."

I looked away when I saw my mother's eyes in my sister's. Sila ni Mama ang magkamukha habang kami naman ni Papa ang magkamukha.

Hindi ko alam kung magandang bagay ba 'yon dahil kung kamukha ko si Mama ngayon, baka makita nila ang mukha ni Isabelle Cano sa 'kin. Ang nakababahalang bagay—baka halungkatin nila kung sino at ano ang nangyari sa kan'ya.

"Sasabihin mo rin ba kay Papa?" pahabol niyang bago bumaba ng sasakyan. Inihatid ko siya sa pinagtatrabahuhan niya bago ako umuwi.

"Oo... uuwi ako ngayon."

"Okay, ate. Ingat!"

I drove straight to our family's house and parked outside. Hindi ko magawang buksan ang garahe dahil alam kong hindi gusto ni Papa na umuuwi ako rito. Masama pa rin ang loob niya sa trabahong kinuha ko.

At mas lalong sasama pa kapag nalaman niya ang bago kong proyekto.

"Pa, may in-offer po sa 'kin," pagsisimula ko ng usapan kahit na alam kong ayaw niyang makipag-usap sa 'kin.

I had been immune to my father's action a few years ago. Ang simpleng pang-ii-snob niya sa 'kin pati na rin ang pag-ismid ay natural na. Hindi na ako nasasaktan dahil matagal ko nang tinanggap na ito ang kahihinatnan ng lahat.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें