Kabanata 16

183 11 1
                                    

Kabanata 16

Favor

I would be lying if I said that I was able to sleep soundly. Ni hindi nga ako makatulog habang iniisip kung ano o sino na naman ang ipa-i-interview sa 'kin. Kung Dethrone, ayos lang, pwede kong ituloy kasi palagay naman ang loob ko sa kanila.

Kung STATION ulit...

I rolled my eyes. Why was I even thinking of that band? Imposible namang iinterviewhin ko na naman sila.

"O, ano na naman bang problema mo? Ke aga-aga e," komento ni Mike nang mapansin ang pag-irap ko.

"Wala," pabalang kong sagot bago inilagay ang huling gamit sa loob ng van.

I got inside the van and took the seat near the window. Mabuti nalang at may kasama kaming ibang staffs na nakisasabay pabalik sa broadcasting station. Kung wala ay maaasar lang ako sa pangungulit ni Mike.

A few hours into the trip, we stopped over at a gas station to eat. Pagkatapos kumain ay umalis na kaagad dahil hinahabol ang oras. Ilang oras pa ay nakarating na kami sa staion.

I helped unpack some of the equipment and grabbed my luggage after we were finished. Maleta na ang dinala ko para madaling bitbitin. Hindi naman ako mahihirapang dalhin sa tabi ng cubicle ko dahil may elevator naman.

Along the way to my space, some employees entered the lift and discussed certain things.

I don't like hearing it.

"...ay, si Ms. Collins."

"Ay, talaga? Tataas ulit viewer ratings natin."

"Kaso, may problem. Ayaw magpa-interview. Iba ang gusto niyang mag-interview sa kan'ya."

"Ang pihikan naman no'n. Ano siya, gold?"

"Oo, sikat na sikat naman 'yon, eh."

"Huh? Ano ngayon kung sikat na sikat siya? Sino ba siya?"

"'Yung vocalist ng STATION."

"Sus. Si Seb? E sabi ng pamangkin ko, mabait naman daw 'yon. Dinadaluhan 'yung mga nag-i-interview sa kan'ya kapag okay."

"Hindi! 'Yung isa."

"Yuan?"

"Uy, suplado 'yon!"

Luckily, I reached my floor. Tahimik akong umalis, hila-hila ang maleta papunta sa office.

I couldn't help but to snicker. Naaalala ko kung gaano ako kairitable kay Yuan noon. Bwisit na bwisit ako dahil bukod sa pagkasuplado, maldita pa.

I'm glad that I'm not the only one who shares the same sentiments.

"Tamara, hi! Musta ang Pangasinan?" bati ni Jason, isang editor.

Ngumiti ako nang maliit habang naglalakad papunta sa pwesto. "It's fine."

Tumango siya, nasanay na sa sagot ko. Tumigil na ako sa pwesto at inilapag ang sukbit-sukbit na bag. Kinuha ko ang cellphone, notebook, at ballpen. Isinuot ko ang jacket bago ayusin ang buhok. Pagkatapos ay umalis para magpunta sa office ni Ma'am Jangco.

"Tamara!" tawag ng isang newswriter.

I stopped and perked my brows to show my attentiveness. Si Bern pala ang tumawag "Yes?"

"Balita ko may new project ka, ah?"

Hinampas siya ni Jason. "Oy, gago. 'Di pa sure 'yon."

"New project?" taka kong tanong.

"Papunta ka kay Ma'am, Jangco, 'di ba? Punta ka na ro'n, Tam. 'Wag mo na pansin 'tong gunggong na 'to."

I nodded and left. Narinig ko pa ang sinabi ni Jason kay Bern.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Where stories live. Discover now