Kabanata 17

189 12 3
                                    

Kabanata 17

Papansin

When I got home, I half-heartedly packed the things that I would bring. I also prepared a simple and comfortable outfit to wear tomorrow. A teal button-down polo tucked in black high-waist skinny jeans. I paired it with a pair of black sneakers, my go-to shoes.

After I finished, I reviewed the interview questions. Medyo nanibago ako dahil sit-down interview ito, ibang-iba mula sa nakasanayan ko. Kakaiba rin ang layout ng tanong—medyo personal, hindi katulad ng mga tanong tungkol sa responsibilidad sa publiko at mga bagay na kaugnay no'n.

I woke up around two a.m. and left an hour later. Dumaan ako sa isang drive-thru coffee shop bago dumiretso sa parking ng S&T Records. Nang makapag-park ay nagpunta ako sa lobby dahil doon ang assembly area. Nando'n na rin ang cameraman na ipinadala ni Ma'am Ana.

"John nga pala, Miss Tamara," saad niya at nakipagkamay sa 'kin. Gano'n din ang ginawa ko pagkatapos ipakilala ang sarili. I was familiar with him. We had a few encounters in the broadcasting station because of some follow-ups and inquiries.

Naghintay ako ng go signal mula sa staff na naka-assign sa mga van. Nandito na raw ang van ng makeup artist pati na rin ang kukuha ng litrato. Hinihintay nalang daw na bumaba sina Yuan at Ma'am Greta dahil may inasikaso raw sa taas.

The lobby's aircons weren't turned on that's why it's a little humid, but it's bearable. Malamig-lamig pa naman ang hangin dahil madaling araw pa lang.

"Sa van na raw po tayo," saad ng staff. Sumunod na ako sa kan'ya.

Along the way, Kuya John told me that the equipment was in the van already. Nagkarga na raw siya kanina. Binirief din ako ng ilang bagay tungkol sa interview (na siyang napag-usapan na rin namin noong isang araw).

I hugged myself when a wave of cold wind came. The area was a little bright because of the streetlights, headlights, and parking lights. Medyo maliwanag din ang building dahil sa ilaw mula sa bintana pati na rin ang malaking logo ng S&T Records sa taas.

"Ma'am, ang gamit niyo po?" Nakalahad na ang kamay ng isang staff sa 'kin, ikakarga yata ang gamit sa loob ng isang van.

I told her that I only had a shoulder bag. Isang araw lang naman kami sa Cavite kaya hindi ko kailangang mag-impake ng kung ano-ano.

Papasok na sana ako sa van kasama ang mga staff ng station pero inilingan ako ng kausap ko. Sa van daw ako kung saan nakasakay si Yuan at ang manager nila.

"I think this is a misunderstanding," giit ko, naguguluhan.

Was Yuan serious about what he said yesterday?

"Ma'am, iyon po ang request ni Sir Yuan."

"Asan po sila?"

"Miss Tamara," tawag ni Ma'am Greta na kararating lang. Kasunod niya si Yuan na nakasumbrerong itim na katerno ng itim na itim niyang outfit. Umiinom na naman siya ng iced coffee.

"Good morning po, Ma'am. Sa van daw po ako ni..."

"Yuan? Yes."

Mabuti nalang at itinuloy ni Ma'am Greta ang sasabihin ko. Hindi ko mabanggit-banggit ang pangalan ni Yuan.

"Bakit po?" I asked as I refrained not to look at Yuan. Ang bigat na naman ng tingin sa 'kin, akala mo ay may atraso ako. I didn't do anything bad to him, as far as I could remember.

She sighed, stressed. "Hindi ko na maintindihan ang alaga ko kaya, please, do me a favor." She gave me an apologetic smile afterward.

Yuan passed by to get into the van. With a brief pass, I knew how high I could reach him—I was around his shoulders, a little higher than his chest. The perfume he used wafted through my nostrils—vanilla.

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin