Chapter 36: The Truth

166 27 1
                                    

Asher's POV

"So Asher, how's your school?" tanong ng Nanay ni Nixon habang nakain kami sa hapag.

"Ayos lang ho, Tita." Nginitian ko siya.

"I must say Asher, you have your father's eyes. You act like him too," puri naman sa akin ng Tatay ni Nixon.

"Well he actually got a lot of traits from his mother," tugon naman ni Papa.

"I see..." Saglit na tumigil sa pagsasalita ang ama ni Nixon. "Anyways, Abigail, how about you? I was wondering if you want to stay here for quite a while too after you visit the resort in a few weeks," ani Tatay ni Nixon.

Tumigil sa pag-kain ang dalaga at binaba ang kaniyang kutsara't tinidor. "Well Tito, after that I would probably go back din since I actually just came here to visit Nixon." Magkatabi si Nixon at si Abigail kaya nang hinawakan ni Abigail ang kamay ni Nixon ay parang may nadurog sa loob ko.

"You two really look good together." Malapad na ngumiti ang Ina ni Nixon kay Abigail at Nixon.

"Mom, stop it. Let's not talk about that." Binawi ni Nixon ang kaniyang kamay at tumuloy sa pagkain ng pagkain na nasa kaniyang plato.

"Why, son? You're not into someone right?" Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ng kaniyang Ina, bagkus ay patuloy lang ako sa aking pagkain.

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan at ang sentro ng usapan ay walang iba kundi si Nixon at Abigail. Hindi ko malaman bakit pa nandoon si Papa, lalo naman ako kung puwede naman palang sila-sila na lang.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagpaalam, "Excuse me, I need to see the bathroom."

"Samahan na kita." Akmang tatayo si Nixon ngunit sinagot ko kaagad ito.

"I can handle myself just fine." Nginitian ko siya bago tuluyang nilisan ang lamesa.

Papunta ako sa CR nang sundan ako ni Papa. "Asher," tawag niya sa akin.

Lumingon ako sa kaniya. Hindi ko siya tinugon, nanatili lamang akong nakatayo at tahimik.

"I know you and Nixon has something special," aniya.

"So?" tanong ko.

"You should stay away from him, Anak," saad nito.

"Why should I stay away with him? Pakiulit kasi hindi kita maintindihan." Pinagkrus ko ang aking braso at tinitigan siya nang masama.

"You're not going to be the one who'll decide kung anong gagawin ko sa buhay ko. Kasi nasaan ka ba sa mga oras na kailangan ko ng Ama? Where were you?" Huminga ako nang malalim pagkatapos ng aking sinabi.

"I'm sorry, 'Nak. But please, take my words seriously that I'm just worried about you. I know that I wasn't a good father before and I did not accept you for who you are and I'm sorry for everything bad that has happened especially to your mother." He walked near me and held my hand.

"Bakit ngayon lang?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit ngayon mo lang naisipan sumulpot para mag-sorry? Kung kailan may nakilala akong lalaki na nagustuhan ko. Things are not clicking to me, Pa. I know there's something behind what's happening here kaya kung ano man meron can you please tell me hindi 'yung nagmumukha akong t*nga trying to figure out what the hell is happening." Bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang halu-halong emosyon na bumubuhos nang hindi ko na namamalayan.

"Asher..." ani ng aking ama. "I'm sorry." Umalis ito nang walang sinasabi.

I hate a lot of men. Ang hirap nilang intindihin. Why are there men expecting people to understand them?

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now