Chapter 17: Sugat Ng Nakaraan

252 46 9
                                    

Asher's POV

"Bilisan mo magbihis, Baby." Saad sa akin ni Nixon na tanging twalya na lamang ang taklob.

Nakatalikod ako sa kaniya na twalya na lang din ang saplot. "Paano ako makakapagbihis nang ayos eh binabantayan mo ako, sira yata 'to." Saad ko sa kaniya.

Mahina itong natawa. Lumingon ako sa kaniya at tinitigan nang masama, tumalikod siya sa akin, dahilan para mapangiti ako. Pagkatapos no'n ay nagbihis na rin ako.

Pagkatapos kong magbihis ay nagbihis na rin si Nixon. Habang nagbibihis ang binata ay inayos ko ang aking kwarto, kumuha ako ng pamalit na latag para sa kama, at bagong kumot, paano nabasa sa dahil ginawang twalya ni Nixon.

"Mauna ka na roon sa baba, aayusin ko muna itong kwarto." Saad ko kay Nixon.

"Paano kung kalbuhin ako ng Tita mo, Baby?" Tanong niya sa akin.

Natawa ako tsaka inilingan ang binata. "Edi ayos iyan, para malaman ko kung bakit kita gusto. Mamaya ginayuma mo talaga ako kaya gusto kita eh." Sagot ko naman sa kaniya.

Akmang yayakap ito sa akin nang harangin ko siya gamit ang aking kamay. "Oh, yayakap ka na naman, mamaya na iyan, hinihintay na tayo ni Tita sa baba, bumaba ka na roon, susunod ako."

Sumimangot ang binata. "Wala akong good luck kiss?" Tanong niya sa akin.

"Wala malamang, hindi naman gera punta mo, baliw talaga." Tugon ko sa kaniya.

"Baliw sa iyo." Pilyo itong ngumiti tsaka ako kinindatan.

Pagkatapos no'n ay bumaba na ang binata at iniwan ako sa kwarto nang mag-isa. Sa kung anong dahilan ay sobrang gaan ng pakiramdam ko. May ngiting nakasabit sa aking labi dahil sa nangyari kanina sa gitna ng ulanan. Aaminin ko, masama pakiramdam ko at masakit ang ulo, pero hindi ko gaano ramdam. Weirdo.

Nixon's POV

I'm a bit drunk, buti na lang dahil sa ulan kanina at sa halik na ginawad ko sa labi ni Baby ko ay nabawasan kalasingan ko. That was so insane... Gusto niya rin ako

While I was going down the stairs hindi ako mapakali sa dalawang bagay, una ay ang kilig na gusto ko nang ilabas kanina pa, ang sobrang lapad na ngiting gusto ko ibungad sa harap ng Baby ko. And the other one is the fear that my Baby's aunt would hate me.

Bakit naman kasi siya pumasok 'di ba? Tsaka, hindi ko naman talaga babastusin si Asher, he's my baby after all. HAHA kinikilig ako. HE'S MY BABY!! MINE!! MY BABY ASHER MATTHEW VELASCO!!

"Hoy lalaki, anong nginingiti mo r'yan ha?" Rinig ko tawag ng Tita ni Asher.

Hindi ko napansin na nakababa na pala ako sa hagdanan.

Wala akong naging tugon maliban sa isang ngiti tsaka naglakad papunta sa mesa kung saan nakaupo ang Tita ni Asher.

"Good evening po, Ma'am." Bati ko.

"Ayos ng bati ah, parang hindi ko nakita 'yung sa kwarto, huwag kang masyadong formal, mamaya palabasin kita sa bahay na 'to. Lalaki ka pa naman, lason." Saad niya tsaka ako nginisian.

Mahina akong natawa bago tumugon kay Tita Cora. "Sorry po. Kamusta po kayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala ayos lang ako. Kayo ng pamangkin ko?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang din po si Asher, tsaka po ako."

Tumango-tango ang Tita ni Asher. "Sino ka sa buhay ni Asher ha?" Diretso niyang tanong na may pagkastrikta na nakapinta sa kaniyang mga mata.

"Ah eh... Hindi na po ako magsisinungaling-" Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang sumingit si Tita Cora.

"Dapat lang, magsinungaling ka makakalbo ka."

Dapit-Hapon Onde histórias criam vida. Descubra agora