Chapter 19: "I miss you, Love"

251 42 8
                                    

Asher's POV

Maaga akong nagising para makapaghanda ng agahan lalo na at nasa bahay si Nixon. Dagdag pa dito ay hindi alam nina Cavs at Lola Nora na may dinala ako sa bahay. Sana ay hindi ako pagalitan.

Bumangon ako mula sa kama at hindi na ginising ang binata. Kaagad din akong pumunta sa kusina para magluto at magtimpla ng kape lalo na at alam kong maaga ring gumising sina Cavs.

Katatapos ko lamang magtimpla ng kape ay nagising na rin si Cavs.

"Good morning, Anak. Aga mo yata ngayon." Bati niya sa akin.

Inabutan ko siya ng kape at nginitian. "Masaya lang, Cavs."

Naupo ako sa kaniyang tabi. "Cavs, kapag ba nagkagusto ako sa isang lalaki. Tapos gusto niya rin ako, 'di ba tanggap niyo pa rin ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung iyan ang paraan ng pagtatanong mo kung natuwa ba kaming may pinapasok ka sa bahay nang hindi namin alam. Aba hindi, pero kung maayos naman iyang taong iyan, syempre kikilalanin muna namin." Sagot niya sa akin.

"Alam mo naman na, ayaw namin ng Lola Nora mong masasaktan ka, hindi namin gustong nakikita kang umiiyak, Anak ko ah..." Paliwanag niya.

"Cavs, paano niyo pala nalaman na may pinapasok ako?" Pagtataka kong tanong sa kaniya.

"Ang ingay niyo kagabi, syempre narinig naming dalawa. Tapos masyado pa kayong nagpapahalata, edi lalo namin nalaman na may something kayong hindi sinasabi." Sagot niya sa aking tanong.

"Ginawa na rin naman iyan noon kaya alam namin..." Dadag pa niya at saglit na tumigil. "Hindi nga lang kami nagpapahuli."

Parehas kaming natawa sa huling sinabi ni Cavs. Nagpatuloy ang aming kwentuhan sa kung anong mayroon sa aming dalawa ni Nixon. Habang naghihintay na magising si Lola Nora, ay inutusan ako ni Cavs na gisingin na si Nixon upang gulatin si Lola Nora.

Umakyat ako sa taas at laking-gulat ko na gising na ang binata. Nanlaki ang aking mga mata nang makita itong tanging underwear lamang ang suot. Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Hey, good morning." Bati niya sa akin.

"Good morning..." Bati ko. "Magbihis ka na."

"Yeah, magbibihis na. Thank you pala sa underwear na pinahiram mo, still new." Saad niya sa akin.

"Wala iyon. Magbihis ka na, hihintayin ka namin ni Cavs sa baba." Saad ko sa kaniya.

Baba na sana ako nang lumapit ito sa akin. Hinawakan ang aking kamay at niyakap ako. "Good morning, Baby."

Pagkatapos ng kaniyang sinabi ay pinakawalan na niya ako sa kaniyang pagkakayakap. Wala akong naitugon. Tanging tango lamang, at bumaba na rin ako.

The shape of his body printed itself on my mind. His manly curves, and his broad shoulders. His thighs that was perfectly shaped. The shape of his chest... Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Napalunok ako. Bigla akong tinawag ni Cavs. Hindi ko na namalayan na tawag pala niya ako.

"Hoy! Nasaan na?" Tanong niya sa akin.

"Magbibihis lang daw." Tugon ko sa kaniya.

Tumango-tango ito sa akin. "Gisingin mo na rin ang Lola Nora mo. Huwag na natin gulatin, mamaya mag-alboroto pa iyon sa akin." Utos ni Cavs sa akin.

Hindi ko nagawang mag-react sa sinabi niya, dahil hanggang sa pagtaas muli ng hagdan ay laman ng isip ko si Nixon.

Kumatok ako sa pinto bago pumasok. "Lola Nora? Gising na raw kayo sabi ni Cavs."

Dapit-Hapon Where stories live. Discover now