Kabanata 20

199 11 1
                                    

Kabanata 20

Guest

After I deliberately chose my decision, I sent them my reply the next day. Nag-aalanganin pa ako bago i-send ang e-mail pero ipinikit ko nalang ang mata pagkapindot.

The next thing I knew, they were guests during my live report.

Hindi ko nga lang sigurado kung ilang beses silang mag-aappear sa loob ng isang linggo—ang durasyon ng "free trial" na siyang bukambibig ni Cloud. Tuwang-tuwa pa dahil bukod sa mag-zi-zipline, siya rin ang co-host ngayong araw.

I frowned as I saw the equipment to be worn. Hindi ko pa nasusubukang mag-zipline kahit noong nagfi-fieldtrip. Hindi rin naman ako madalas gumala dahil hindi naman ako interesadong lumabas-labas ng bahay.

Now, like how I had my "firsts" during my job, this would also be my first time ziplining.

"Act normal lang ako, 'no?" tanong ni Cloud habang tinutulungang suotin ang harness. Hawak-hawak na niya ang mikropono ng MLM News.

"Just try to be engaging," was my reply. "Okay lang din 'yung adlibs sa banter."

He nodded and fixed his hair. Ang iba niyang kabanda ay nasa baba, nagsusuot ng harness.

A few minutes before we went live, Cloud and I practiced the introduction. Nakatayo kami malapit sa ziplining platform. Ang background ay ang langit, bundok, at mga puno sa baba. Ilang metro ang layo ay isa pang platform na nagsisilbing dulo ng zipline.

"Mic test. Mic test. Whoo!" saad ni Cloud sa mikropono. Bumaling siya sa mga kabanda niyang paakyat pa lang. "Oy! Bagal niyo!"

"Saglit! May sumabit."

"Unggoy ka ba para sumabit?" Tumawa siya pagkatapos.

Bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa kakulitan niya. I had heard news that he's the noisest member in their band. Mahilig din daw magpatawa kahit na hindi naman daw nakatatawa. Corny nga raw ang mga jokes, iyon ang sabi ng ilan.

Napatunayan iyon ngayon kahit na hindi pa nagsisimula ang pag-ere.

"Uy, Tamara. 'Di ka pa talaga nag-zi-zipline?"

Bahagya akong napatingala kay Cloud, medyo natatangkaran. He was almost the same height as Yuan with my head reaching the shoulders. Hindi lang siguro ako masanay-sanay dahil bibihira lang akong may makasama na matangkad na tao.

"No. Hindi pa. First time."

He faked a sad look. Napansin ko dahil exaggerated masyado.

"Pero nag-ra-rap ka?"

"No," mabilis kong sagot, napakunot ang noo. May pinupunto ba siya?

"Pero siguro nagbi-beatbox ka." At nag-beatbox siya.

Napakurap ako, gulong-gulo sa ginawa niya. I almost asked for help if his bandmates didn't approach him.

Binatukan agad siya ni Zake na tawang-tawa sa kalokohan ni Cloud. "'Na neto. 'Nagawa mu?"

"Nagbi-beatbox," saad niya, pinutol saglit ang pagbi-beatbox. "Inggit ka?"

Zake frowned and turned to look at me. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mata na tila nang-aakit—naiintindihan ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kan'ya. Nakadadagdag din siguro ang pabangong ginagamit—musky and deep.

"'Sensya ka na, Miss Tamara—"

"Tamara," I cut him off. "Tamara's fine."

He twisted his lips and nodded. He let out a big grin, nodded, and gave me a thumbs up. "Trabaho lang. 'Di naman magagalit 'yun, 'no? Iba tawag sa 'yo, e."

Fraudulence of Bliss (STATION Series #5)Where stories live. Discover now