Chapter 37: Album

177 22 1
                                    

Asher's POV

Pagkatapos ng Gabi na iyon ay umuwi ako sa bahay na luhaan. Tulog na ang lahat ng tao at ang tanging naabutan ko na lamang ay Tita Cora. Gulat na gulat ito nang makita akong naiyak sa kusina. Kaagad niya akong niyakap at tinanong kung ano ang nangyari.

Ang bawat sagot niya ay tinanong ko. Lahat ng mabigat sa aking pakiramdam ay sinabi ko sa kaniya at tahimik siyang nakinig sa akin. Pagkatapos kong magkwento ay may bigla siyang sinabi.

"Alam mo buti nga kayo sabihin man natin na mahirap pa rin sa oras niyo pero mas madali na sa inyo ngayon eh..." Binasa niya ang sarili niyang labi. "Huwag kayong mabubuhay nang ganiyan na alam niyong sa pagdating ng oras ay mag-reregret kayo sa nagawa niyo."

"Kasi naramdaman ko na iyan. Nasaranan ko na rin iyan." Pumikit siya at huminga nang malalim.

"Noon nung nakilala ko si Renz sobrang saya ko kasi akala ko mamahalin niya ako hanggang sa pagtanda ko pero hindi pala. Nabuntis niya ako at akala ko matutuwa siya kasi magiging ama na siya ngunit nasaktan ako nang sabihin niyang ipalaglag ko ang bata." Pinahid niya ang luhang tumulo mula sa kaniyang mata.

"Hindi ko nagawang sabihin sa mga Lola mo iyon nung mga oras na iyon kaya wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Sobrang sakit ng naramdaman ko no'n kaya pagkatapos ng ilang araw pagkatapos kong mailaglag ang bata ay sinubukan kong magpakamatay." Nang sabihin ni Tita Cora iyon ay biglang buhos ng kaniyang luha.

"Kinaumagahan ay naabutan ako ng mga Lola mo at galit na galit sila nang malaman ang ginawa ko. Sana raw ay sinabi ko kaagad. Sana sinabi ko para mabuhay ang bata at kaming tatlo ang mag-aalaga ngunit huli na ang lahat..." Kinagat ni Tita ang sarili niyang labi sa sobrang pagluluha ng kaniyang mata. "Napatay ko na ang sanggol. Kaya pagkatapos ng araw na iyon ay araw-araw ko ring dinala ang bangungot na iyon at araw-araw kong pinagsisihan. Kung sana lang ay nasabi ko. Edi sana hindi ako naging g-ganito." Hindi na nagawang magkwento pa ni Tita bagkus ay sunod-sunod na ang pag-iyak niya kaya wala na akong nagawa kundi patahanin siya at yakapin.

Doon ay napagtantuhan ko na, hindi tama ang nagawa kong desisyon kanina...

Lumipas ang ilang araw, dumaan ang ilang linggo. At hanggang sa sumapit na nga ang sembreak. Wala akong ginawa kundi ang alagaan si Cavs at ang tapusin ang album na ipinangako ko kay Nixon.

Sa bawat araw na dumaan na hindi ko siya kasama ay sumulat lang ako nang sumulat ng liham para sa kahit maliit na paraan ay mabawasan ang pangungulila ko sa kaniya. I already miss him. Gusto ko na siyang kausapin at makita ngunit hindi ko alam kung saan sisimulan.

Nasa tabi ako ngayon ni Cavs at kasalukuyan kaming nasa hospital. Nagsusulat ako sa aking kuwaderno habang si Cavs naman ay tulog at nagpapahinga. Binitawan ko ang aking panulat at tinignan si Cavs. Malayo na siya sa Cavs na aming nakasanayan, namayat na siya at madali na rin manghina.

Babalik sana ako sa pagsusulat nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako sa aking kinauupuan para buksan ang pinto at sa pagbukas ko ang bumati sa akin ay ang aking Ama.

Niyaya niya ako sa hardin ng hospital para mag-usap at pumayag naman ako nang makarating na sina Tita Cora sa hospital para may magbabantay kay Lola. Nang makarating sa hardin ay magkatabi kaming naupo.

"I'm sorry, Anak," panimula ni Papa.

"Mali ako. Hindi ko dapat kayo iniwan at lalong hindi dapat kita sinaktan nang ganoon. Nung Gabi na kumain tayo sa bahay ng Castro at nang dahil sa mga sinabi mo natauhan ako." Humarap siya sa akin.

"Sorry, Anak. Sorry kung wala ako sa mga oras na kailangan mo ako. Hindi ako naging mabuting ama hindi lang sa iyo ngunit pati na rin sa mga kapatid mo. Alam kong hindi mo ako kayang patawarin pero humihingi ako ng tawad sa iyo." Bigla itong lumuhod sa harapan ko.

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now