Chapter Seventeen

Börja om från början
                                    

Ngumiti ako, hindi naman nila iyon napansin.

"Talaga Ate?! Iyong boss mo na inuwi mo dito?" Natawa ako ng mahina.

"Oo, siya nga."

"Pero bakit Ate? Bakit daw niya kami pag aaralin doon?" Pilit ko ngang iniisip kung bakit. Mayroon pa bang ibang dahilan bukod sa gusto lang niyang tumulong sa amin?

Sa sungit ng babaeng iyon ay hindi mo aakalain na magsasayang siya ng oras para sa amin ng mga kapatid ko.

"Gusto lang niyang gawin ang isang bagay na gusto niya. Tinutulungan niya tayo dahil iyon ang gusto niya. Magpasalamat kayo sa kaniya ha?" Sunod-sunod na tumango ang mga ito sa akin. "Bukas dadating ang mga gamit na gagamitin niyo sa eskwelahan. Maski ang uniporme ay mayroon din."

Napatalon si Dilaw at nakipag apir kay Kulay. Kitang-kita ko at ramdam na ramdam ko ang sayang mayro'n sila.

Masaya akong masaya sila.

"Ate hindi ba't malaki ang eskwelahan na 'yon? Sabi ng kaklase ko ay dati siyang nag aaral do'n bago siya itapon sa eskwelahan namin ngayon! Maganda daw doon at maraming mga mayayaman at matatalino!" Inaya ko silang maupo sa mahabang bangko. Binaba ko lang din ang malamig na kapeng hawak.

Nagkukwento lang si Kulay at halos nananaginip na rin siyang gising. Tamang nakikinig lang ako sa kaniya at hinahayaan siyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"Ate! Ate, mag aaral akong mabuti!" Tuluyan na nga akong napangiti ng malaki sa sabay-sabay nilang wika. Nagkatinginan pa sila at natawa ng malakas.

"Huwag niyong sayangin ang tuition fee na babayaran ni Nicola doon a? Alam kong nag aaral kayo ng mabuti pero mas galingan niyo pa ha? At alam niyo ba?" Nakatutok ang mga tingin nila sa akin.

Kitang-kita ang mga ipin nila sa lawak ng ngiti. Sanay lagi na lang silang ganito kasaya.

"Mag aaral na rin ako."

Natahimik. Walang kumikibo at nakatitig lang sila sa akin. Naniningkit ang mga mata ko sa mga maging reaksyon nila. Hanggang—

"Yes!" Tinalon ako ni Kulay at pinaghahalikan ang mukha ko. "Ate! Ate matutupad na ang pangarap namin para sayo! Ang makabalik ka sa pag aaral!" Halos mahulog ang puso ko sa narinig.

Hindi makapaniwala at hinayaan ko lamang silang yapusin ako at nagsisigaw dahil sa matinding kasiyahan.

"Pangarap niyo sa a-akin?" Hindi ko mapigilan na hindi magtanong.

"Ate matagal na naming gusto na makabalik ka sa pag aaral." Nalingon ko si Abo. Siya ang sumagot. "Alam namin na gusto mo rin talagang mag aral ngunit hindi iyon kakayanin kasi mas iniisip mo kami. Nagtatrabaho ka ng maayos para may pangtustos sa pag aaral namin. Hindi madali ang naging buhay mo, naging buhay natin dahil na rin sa kahirapan. Ate, marami rin kaming pangarap para sayo."

Naramdaman ko na lamang ang luhang humalik sa pisngi ko. Sobra akong nasasaktan at nasisiyahan sa mga naririnig.

"Kasi Ate, gusto naming maging masaya ka rin. Ang hirap nga isipin pag naiisip namin na pag nag asawa ka na e, iiwan mo na kami e." Napailing ako ng sunod-sunod. Pinupunasan naman ni Kulay ang luha ko.

"Alam niyong hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit na ano o sino, Abo. Hindi ko kayo iiwan dahil kayo—" Suminghot ako. "Kayo naman e, pinapaiyak ako e!" Parang batang saad ko sa kanila na ikinatawa at ikinayakap nila ng mas mahigpit sa akin. "Kayo ang buhay ko. Kayong mga kapatid ko ang dahilan kung bakit pa ako lumalaban, hindi ako papayag na mawala kayo sa akin. Mas gugustuhin ko na lang na tumandang dalaga kaysa iwan kayo."

"Salamat ng marami Ate. Iyong pagtanggap sa gusto ni Miss Nicola na pag aralin tayo ay malaking bagay na. Alam ko Ate—" Tumayo si Abo at humawak sa kamay ko. "Alam ko na gusto mo ay pinaghihirapan ang lahat para sa amin. Pero ito, hindi ko aakalain na papayag ka. Ate, hindi nagkamali ang Diyos na maging kapatid ka namin. Hindi siya nagkamaling dalhin kami sa mga kamay ninyo."

Ugh, Sugar Mommy! (Marcos Clan Series #1)Där berättelser lever. Upptäck nu