Chapter 10: Baby

247 52 10
                                    

Nixon's POV

THANK GOD IT'S FRIDAY!!!

Kaagad akong bumangon sa kama upang maghanda para ng umagahan. Mag-isa ako sa bahay dahil maagang pumapasok sa trabaho ang parents ko kaya ang bumungad sa akin paggising ko ay si Agnes, my baby, my dog.

She's a sweet golden retriever. The moment I stood up from bed and went down the stairs going to the kitchen, Agnes followed me. While I was cooking breakfast she silently sat by my leg. A smile is written all over my face while thinking of what's going to happen today. Ma'am Paola told me to bring my old jersey or P. E. uniform since wala pa akong P.E. uniform same as the school I go to.

After cooking, I ate breakfast, took a bath, prepared my bag, extras clothes for later since we're going to practice. Naglagay na rin ako ng pagkain for Agnes while I'm away.

I took the car and immediately went to school. Nang makarating, kakapasok ko pa lang sa gate, rinig ko na ang bulungan ng ilang mga babae.

"Siya iyon 'di ba? Sino kaya ka holding hands niya sa story niya, swerte naman."

"Ang pogi nga niya in person!"

"Iba talaga kapag transferee ang pogi!"

"Swerte naman ng magiging girlfriend niya."

Pilit kong pigilan matawa sa mga naririnig kong bulungan, lalo na at ang mga nagbubulungan ay lower grade, junior high school students. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa maraming ko ang classroom namin.

Kita kong nakaupo na si Ash sa upuan niya. Aga naman niyang pumasok. Tumabi ako sa kaniya at kinuhit ang kaniyang balikat. Agang-aga may sinusulat na naman.

"Hey..." Pagkasabi ko ay lumingon siya sa akin at isinara ang notebook.

"Ano sinusulat mo, puwede ko basahin?" Tanong kong may ngiti sa aking labi.

Umiling siya tsaka ako nginitian. "Bawal sa pogi."

Ngumisi ako, "so napopogian ka pala sa akin?" Tanong ko.

Umiling ito tsaka kinuha ang kaniyang telepono at ipinakita sa aking 'yung story ko.

"Pagpasok ko pa lang sa school, rinig kong pinag-uusapan ka, sino raw ka holding hands mo, lahat sila nakatingin sa story mo. Grabe, kilala ka agad dito. Ako nga ilang taon na, iilan lang may kakilala sa akin, mga teachers pa karamihan." Sagot niya sa akin.

"Bakit mo pala nilagay 'yan sa story mo? Crush mo ako ano?" Panunukso niya tsaka binalik ang telepono sa kaniyang bag.

"Paano kung... crush nga kita?" Tanong ko.

"Hmm..." Lumiko ang kaniyang labi. "Malas mo, hindi kita type." Mahina itong natawa tsaka ako nginisian.

"Ayos ah, sobrang pogi ko naman ah? Akala mo ba sa dati kong school, everybody would line up just so they could be with me. Pogi ko kasi." Pagmamalaki ko.

"Edi bumalik ka na do'n." Pambabara naman sa akin ni Asher.

Naupo ako na pekeng nakasimangot habang inaayos ang aking gamit para sa unang subject. Kita kong lumilingon sa akin ang binata.

Asher's POV

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Nixon. Aaminin kong baka ako ang may kasalanan dahil sa nasabi ko rito. Pasaglit-saglit akong lumilingon sa kaniya para tignan kung nagpapanggap ba ito.

Huminga ako nang malamim at hinarap ang binata. "B-baby..." Pilit kong sabi.

Nixon's POV

"B-baby..."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanigas ako sa aking kinauupuan at para akong nabingi sa narinig ko. TOTOO BA!?! Tinawag akong Baby ni Asher?

Pero... bakit sobrang tuwa ang nararamdaman ko, habang kapag sa iba naman ay hindi ko ito maramdaman, ni sa magandang dalaga ay hindi ko maramdaman ang ganitong kakaibang tuwa sa tuwing may tatawag sa akin ng special nicknames.

Lumunok ako at marahan ko siyang nilingon. "Did you just called me baby?" Tanong ko. Gusto kong malaman na hindi pa ako nababaliw.

Tumango ito bago ako sagutin. "Yeah, sorry roon sa nasabi ko. Nasaktan yata kita. Pasensya na." Nginitian niya ako.

Umiwas ito ng tingin sa akin. Na g-guilty ako! Baka dahil sa pagpapanggap ko ay kaya ito nag-sorry. Eh hindi naman talaga ako malungkot. Lagot ako nito eh.

Tinapik ko ang kaniyang braso. "Hey, nagkukunwari lang akong malungkot."

Dahil sa sinabi ko ay bigla namang sumama ang tingin nito sa akin. Huminga ng malamim si Asher bago tumugon sa aking sinabi.

"Seryoso ka ba? Minsan lang ako mag-sorry sa mga bagay-bagay na ginagawa ko tapos nang t-trip ka pala? Ayos ka talaga ano?" Umiwas ito ng tingin tsaka napailing.

Wala pa ang classmate naming nakaupo sa likuran namin kaya pasimple kong inabot ang palad ni Asher.

"Sorry." Bulong ko sa kaniyang tainga.

Asher's POV

Umiwas ako ng tingin at laking gulat ko nang biglang hinawakan ni Nixon ang palad ko gamit ang kaniyang kamay.

"Sorry." Bulong niya sa aking tainga.

Nilingon ko siya. Parang mahikang nawala ang inis na bumalot sa aking puso ilang segundo lang na nakakalipas. Sino ba naman kasi ang hindi mainis, minsan na nga lang ako mag-sorry eh!

Nagpakawala ako ng buntong-hininga tsaka tumango. "Ayos na, huwag mo na lang ulitin, hindi maganda na nagpapanggap ka para makuha tao sa paligid mo." Pahayag ko sa kaniya.

Hinigpitan niya ang hawak sa aking palad, ang hawak niya ay hindi naman masakit, ang lambot ng kaniyang palad.

"Tawagin mo muna ulit akong 'baby' tapos hindi ko na iyon uulitin."

Umiling ako. Binitawan ko ang kaniyang palad at akmang iiwas ng tingin ng muli niyang hinawakan ang aking kamay.

"Hindi na po uulit, baby..." Saglit na tumigil sa pagsasalita si Nixon at nginitian ako.

"Good." Tumango ako at kaagad na binitawan ang palad ni Nixon nang dumating na ang kaklase naming nakaupo sa likuran namin.

Nginitian ko siya, at pilyong ngumiti sa akin ang binata nang ilagay niya ang kaniyang bag sa tabi niya para matakluban at hindi makita kung hahawakan man ang aking kamay. At pagkalagay naman niya, kaagad nitong hinawakan ang aking palad.

Bumulong siya sa akin. "Buti hindi ma-issue classmates natin ano?" Tanong niya.

"Akala mo lang, maraming ma-issue rito." Bulong ko naman sa kaniya.

"Ayos lang, para alam nilang akin ka."

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now