Kabanata 1

616 8 3
                                    

Kabanata 1

Archery

"You're lying."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Hindi."

"You are," giit ko, nakahalukipkip habang nakamasid sa pagkahawak niya sa bow and arrow. Pansin ang pamumula ng dulo ng daliri niya dala ng maputing balat. May ilang pulang linya rin sa braso, senyales ng pagkakamot.

Yuan let out a groan before he glimpsed at me. Pagkatapos ay pinakawalan ang pana, pinanood ang paghiwa sa hangin, bago itinigil ang destinasyon sa malaking bilog.

"Ang layo sa bullseye."

He rose his brow at me. "So?"

Kumurap ako at nagpunta sa katabing cubicle. Matibay na plastic sheet ang nagsisilbing harang sa bawat dipa.

Ipinwesto ko ang katawan sa tamang posturang pang-archery—maayos na tindig, ang kaliwang braso ay nakabanat at nakahawak sa pana, ang kanang kamay ay hawak ang palaso na kapantay ng collar bone, at ang paa ang kasing layo ng distansya ng balikat.

Kapag kumpiyansa na sa postura, pakawalan ang palaso.

Bullseye.

Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak at nilingon si Yuan. Nahuli ko siyang naniningkit ang tingin sa target board bago ibinalik ang tingin sa 'kin, tinataasan ulit ako ng kilay.

"O, tapos?"

I glanced at his fingers. May napansin akong bakas ng dugo dahil sa maling pagkahahawak sa palaso.

"You'll destroy my tito's equipment."

Sinulyapan niya ang hawak bago nagkibitbalikat. "'Di na lang ako babalik."

Nilingon niya ang target board, may kaonting ngiwi sa bibig. Bumaling ulit siya sa 'kin, panandaliang nagtagal ang tingin, bago pumihit patalikod.

Sinundan ko siya, nag-aalala sa paghawak niya sa mga equipment ni tito. Mahal ang replacement no'n at kabibili lang ni tito ng bago para rito sa archery zone niya!

"Hey!" I called, yet he continued walking. "Yuan!"

He stopped walking and spun his body towards me. Hindi niya nagustuhan ang pagtawag ko sa kan'ya dahil maraming tao.

Tinawid ko ang distansiya naming dalawa. Ang matalim niyang mata ay nakamasid sa 'kin, hinihintay ang sunod kong galaw.

His name tag said Yuan, but I didn't need to look at it anymore. Sa ilang beses na pagpunta niya rito, sa paulit-ulit na pagtanggi sa tulong ko, kabisado ko na ang pangalan niya.

"Bakit ba ayaw mo magpaturo?"

"'Di ka qualified."

I blinked. "Sino ka para sabihan akong 'di qualified?"

"Si Yuan."

Napabuntonghininga ako. "Alam ko."

"O tapos?"

Blanko ko siyang tiningnan, tinatago ang inis sa likod ng pananahimik. Alam kong sa pagka-sadista niya, gustong-gusto niyang makita na nagpupuyos sa inis ang kausap niya.

Hindi ako ang taong 'yon.

Walang imik ko siyang tinalikuran at naghanap ng mga batang tuturuan.

Bahala siya sa buhay niya! Kung ayaw niyang magpaturo, hindi ko siya kukulitin. Hinding-hindi na kasi naiirita na ako.

Ngunit, kinabukasan, nagsinungaling lang ako sa sarili ko. Hindi na dapat ako lalapit sa kan'ya lalo na't napansin ni tito ang ginagawa ko kay Yuan. Sinabi ko lang naman na gusto ko lang naman siyang turuan kasi naiinis ako sa postura niya.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Where stories live. Discover now