24

37 22 1
                                    

KABANATA 23
shot

Nandito na kami ni Sabrina sa bahay ni Ashton, pero hindi namin siya nakita.

Ang taong hindi namin gustong makita ang ang nandito.

"Bakit kayo nandito?!"  tanong sa amin ni Airian.

Hindi ko pinansin ang tanong niya dahil dumapo ang tingin ko sa maliit na umbog sa kanyang tiyan.

"Chill miss, we are not here for you. We're here for Ashton, saan ba siya?" Sabrina said.

"Hinahanap niyo pala ang asawa ko. Sorry but his not here, busy siya. Priority niya kami ng magiging anak namin. Wala siyang oras para sa inyo."

"We didn't ask your opinion."

"Tama na Sabrina." i said.

Nilibot ko ang aking tingin bago binalik sa kanya ang atensiyon.

"Aalis na kami Airian."

"Much better,ayaw ko pa naman na nakikita yang pagmumukha niyo."

"Kung makapagsalita ka, parang napapangitan ka samin. Hoy Airian even though your pregnant wag kang aasa na hindi kita papatulan. Akala mo naman napakaganda. Tara na nga Sam!" hinila ako ni Sabrina palabas.

We sighed.

"Gala nalang tayo. Ako ang maglilibre."

Nasa labas pa lamang kami ng village ng makita namin ang sasakyan ni Airian. Saan siya?

"Saan na nanaman kaya yung babae nayun,"

Namasyal kami ni Sabrina sa mall, at dahil ang libre na kaya ko ay sa mga hindi mahal lamang ay siya na ang naglibre.

Kumain kami sa isang mamahaling restaurant.

Nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay nakikita parin namin ang mga nakaitim na mga lalake.

Habang kumakain, ay napansin namin si Airian pumasok sa isang boutique.

"Sinusundan ba tayo ng babaeng yan?" tanong ni Sabrina.

"Aba malay ko, mukhang hindi naman yata. Baka nagkataon na may bibilhin lang."

"sabagay. "

Paglabas namin sa mall ay ang paglabasdin ni Airian. Sa di kalayuan ay ang mga nakaitim na mga lalaki nanaman.

"Nagdududa talaga ako Sam. Parang may mangyayari eh."

Nakita kami ni Airian, huli na para magtago dahil papunta na siya sa aming direksyon. Walang emosyon ang mukha, ano?

"Susugod ang bruha. Akala niya ba sinusundan natin siya?" sabrina.

_____________________

THIRD PERSON POV
______________________

Tumatakbo ang oras. Sisiguraduin ko na habang hindi pa tapos ang araw ta ito ay wala nang makakahadlang sa mga plano ko.

Kahit lumuhod ka pa sa harapan ko, hinding hindi kita mapapatawad. Ikaw ang pumatay, nararapat lang na pagbayaran mo.

Humalakhak ako sa kawalan. Kunting tiis nalang, mabibigyan din kita ng hustisya.

Humalakhak ako.

"Boss nakita na namin. Lumabas na, siguradong ilang minuto nalang mapapatay na namin siya."

"Magaling, sige lang... Ipagpatuloy niyo iyan. Balitaan niyo ako sa magyayari."

"Yes boss."

Ilang minuto nalang, magdasal kana.

Maganda ka sana, kaso sayang ang kagandahan mo dilag.

__________

Ilang hakbang nalang ng bigla kaming nakarinig ng pagsabog kasunod nito ang putukan.

Nagtakbuhan ang mga tao. Tatakbo narin sana kami ng biglang nagpaputok ang isa sa mga nakaitim na lalake sa direksiyon namin.

"Airian!" napasigaw ako sa gulat.

Nagtago kami ni ni Sabrina sa likod ng isang sasakyan. Bakit siya may baril? Nakakapagtaka lang kung bakit siya may baril.

"Sinasabi ko nanga ba! May mangyayaring masama!" galit na sabi ni Sabrina.

Hindi ko siya pinansin. Nakita ko rin na nagtago si Airian sa isang sasakyan. Kung baga, magkaharap kami ng ilang distansya.

Napaalerto ako ng siya ay tumayo. Ilang mga armadong lalake ang palunta sa aming direksyon.

Pinaputok ni Airian ang kanyang baril. Nagulat kami ni Sabrina.

"Airian!" parehas naming sigaw ng madaplisan siya sa kanyang kaliwang balikat.

Pero kahit ganun nakatyo parin siya, hindi iniinda ang sakit, at nakikipagpalitan parin ng baril sa mga armado.

Kung hindi ko maiiligtas si Airian, kakawa ang bata na nasa sinapupunan niya.

Walang pag-aalinlangan akong tumayo na nakayuko mula sa pag-upo.

"Wag mong ituloy ang binabalak mo Sam! Magtago lang tayo, malapit na ang mga pulis."

Isa nanamang putok, ang kanang balikat na nanaman ni Airian ang nabaril.

Ika-tatlo, daplis. Hindi ko alam kong saan tumama pero nakita ko kong paano nalukot ang kanyang mukha at sumigaw.

Muli ay yumuko at punan ng bala ang kanyang baril at muling tumayo.

"Airian, tama na! Parehas tayong mamamatay kung hindi mo yan ihinto!"sigaw ni Sabrina.

Nagkapalitan na ng baril ang mga pulis at mga armado. Ang pinagtaka ko lang kung bakit si Airian ang pipupuntirya nila.

Isang pagsabog, ikalawang pagsabog.

Ingay at kasa ng baril ay wala akong pag-aalinlangan na tumakbo sa direksiyon ni Airian at niyakap siya.

Parang namanhid ang buo kong katawan.

"Samantha!"

"Sam!"

Isa, dalawa, tatlo, at apat ng hindi ko na nakayanan ay bigla akong napabagsak kasama si Airian. Parehong iniinda ang sakit.

Hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari. Biglang nandilim ang aking paningin hanggang sa wala na akong makita.

Katapusan ko na ba?



Friendship FallenWhere stories live. Discover now