Chapter 13: Nalilito

195 51 9
                                    

Asher's POV

Wala ako sa aking sarili nang tinungo ko ang tulay at sinimulang sulatin ang kung ano mang laman ng aking isipan. Tanghaling tapat nakaupo ako sa mainit na daan habang nagsusulat gamit ang aking ballpen at notebook.

Nagseselos ako... nasasaktan ako... hindi ko 'to gusto. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagseselos. Una nakita kong may kasama si Nixon na babae, tapos mga tropa niya.

Pakiramdam ko, tama naman na sila ang mga kasama niya. I know that he's straight, so I know he should be on his set of people. Naiinis ako sa sarili ko. Just what if my world different at naging babae ako?

Marami sanang mas magandang nangyari sa buhay ko...

Kusang tumulo ang isang patak ng luha sa kanan kong mata pababa sa aking pisngi. Napailing ako at pinigilan ang pagpatak ng luha. Huminga ng malamim at nagpakawala ng hininga. Akma na sana akong tatayo nang napansin kong may lalaking naglalakad patungo sa akin... si Lance.

"Matmat..." Tumabi ito sa akin. "Ayos ka lang?" Maamo niyang tanong.

Tumango ako. "Ayos lang, pagod lang siguro. Bakit nandito ka pala? Hindi ba kakain kayo sa labas?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na, mas gusto ko kasama best friend ko, namiss kita." Aniya sa akin.

Ngumiti siya sa akin at tinapik ang kaniyang braso. Kusa ko namang isinandal sa kaniya ang aking sarili tsaka ipinatong ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Ano, ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya muli.

Umiling ako habang nakasandal sa kaniya.

"Anong nangyari? Sabi ko naman kasi sa iyo, hindi ba? Best friend mo ako, kahit umalis ako at kahit hindi tayo matagal na magkita." Paalala niya sa akin.

Lumaki kaming magkaibigan ni Lance. Matalik na kaibigan, para ko siyang kapatid, comportable ako sa mga gusto kong sabihin, at hindi ako takot mag kwento sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, Lance. Para kasing, naguguluhan na naman ako, parang ang gulo ng lahat. Nakakalito mga nararamdaman ko nito mga nakaraan. May nagsasabi sa akin na, hindi tama nararamdaman ko, sa kabila naman, pakiramdam ko, kailangan ko lang kapitan." Sagot ko sa kaniya.

"Alam ko na dapat gawin d'yan sa nararamdaman mo." Pilyo itong ngumiti sa akin.

"Ano?" Tanong ko sa kaniya habang unti-unting gumuguhit ang isang ngiti sa aking labi.

"Bukas nga! Mag-swimming tayo, kasama si Jerie. Para naman masaya tayo bago mag-intrams. Mag-enjoy rin naman tayo minsan." Pahayag niya sa akin.

"Puwede naman..." Saglit akong tumigil. "May sinalihan ka bang sport ngayon instrams?" Tanong ko sa kaniya.

"Yep, sumali ako sa chess. Dapat sumali ka rin, magaling ka naman doon, sadyang takot ka lang gumalaw, takot kang mawalan ka ng mga piyesa." Sagot niya sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Hindi naman iyon dahil doon! Kinuha kasi ako ni Ma'am Paola na maging taga kuha ng pictures, gagawa ng news paper, documentation kasama sa Gazette kaya hindi na ako nasali muna, tsaka hindi ko rin naman masyado nang gusto maglaro. Iba na gusto ko."

"Si Nixon ba?" Tanong ni Lance.

Pinalo ko ang kaniyang braso. "Paggigitara! Hindi tao, masyado kang ma-issue, alam mo namang straight 'yung tao. Bagay niya sila ni Chelsea eh."

Para akong tanga sa sinabi ko iyong iyon. Sa totoo lang ay naiinis ako sa tuwing dumidikit si Chelsea kay Nixon, halatang nilalandi nito ang binata, habang si Nixon naman, parang bata walang kaalam-alam na nilalandi siya. Hindi ko ba maintindihan doon kung natutuwa na siya sa ginagawa ng dalaga o talagang hindi niya lang alam.

"Nako, kung makatitig ka nga sa kaniya palagi, parang may gusto ka sa kaniya." Tukso naman ni Lance.

"Ewan ko sa iyo, masyado ka namang ma-issue sa pagtingin ko." Tugon ko sa kaniya.

"Pero ano, bukas tara ah? Swimming tayo ha?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Yeah, sige. Magpapaalam na ako kila Cavs mamaya."

Inalok ako ni Lance makipag apir. Tinaas niya ang kaniyang palad at tinugunan ko ito...

"Cute mo, Matmat."

"Matagal na." Pagmamalaki ko tsaka ipinikit ang aking mata habang nakasandal pa rin kay Lance.

Nixon's POV

Habang nasa restaurant ay hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan ni Asher. Sigurado akong nasaktan ito, o kaya naman na-offend sa nasabi ni Zia. Ang bigat sa pakiramdam ko na mas pinili kong samahan ang mga bago kong kaibigan kaysa sa kaniya. Mabigat din na hindi ko nagawang ipagtanggol siya.

Kanina pa kaming nakapag-order, nabayaran ko na rin ang mga meal. Nakatapos na rin kaming kumain at nag k-kwentuhan na lamang.

"P're, ikaw ba, anong type mo sa babae, malay mo nakay Chelsea na pala lahat?" Tanong sa akin ni Seth.

Nagtinginan sa akin silang lahat. Si Chelsea naman na katabi ko ay parang nahihiyang pinagkrus ang kaniyang braso habang nakangiti. Napatawa ako sa ekspresyon ng kaniyang mukha.

Nilingon ko sina Seth. "Hindi ako sigurado sa kung ano type ko, dre. Siguro, malalaman ko na lang nang kusa, 'yung hindi pinipilit ba?"

Tumango lamang ang lahat at walang naging tugon.

"Anyways Nixon..." Tawag sa akin ni Zia. "Who's the lucky girl?" She asked me.

"Lucky girl?" I asked back.

"Yeah, 'yung kasama mo sa story mo. Ka holding hand mo rather. Is she someone special?" Tanong niya muli.

"Yeah, very special." Maikli kong sagot at kaagad na naisip si Asher, at gusto ko rin siyang makasama...

Nagpaalam akong pupunta sa CR pero ang totoo ay pupunta talaga ako para hanapin si Asher.

Nang makalabas nang resto ay isip-isip ko kung ano ang dapat kong sabihin kay Asher. Iniisip ko kung paano ako mag e-explain sa kaniya na gusto ko siyang ipagtanggol at ipagmalaki. Gusto kong makilala siya hindi lang basta-basta, but way I knew him.

He is special to my heart. Very special like I said earlier. Huminga ako nang malalim at tumakbo papunta sa tulay.

My heart broke when I saw what's in front of my eyes. I'm sure that, it's Asher and Lance. Nakaupo sa gilid ng tulay. Asher was resting his head on Lance's shoulder.

I took a deep breath and left with my bravery. My bravery that shrink when I arrived at the place where I wanted to confess... that no matter how confuse I may be right now...

I want to tell Asher, he's special to me.

I guess I'm not special enough for him, to be the shoulder he leans on.



Dapit-Hapon Where stories live. Discover now