03

138 98 12
                                    

KABANTA 03
ᵃᵖᵖˡʸ

Simula noong away namin ni Sabrina ay hindi ako pumasok. It doesn't mean kaya ako hindi pumasok dahil sa away namin but because i need to take care of my mom.

Tatlong linggo na akong walang pasok kasi hindi ko maiwan ng mag-isa si mama sa hospital kahit na minsan si Luigi ang pumapalit saakin para makapagtrabaho ako kahit sa karinderya. Naubos lahat ng ipon ko dahil sa pagbili ng mga kaylangang gamot ni mama.

Nakapagpaalam narin naman ako sa adviser namin.

"Luigi kaylangan ko nang umalis. Pakibantayan at sabihin mo nalang kay nanay na may lakad ako."sabi ko sakanya habang ako ito tinitingnan ang mga papeles na kaylangan ko para maka apply ng ibang trabaho.

"Alam mo bakla ang laki laki ng mansion ng pag-aaplyan mo imposibleng makapasok ka"inirapan ko siya

"Alam mo Luigi bahala na kong gaano yan kalaki ang mansion na pagtatarabahuan kong saka-sakaling makapasok ako basta makabayad lang ng utang namin kay nang Bethy. Alam mo naman yun nililimitahan at may patubo pa kong hindi kami makabayad , syempre ayaw kong paalisin kami sa bahay na iyon kaya kakayanin ko"

"Aish sge sge, umalis kana. Goodluck"

"Salamat"

Kahapon habang kumakain ako sa karinderya na pinagtrabahuan ko ay may ibinigay si Jensie na pahayagan. Isa iyong trabaho na maging personal maid daw kuno kaya walang pag alinlangan kong tinawagan ang number na nakalagay dun. Ang sabi naman, pumunta daw ako ngayon

Pagkalabas ko ng hospital ay agad akong sumakay ng trycicle papunta sa address ng pag-aaplayan ko.

Hindi pa nakaka isang buwan si mama sa hospital pero paubos na ang pera namin. Kasi naman, ang mamahal ng mga gamot na niresita ng doctor.

Makalipas ang kalahating oras ay nandito na ako sa tapat ng malaking mansion. Maganda, bilyonaryo yata ang may-ari ng mansiong ito.

"Ahem ahem!"pekeng ubo ko sabay tingin sa isang guard na tanga tanga. Kong saan saan nakatingin

"Manong, mag aaply po sana ako"

Agad naman niyang binaling ang tingin saakin. Mula ulo hanggang paa tapos kunot noong bumalik ang tingin sa muka ko

"Sigurado ka ineng?"tumango ako

"Oo, bakit? M-may problema po ba?" umiling siya sabay pindot ng kong ano na kinagulat at nagpa atras saakin.

Eh kasi naman eh! Agad agad na bumukas ang gate. Nakakaluha putangina, ang ganda talaga

"Diyan kalang ineng, tatawagan ko muna si Neda para sunduin ka dito" sunod sunod ang pagtango ko dahil sa excitement.

Maya maya pa ay nakita ko ang isang babaeng mukang nasa mid 40's na, na patakbong pumunta sa diriksiyon namin.

"Ikaw ba iyon ija? Yung Samantha ang pangalan?"

"Opo, ako po iyon yung tumawag sayo kahapon."magalang kong sabi na kina ngiti niya

"O siya, sumunod ka saakin ija. Mabuti at maaga ka."

"Oonga po eh, kaylangn ko po talaga ng trabaho manang Neda." Nagulat yata siya sa sinabi ko kaya siya huminto

"Kilala mo ako ija?"

"Ahhh opo, kanina po kasi yung guard sa labas sabi niya tatawagan daw niya si Neda kaya napaisip po ako baka ikaw po iyon"

"Mabuti, t-tara na."

——

"Bakit naparito ka ija? Diba magkaibigan kayo ng anak ko?"

Nandito ako ngayon sa loob ng mansion ng mga Hyun! Putek!, kong alam ko lang sana na ang mga Hyun ang nag hihire ng personal maid hindi nalang sana ako mag aaply.

