Kabanata 3

249 7 0
                                    

Kabanata 3

Suplado

Naguguluhan kong tiningnan si Yuan na nakaupo lang sa isang gilid.

As if there was no training today.

"Yuan," tawag ko sa kan'ya, sinusundot na para bang tinitingnan kung nahinga pa ba o hindi.

"'Yoko na mag-TV Broad," reklamo niya, bahagyang nakanguso. Sa sobrang babaw ng pagkangunguso, kailangan ko pang titigan nang maigi ang arko ng labi niya.

Umupo ako sa tabi niya, sa konkretong upuan, sa ilalim ng puno. Madalas niyang tambayan dahil tahimik at malilom. Iilan lang din ang napuntang mga estudyante sa lugar na 'to.

Yuan liked it here. He found this place last year. Naghahanap daw siya ng inspirasyon para maging maayos ang flow ng script niya. Panahon 'yon bago mag-RSPC. Medyo hectic na ang schedule. Hindi na kami pumapasok sa klase, ang oras ay okupado na ng mga training.

I couldn't blame if he wanted to relieve his stress from the pressured environment. Ibang-iba na kasi ang ambiance habang nagte-training dahil kasama na ang ibang mga estudyante mula sa ibang school. Mas humigpit din ang training ni Sir Karl, pa-minsan-minsan ay may iniimbitahang kilalang reporters para makatulong sa training.

Hindi dapat kasama si Yuan sa laban ng RSPC last year. First placer lang siya ng English scriptwriting, ang madalas na kinukuha ay ang champion. Ngunit nag-backout ang champion, tinanggap naman ni Yuan.

I don't know why he accepted it. I had known him as a man who preferred freedom than being constricted in a system. Pansin ko 'yon—gusto niya laging nasusunod ang kagustuhan niya. Mas gusto niya sa lugar na madaling nakagagalaw ang creativity niya.

Wala no'n ang TV Broad.

That's why I understood why he made that decision.

"Sa'n ka na?" I asked, my tone sounded a little disinterested, but it was my usual tone. I don't sound aloof or excited. Just flat and simple.

Alam na naman ni Yuan 'yon. Gano'n din naman siya, mas malamig nga lang ang kan'ya.

"Feature writing. Nag-backout na 'ko noong summer. Medyo nagalit pa si Sir Karl, ba't 'di ko raw agad sinabi."

I let out a nod and stared at the falling leaves.

Nilingon ko ulit siya. I was about to speak, but there were certain things and certain realizations that need not be spewed. This realization wasn't one of it.

"And poetry..."

Tinagpo niya ang tingin ko. Napakurap ako.

"Poetry?"

He rolled his eyes at me and brushed a bit of his hair. Lalo siyang sumuplado dahil sa ginawa niya.

"Yep."

"Nasa dyaryo na?"

"Printed na ba?"

"Na-print na ba?"

"Last month... yata."

"Kailan ba 'ko sumali?" suplado niyang tanong, tinataasan ako ng kilay.

I held his stare. "Ewan."

"Tsk." He rolled his eyes and looked away. "Palibhasa, puro training."

Hindi ko narinig ang sinabi niya sa dulo ngunit sigurado ako sa himig ng pagtatampo.

"Hindi pa printed," suplado niyang sagot.

"Kailan ma-pi-print?"

"Printer ba 'ko?"

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Where stories live. Discover now