CHAPTER THIRTY-TWO

Start from the beginning
                                    

"W-wala. I was looking t-through you," kaila ko.

He let out a chuckle. Shit. Ang sexy ng tunog. May napukaw na kung ano sa kaloob-looban ko. May naalala akong something naughty, but I tried to hide it the best way I can. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tinuro kunwari ang isang umbok na isla. Malayo na ito sa amin kaya nagmukhang isang dakot na lang. Tinanong ko siya kung ano iyon.

"No idea. Maybe that's a private island owned by another politician," may himig pagbibiro niyang sagot. He was smiling, too, kaya alam kong hindi siya seryoso. Ganunpaman, nainis na naman ako dahil malaki ang posibilidad na totoo ang sinabi niya. Ba't gano'n? Puro na lang politician ang may-ari ng isla o magagarang bahay doon?

"What about yours?" pabiro kong tanong.

Napalingon siya sa akin. Seryoso na ang mukha niya. Tinitigan ako with warmth in his eyes. I was touched. I could feel his raw emotions radiating from his eyes.

"Meron dati, but my grandpa took it back," sagot niya sa mahinang tinig.

"Oh, I was just kidding. Totoo pala?"

Ngumiti siya but it did not touch his eyes. I felt there was something more to it. Pakiramdam ko'y may malalim na kuwento ang isla na noo'y kanya pero binawi ng lolo niya. Naisip ko tuloy, konektado kaya iyon sa akin? Sa nangyari sa amin noon?

"Sir Micah!"

Napalingon kami sa isang papalapit na pump boat. May megaphone na hawak ang isang sakay noon at tinatawag si Micah.

"Sir, may emergency! You need to go back to the resort!"

Napakaway siya sa mga ito to signal na narinig niya ang lalaki. Binalingan niya ako at humingi ng paumanhin. Iniwan na nga namin ang cell phone ng bawat isa para walang istorbo, pero naistorbo pa rin kami. Ni hindi pa nga namin napag-usapan ang plano niya for us, pabalik na kami ng resort. Hay buhay. Siguro, I just have to follow Ate Eileen's advice. Just let things be. No one can ever snatch from you what God has reserved for you. Pinagdasal ko na lang na sana ay ni-reserve na siya ni God para sa akin.

**********

Micah Rufus Alexander Contreras

"Sir, Micah!" salubong ng staff ng resort as Shane and I were approaching the hotel. "May emergency call po ang taga-Singapore. They rescheduled your meeting with Mr. Wang. Mamayang gabi na raw po instead of next week."

"What? Are you sure?"

"Yes, sir." At binigay niya sa akin ang nai-take down note sa usapan nila ng mga tao namin sa Singapore. Nalungkot ako agad. I did not want to go yet. Ayaw ko pang iwan si Shane. Bigla ay nakaisip ako ng ideya. Inulit ko sa kanya ang imbitasyon ko kanina sa text.

"What?" nagulat siya. "Hindi ko dala ang passport ko."

"We can pick it up or we can ask your mom to have it delivered to you to the airport."

Natigilan saglit si Shane. That's when her best friend came from nowhere and waved at her. For someone who had a stomach problem an hour or so ago, mukhang sobra namang aliwalas na ng mukha niya. Hindi mo aakalain na naempatso kanina.

"Okay ka na?" tanong nga ni Shane sa kanya.

"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay? O, ano? Musta?" Kinurut-kurot pa nito ang kaibigan at parang nagpipigil lang na tumili. Sinulyapan ako nito nang mahagip siguro ang presensya ko from the corner of her eye. "Hi there, sir!" At kunwari'y nag-hand salute pa ito sa akin. Tapos nagpasalamat sa VIP treatment daw ng staff ko sa kanya.

"I'm sorry. I cannot go with you," bigla na lang nasabi ni Shane.

I was disappointed, but what can I expect? Gusto ko sanang sumama siya dahil I really want to make her feel special. Iyong hindi na niya pagdudahan kailanman na seryoso ako sa kanya. Baka kasi mag-iba ang ihip ng hangin kapag may marinig na kung ano sa kampo ni Janice. Nagbanta pa naman ito kanina sa akin through a text message na guguluhin niya ang buhay ko. Hindi raw pupwedeng ako lang ang maging masaya.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Where stories live. Discover now