"Ahhh opo. Mag aaply po sana ako"nahihiya kong sabi sakaniya

Sa unang pagkakataon nakaharap ko ang ina ni Abo. Kasi noong mga panahong may business trip ang mama niya nag vivideo call lang sila. Dun ko rin nakita ang ina niya, pero kahit ganon ay hindi magawang ngumiti ng malawak si abo. Kong ngumiti man ay pilit kaya nga nagtataka ako kong bakit, kong bakit ganon si Abo.

"Sige ija ganito kasi iyon.... Gusto kong mag hire ng personal maid ng bunso kong anak kasi tatlong buwan na may business trip kami ng asawa ko. Kahit man nandito si nanay Neda ay hindi parin ako makapante. Nababalaka ako sa anak ko na baka hindi niya maalagaan ang sarili niya, na baka hindi siya kumakain o napapakain ng tama sa oras, baka may mangyaring masama o magkakasakit siya. Gusto ko binabantayan ang anak ko kong saan man siya pumupunta o kong anong ginagawa niya. Isang linggo na kaming nag hahanap ng personal maid ng anak ko. Paraming nag apply pero kahit isa ay wala akong napili, kaya naman alam kong kaibigan ka ng anak ko at alam kong maaasahan kita. Your hired ija. Basta ipangako mo sakin na alagaan mo ang anak ko, kahit ano mang mangyari ay wag mo siyang iwanan. Alam kong nagkulang kami ng alaga sakanya, pero lahat ng ginagawa namin ay para sakanila. Sakanilang dalawa ng panganay at bunso ko " mahaba niyang sabi na kinangiti ko at nagpahaplos ng puso ko.

Nakikita ko sa kanyang mga mata kong gaano niya ka mahal ang bunso niyang anak. Kong gaano siya mag-alala.

"Salamat po, salamat po talaga. Aalagaan ko po si Abo--"hindi ko natapos ang sinasabi ko ng agad  niyang pinutol.

"A-abo? Ija wala akong anak na pangalan ay abo, kong sino man niyan ija nagkakamali ka" mahina akong napatawa.

"Si Ashton po. Abo po ang tawag ko sakanya, p-pasinsiya napo"sabi ko sabay yuko. Puta talaga, nakakahiya

"Nakakatawa ka ija. Ikaw lang ang tumatawag ng abo sa anak ko. O siya, name your price ija"

Name Your Price?

"Name your price po? Hoh, nakakahiya po. I-ikaw nalang pong bahala"

"100,000 pero month. Ok naba yan? Or gusto mo pang dagdagan?"

"Hala po ang laki po niyan. H-hindi ko po iyan matatanggap ma'am." gulat kong sabi sabay iling iling

"Sa totoo ija may plus pa iyan. Hindi madali ang maging personal maid dahil kada oras kaylangan mong imonitor kong anong kalagayan niya. At dapat kong saan man siya pupunta ay nandon karin ng hindi niya nalalaman. Every week ija, every week tatawagan kita kada linggo kong anong kalagayan ng anak ko. Pasinsiya kana kong hindi madali ang pinapagawa ko pero ayaw ko lang talaga na maulit uli."

Agad naman kumunot ang noo ko

"Maulit uli? Ano pong ibig mong sabihin?"

3 taon na kaming magkaibigan ni Abo pero hindi ko alam ang mga sikreto niya dahil natatakot ako na baka pag tinanong ko siya ay magagalit siya. Pero anong ibig sabihin na maulit uli?

"5 years ago he was able to commit suicide. I don't know the whole reason that's why I'm worried that he might repeat what he did. Kaya please ija but if u don't want it, ok lang." pilit siyang ngumiti saakin.

"Ok lang. Kakayanin ko po." dahil mahal ko ang anak niyo.

"Thank you ija. So, bukas pwede ka nabang magsimula? Para naman alam mo ang pasikot sikot dito sa bahay namin at para narin hindi ka malito."

"Ahhh opo! Opo! Pwede po bukas" masaya kong ngiti at sabi sa kanya.

Thanks God.

Naka apply at natanggap ako!

——.

A/N: Hi sa mga readers ko. Pasinsiya na kong hindi ako nakapag update ng almost a month?
Or mga 3 weeks yata.
Sana nagustuhan
niyo ang chapter na ito. 사랑해!♡

~Love, TC

Friendship FallenWhere stories live. Discover now