Kabanata 21

203 13 0
                                    

Kabanata 21

Goal

A few hours after my first live shot with STATION, I got bombarded with notifications. I didn't like it. Pinala-lag no'n ang cellphone ko. Kaya pala mainit siya nang hawakan ko pagkatapos ng trabaho ko.

I stared at my phone as the notifications kept popping up. Kunot na kunot na ang noo ko, hirap na hirap pumunta sa mga social media accounts.

Ang pinakamarami na notifications ay sa Twitter na siyang "pinakamadalas" kong ina-update. Wala namang gaanong laman 'yon kun'di mga tweets tungkol sa mga kino-cover kong mga balita.

Sunod ay ang sa Instagram, hindi ko rin ina-update dahil bukod sa poproblemahin ko ang itsura ng feed ko, hindi naman ako mahilig mag-picture.

Ang Facebook naman, masyadong pribado. Hindi ma-aadd ng kung sino-sino kung wala kaming mutual friends. Hindi ko rin ginagalaw ang account dahil Messenger lang ang kailangan ko ro'n.

I do have Viber and WhatsApp accounts. It's needed for quick and easier conversations aside from the formality of e-mail exchanges.

Eli's name popped up in my Messenger notification. Nang binuksan ko, sinabi niya sa 'kin na marami raw ang nagtatag sa Twitter account ko dahil sa naging guesting ng STATION. Nag-send pa sa 'kin ng screenshot ng Trending List at nakasama ro'n ang pangalan ko—Tamara.

Eli:
Pak! Sikat ka na sis

It took me a while to respond.

Ako:
Anong laman nung sa pangalan ko?

She sent me a screenshot of the contents. Tweets tungkol sa STATION at nakasasama ang pangalan ko kaya nagte-trending. Bukod do'n, may nakita pa siyang tweets na "appreciation post" daw para sa 'kin. Kung gaano raw ako kaganda, ang galing ko sa pagbabalita, at ang isa pa.

Bahagyang bumigat ang dibdib ko.

They ran a "background check"...

Nakita nila ang achievements ko sa TV Broad. Puring-puri kung paano ko nakuha pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba.

They don't know what lengths I did just to achieve those... especially my last TV Broad award.

Pero mukhang hindi naman nila nahalungkat ang tungkol kay Mama. 'Wag nalang sana nilang makita.

Eli:
Pero uy
Classmates ba talaga kayo ni yuan????

I blinked. Tama ba ang basa ko ro'n?

Ako:
Ha?

She sent me some tweets that linked my connection with Yuan. Na classmate ko raw siya noon—na siyang totoo, pero hindi ko ipinagkakalat. Mas gusto ko kasi ang pribadong buhay.

Naisama rin ang panandaliang pagiging parte ni Yuan ng TV Broad, na ngayon lang nila nalaman. Ang pinaka-alam kasi nila ay naging parte siya ng school paper na binanggit niya nang ininterview namin. Iyon daw ang rason kung bakit maganda ang pagkasusulat niya ng tula.

Yuan's also one of the lyricists. Pero si Sebastian ang madalas na magsulat dahil mas "madali" ang mga salita niya. Kaonting revisions lang ang ginagawa ni Yuan.

Eli:
Daliii secret lang natin di ko pagsasabi
Classmates ba talaga kayo?

I was debating whether I should answer or not.

Ako:
Hindi ko tanda kung naging classmate ko siya

Which is a lie.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum